Chapter 4

106 13 17
                                    

Imortala


I watch my feet as I walk through the street. I don't care if I bump into someone or something. I'm curious, kuryoso sa kung saang lugar man ako dadalhin ng mga paa ko.

Hindi ako tumingin sa dinadaanan. Hinayaan ko lamang na ang mga paa ko ang magdala sa akin sa kung saan man ako papunta ngayon.

Napatigil lang ako sa paglalakad nang may pares ng mga paa ang tumapat sa akin. Nangunot ang noo ko nang mahalatang sadya niya akong hinarangan.

Iniangat ko ang tingin. Napangiwi ako nang makita kung sinumang walang hiya ang humarang sa akin.

"Excuse me? You're on my way."

No'ng isang araw lang ay guilty ako dahil naguilty siya, pero ngayong nakita ko nanaman ang nakakabuwisit niyang pagmumukha ay nairita nanaman ako. Goodness! Ano bang meron sa lalaking 'to?

"Oh, don't be guilty, 'cause I am not guilty at all, really. I just need to go somewhere that day. I didn't leave because I'm guilty."

And why the fuck did I forget that he can read minds? Damn it!

"Stop reading my mind," matigas kong sabi.

He playfully smirked at me. Masasapak ko na ata ito.

"And who are you to order me, Zafrina Isabelle?" nakangisi nitong sambit. "Nga pala, you're also on my way. We both have the same way, e."

Napangiwi ako. Tinulak ko siya, ngunit masyado siyang malakas kaya hindi man lang ito gumalaw mula sa kinatatayuan. Pinanliitan ko ito ng mata bago ko ito inirapan at lumihis na lamang para maipagpatuloy ko na ang naudlot na paglalakad nang dahil sa kanya.

"Come with me."

Napatigil ako sa sinabi ni Zig. Nilingon ko ito. Hindi ito nakatingin sa akin, ngunit seryoso ang boses nito.

"We need you, Zaf," dagdag nito na mas nakagulo lang nanaman sa isip ko.

"What do you mean? Please stop confusing me, Zig."

"Zafrina!" Napalingon ako sa tumawag.

Si Yohan. Huling kita ko sa kanya ay no'ng nasa convenience store kami at nalaman kong alam niya kung ano ako.

"Inatake ang mama mo," aniya na nakagimbal sa akin.

Kumaripas ako ng takbo pabalik sa aming bahay. Magkanda-tapilok na ako ngunit hindi ko na muna ininda ang sakit sa paa, sa halip ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

Nang marating ng bahay ay dumiretso agad ako sa kuwarto ni mama. Nando'n si Dylan na mukhang kagagaling lang sa iyak. Naroon din ang doktor ni mama.

Agad naman akong hinarap ng doktor nang mapansin akong naroon. "She's fine now, hija. Don't worry. Kailangan niya lang ng pahinga."

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi nito. Nagpaalam ang doktor at wala akong ibang nagawa kundi tumango.

Naupo ako sa kama ni mama. She's asleep. Hindi ko man siya kadugo o ano, siya pa rin ang nagpalaki at kumupkop sa akin. Ipinaramdam nito kung paano magmahal ang isang ina kahit na hindi niya ako totoong anak. I owe my life to her.

"Zaf," malat pa ang boses na wika ni Mama. Gising na ito at nakangiti na sa akin. May lungkot sa mga ngiting iyon sa hindi malamang dahilan. "I need to let you go, anak," aniya na ikinakunot ng aking noo.

"What do you mean, Ma?"

"Your world needs you."

Sa sinabi nito ay tila nakuha ko na ang gusto nitong iparating. Zig's words a while ago flashed on my mind.

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon