Chapter 11

74 8 7
                                    

Connection

I got to read his mind. How? Why?

Nakabalik na ako sa dorm. Hinatid ako ni Zig sa room namin pero hindi pa rin ako makatulog. Ngayon ay may panibago nanamang babagabag sa isipan ko.

I hate how overthinker I am.

Tulala lamang ako hanggang sa lumiwanag. The escaped rays of the sun on my window made me blinded by the light.

Ang sakit ng ulo ko. Ngayon lang uli ako hindi nakatulog ng ganito. Magmula nang nagpunta ako rito ay hindi na ako nanaginip ng masama kaya nagiging mahimbing na ang tulog ko, maliban ngayon.

Tatlong katok sa pinto, alam ko na agad kung sino iyon.

"Babangon na!" sigaw ko kay Xeraine.

Hindi na ito nagsalita pa. Mukhang natauhan na siya. Last time na sinigawan niya ako ay hindi ko siya pinansin ng buong araw. I really hate it when other people disturb my slumber.

Bumangon ako. Bahagya akong nahilo dahil sa biglaang pagbangon. Wala pa akong tulog kaya mahihilo talaga ako.

Babawiin ko na lang mamaya. May dalawang vacant ako ngayon kaya mag-i-stay na lang muna siguro ako sa library para matulog.

-

Gaya ng plano ay nagtungo ako sa library matapos ang ilang klase. May dalawang oras akong bakante ngayon kaya maaari kong bawiin ang tulog ko kahit papaano.

Tumungo ako sa lamesa sa library. Kumuha na rin ako ng ilang libro para kung sakaling makita ako ng librarian ay iisipin nitong nakatulog ako dahil sa pagbabasa at hindi ko sadyang matulog talaga roon.

Wala pang isang minutong nakapikit ang aking mga mata ay nakaramdam na agad ako ng presensya sa harap ko.

Iniangat ko ang aking ulo. Bahagya muli akong nahilo dahil sa biglaang pag-angat ko nito. Ugh! It sucks when I'm lacking sleep. Damn it!

"Wala kang tulog?"

"You read my mind again," I stated.

Umiling ito kaya napataas ang isa kong kilay.

"Well, bago ko pa man nabasa ang nasa isip mo ay halata naman sa mga mata mong wala kang tulog, Zaf."

I rolled my eyes. Distorbo!

"Oops, sorry to disturb your sleep then. Mauupo lang ako sa tabi mo, huwag kang mag-alala, hindi na kita iistorbohin," aniya.

Umiling-iling nalang ako saka muling itinungo ang ulo sa lamesa. I can still feel his presence. Mukhang tototohanin niyang mauupo siya sa tabi ko. Hays! Hayaan na nga!

I let my self drown from tiredness.

-

It was so dark and it's drowning me. Ilang beses kong kinurap ang mga mata ngunit ayaw bumalik ng liwanag. Nagmistula akong isang bulag. Kahit saan ako lumingon ay purong itim lamang ang nakikita ko.

"Zaf,"

Isang bulong ang aking narinig. Muli akong lumingon ngunit nanatili ang kadiliman sa paligid.

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon