Chapter 23

58 5 12
                                    

Unveiling the Truth

I don't know how to react. Hindi ako umiimik magmula pa kanina. Tahimik lamang ako habang pinapanood sila na magusap-usap. Si Keanna naman ay nagpaalam na aalis. She looked at me and mouthed the words 'be safe' before bidding goodbye. Tumango na lamang ako rito.

Mamamatay ako. Bilang na lang ang mga araw ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ako takot, ngunit nanghihinayang ako. Ilang buwan pa lamang ang nakalipas magmula nang madiskubre ko ang pagiging Imortal ko. May Imortal bang namamatay? Hindi ko maintindihan. I can't die. Unless, ang mga dark shadows ang papatay sa akin.

Kung totoo man ang hinala ni Kassidy na may kinalaman ang goddess Zereina sa mga dark shadows, baka nga nakatadhana nang mawala ako sa mundo, sa Mortala man o dito.

I'll make sure to save this world before I die.

-

"Are you sure about this?"

"Let me visit her grave atleast."

Bumuntong hininga si Yohan saka tumango. Nag-aalangan man ay pumayag itong dumalaw kami sa puntod ng aking Mama. Baka raw kasi mawalan uli ako ng kontrol but I promised him that I'll be extra careful this time, I won't lose control.

Hinawakan nito ang matandang puno na siyang nagsisilbi naming lagusan. He uttered words I still cannot understand. Sabi niya ay mga goddess ang gumawa ng lagusan na iyon, sa kanila galing ang tila password na binabanggit nila Yohan para mabuksan ang lagusan. I am a goddess but I do not know the words.

Pumorma ng bilog ang liwanag kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras at tumawid na roon.

Nagulat ako nang may maabutan kaming tao na nakatayo sa harap ng puno sa kabilang mundo, sa likod ng building ng aming school.

Gulat man sa nakita ay agad itong ngumiti sa amin ni Yohan. Nagulat din ako nang mapansing hindi lang basta isang tao ang nasa harapan namin ngayon. Siya ang Director ng school.

"Good to see you again Ms. Mendez and Mr. Saavedra," bati sa amin ng Director.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakita niya kaming lumabas sa lagusan. Hindi man lang ito nag-freak out o ano.

"Mr. Vasquez," ani Yohan saka yumuko ng bahagya sa harap ng Director.

Ginawa ko na lang din ang ginawa niya.

"So they already found you, the lost legend of Imortala," sabi ng Director na siyang ikinagulat ko.

Tumayo ako ng tuwid saka tinitigan ito.

"I am the one preserving this tree. I am guarding this tree, so basically I am a guardian of Imortala," nakangiti nitong sabi sa akin.

"Y-you are what?"

"The fifth guardian of Imortala. Alpha Adlus, milady. Pleased to meet you."

Nagulat ako nang makitang nagbago ang anyo nito mula sa matandang director ng dati naming school, ngayon ay mas bumata ito ng dalawampung taon.

Oh, why did I forgot? Sa binigay na free history class ni Yohan sa akin about sa Imortala, nabanggit niya na shape-shifters at age-shifters ang mga werewolves. I bet this is his original form.

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon