Chapter 24

53 5 10
                                    

Armaitas

"Hindi tulad ng mga bampira, lobo at ng mga witch, hindi ka nila kilala, Zafrina. The fairies and dwarves are not fond of other immortals, unless may magagawa ka para makasundo sila. Ibang-iba ang mga fairies sa Armaitas kumpara sa mga fairies na nakikita mo sa Verzilania at sa fairies na nagbabantay sa lagusan. Ibang-iba rin ang mga dwarves na nagbabantay sa mga border ng Verzilania, sa mga dwarves na nasa Armaitas. You need to pass by Armaitas bago ka makarating sa border ng Onopeia, and the dwarves and fairies will be the biggest challenge for you bago ka makalagpas."

Iyon ang binilin sa akin ni Yohan bago ako umalis ng Verzilania. Fairies and dwarves are cute creatures, hindi ko alam kung paniniwalaan ko si Yohan, pero bahala na. I need to do something they would like para makasundo ko sila, pero ano?

"Malapit na tayo sa border ng Armaitas, Zafrina. Sa kabilang dulo ng gubat na ito naroon ang border. Maging alerto ka," sabi ni Adan.

Bumalik ito sa kanyang anyong tao nang makalabas sa border ng Ravana. Ang sabi niya ay hindi siya puwedeng makita ng mga fairies at dwarves na naka-anyong lobo dahil paniguradong siya ang malalagot. He seemed to be scared kaya pati ako ay medyo nabahala. Gaano ba nakakatakot ang mga maliliit na nilalang na iyon? Maging ang kapatid ng Alpha ay takot sa kanila.

"Are they really that dangerous?" hindi ko na napigilang tanong kay Adan.

"Extremely dangerous. Hindi nila hinahayaang may mang-invade ng teritoryo nila. They are the most territorial creatures in this world. Ang pagiging territorial din nila ang dahilan kung bakit mostly mga katulad nila ang pinagbabantay sa mga borders, maging sa portal. Kailangan mong maging alerto kung ayaw mong masaktan sa mga patibong nila. Advantage din nila ang pagiging maliit dahil hindi mo sila agad-agad na mapapansin o makikita. Kapag nakita nilang suspicious ka, hindi sila magdadalawang isip na manakit. Oblivious din sila sa mga nangyayari sa labas ng teritoryo nila. Kaiba sila sa mga fairies at mga dwarves na nagbabantay sa lagusan at sa mga borders, the fairies here are like amazons."

Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagsasalita ni Adan habang dinedescribe ang mga Armaitans, hindi ko nga alam kung huminga ba siya o hindi na. Armaitans ang tawag sa mga fairies at dwarves na naninirahan sa Armaitas.

"Pero kung ganon sila ka-strict magbantay, paano nakalusot ang mga dark shadows sa portal?"

Natigilan si Adan. Sumeryoso ang mukha nito.

"The dark shadows deceived them. Sa ganoong paraan din nagagawang ipakalat ng mga dark shadows ang epidemya. Mapanlinlang sila, Zaf," lumungkot ang boses nito nang sabihin iyon.

Hindi ko alam kung bakit, gustuhin ko mang tanungin ay ayaw ko namang mas lalo itong malungkot habang inaalala kung ano mang nakapanlulumong pangyayari ang dahilan kung bakit siya nalungkot bigla.

Nagulat na lamang ako nang bigla na lang itong napaluhod habang nakayuko.

"The dark shadows deceived my mate. She died fighting, Zaf. She died fighting for her life. I tried saving her but it's too late. Pumutok ang mga ugat nito sa leeg. Nadamay ang anak naming dalawa. Nalaman ko nalang na naging dark shadow ang kapatid niya, at ang kapatid niya ang dahilan ng pagkamatay niya. Kinuha nila ang anyo ng kapatid niya para linlangin siya, Zafrina. Kailangang may managot."

Nakita ko ang pagkislap ng kanyang pisngi, tandang umiiyak ito. Nilapitan ko siya saka tinap ang kanyang likuran. Hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin, hindi ako magaling mag-comfort kaya ang tanging nagawa ko nalang ay ang yakapin ito.

Medyo kumalma naman ito matapos ang ilang minuto. Nagpahinga nalang muna kami sa ilalim ng isang puno. May nakita rin akong malapit na ilog. Napagpasyahan kong maghilamos roon. Nauuhaw na rin ako ngunit hindi ko maatim na uminom sa ilog kahit pa malinaw naman ang tubig dito.

"Zafrina, maaari ko bang malaman kung anong pakay mo sa Onopeia?" tanong ni Adan.

Nakasandal ito sa puno. Hindi ito nakatingin sa akin sa halip ay sa kalangitan ito nakatingin. Napatingin na lamang rin ako roon.

"Mga kasagutan. Mga kasagutan ang pakay ko sa Onopeia. Mga kasagutan na makapagpapabayad sa mga kasalanang nagawa ng mga dark shadows."

Pareho kaming natahimik matapos niyon. Ilang minuto ang pinalipas namin bago muling magsimula sa paglalakad. Ang sabi niya ay malapit na kami sa border. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil malapit na kami sa destinasyon namin, o matakot dahil malapit na kami sa Armaitas.

"Zafrina!"

Wala akong nagawa kundi sumigaw nang bigla na lamang akong maibitin ng patiwarik. Nakatali na ang isang paa ko gamit ang baging. Ang kabilang dulo naman ng baging ay nakatali sa sanga ng puno kung saan ako nakabitin ng patiwarik.

"A-ayos lang ako. Mukhang hindi ako naging alerto," iyon na lamang ang nasabi ko.

Pakiramdam ko ay masusuka na ako. Nakakahilo ang posisyon ko ngayon. Ilang minuto pa ay nanlalabo na ang aking paningin.

"Zafrina!"

Si Adan ay tila lumlutang sa ere. Hindi ko alam kung paanong nangyari yon ngunit dahil nanlalabo na ang paningin ko ay hindi ko na nagawang idilat ng matagal iyon.

-

Nagising akong nakatali na ang mga kamay at paa ko gamit ang baging habang nakakulong sa isang hawla. I saw some dwarves guarding my cage. Mukhang hindi pa nila nakikita na gising na ako.

Inilibot ko ang tingin sa paligid at nakita sa kabilang banda si Adan. Nakatulog rin ito katulad ko. Para siyang binugbog sa lagay niya. May mga pasa at sugat ito sa katawan.

"Adan," bulong ko.

Nakapahamak nanaman ako ng isang kaibigan.

Muli kong ibinaling ang tingin sa mga dwarves na nagbabantay. Hindi pa rin sila nakatingin sa gawi ko. Kinuha kong pagkakataon iyon upang dahan dahang magpumiglas sa baging.

Naalala ko ang sinabi ni Yohan na maaari kong gamitin ang aking abilidad kung sakaling may mangyari sa aking masama. Ngunit hindi maaaring kumalat ang impormasyon na naglalakbay akong mag-isa dahil baka raw makarating ito sa mga dark shadows.

Ginamit ko ang kapangyarihan ko upang maalis ang mga baging na nakatali sa kamay at paa ko, ngunit nagulat ako nang bigla na lang lumiwanag ang paligid ng hawla na kinalalagyan ko. Napalilibutan ng mga fairies ang hawla.

"P-please, spare me. Kailangan kong pumunta sa Onopeia," iyon na lamang ang sinabi ko.

"Hindi, kayo ang nagtangkang pumasok ng teritoryo namin, kayo ang may kasalanan kung bakit nandyan kayo ngayon!" sigaw ng isa sa mga fairies.

"H-hindi namin sinasadyang manghimasok sa teritoryo niyo."

Hindi na ako pinansin pa ng mga fairies. Pinalibutan nila ang hawla saka itinutok ang kamay sa akin.

Akala ko ay patatamaan nila ako ng kanilang mga kapangyarihan kaya napapikit ako, ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay wala pa ring nangyayari.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang liwanag na nagmumula sa hawla. Sinubukan kong hawakan iyon ngunit tila ba may nakaharang sa mga kamay ko na pumipigil sa aking tuluyang mahawakan ang hawla.

"Zafrina!" sigaw ni Adan nang makita ako.

Nagulat ako nang gumalaw ang mga baging na kanina ay naalis ko na. Muli pinulupot ng mga ito ang kamay at paa ko.

Oh gosh! What are we going to do now?

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon