Chapter 19

77 7 14
                                    

Jealous

I hate this feeling. Hindi ako mapakali. Pabalik balik ang lakad ko sa harap ng aking pinto. Pakiramdam ko ay naikot ko na ang bawat sulok ng aking silid. Haharapin ko ngayon ang Reyna, ang aking Ina.

Ang sabi ni Zig ay hintayin ko raw siya rito dahil may pupuntahan lang ito saglit, gusto ko sanang umangal pero hindi ako nito binigyan ng tsansang makapagsalita dahil agad na nitong niliban ang kuwarto ko.

Sampung minuto na akong naghihintay. Gusto ko sanang ipagpabukas na lamang ang pagkikita namin ng Reyna, ngunit wala na akong nagawa pa. Mukhang ipinaalam na niya ito sa palasyo.

Sari-saring emosyon ang bumabalot sa akin ngayon. Kinakabahan man ay alam kong sa kailaliman ng aking puso ay hindi ko maipagkakailang may bahid ng saya akong nadarama ngayon.

Dalawang araw na magmula nang nakabalik kami galing sa Arcus. Dalawang araw na rin magmula nang malaman ko ang tunay kong pagkatao, magmula nang malaman ko kung sino ang tunay kong Ina.

Mahal ko ang naiwan kong pamilya sa Mortala at malaki ang pasasalamat ko sa kanila, ngunit magmula nang malaman kong hindi ako tunay na anak ng kinilala kong Ina, alam ko sa sarili ko na ang kulang sa akin na matagal ko nang hinahanap ay nandito sa Imortala. Ngayon ay muli kong makakaharap ang Reyna, hindi bilang isang pinuno ng lugar na ito, ngunit bilang nanay ko.

Tatlong katok sa aking pinto ay agad akong napatigil. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin si Zig. Sa likod nito ay si Lady Verena.

Naalala ko nang una ko itong makita. She resembles me so much. Ngayon, nasagot na ang aking katanungan kung bakit kami magkahawig ng Reyna at ng Prinsesa.

Paunti-unti ko nang natatanggap ang katotohanan. Alam kong kalaunan ay kakailanganin kong tanggapin ito, hindi ko na puwedeng patagalin pa. Walang oras para roon. May mundo pa kaming dapat na iligtas.

"Zaf," banggit ni Lady Verena sa aking pangalan.

Unti-unti itong umalis sa likuran ni Zig. Humakbang ito papalapit sa akin.

"You know her, right?" tanong ni Zig.

Tinanguan ko ito bilang sagot.

"Sabi ko na, e. The familiarity when I first saw you, hindi iyon guni-guni lang," sabi ni Lady Verena.

The longing is evident in her eyes. Mas lalo itong lumapit sa akin, saka ako niyakap. Iniangat ko ang aking mga kamay at niyakap pabalik ang aking kapatid.

Isang taon ang pagitan namin ng Prinsesa, ngunit para lamang kaming mag-kambal dahil sa aming pagkakahawig. Hindi rin halata rito na mas matanda ito kaysa sa akin.

Kumalas mula sa pagkakayakap si Lady Verena. Tinititigan nito ang aking mukha. Mababakas ang galak sa mga mata nito.

"Masaya akong makita ka, Zafrina."

"Masaya din akong makilala ka, Verena."

-

Habang naglalakad sa mahabang hallway ng palasyo ay mas lalong sumiklab ang kaba sa aking dibdib, gayundin ang saya.

"Ayos ka lang?" tanong ni Zig.

Tinignan ko ito at tumango lamang.

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon