Chapter 8

98 13 11
                                    

Vermos Academy

I was packing my things when Zig entered my room. Nakakunot ang noo nito habang nakanguso. Nginunguso mo dyan, hilain ko 'yan, e.

"So you're serious about this, huh?" paninigurado nito.

Hindi ko siya inimik. Inabala ko na lang ang aking sarili sa pag-i-impake. Kaunti lang naman ang inilabas kong gamit nang dumating ako rito, at kaunti lang din naman talaga ang dala ko. Dalawang backpack nga lang, e.

Nang matapos ako ay agad kong isinukbit ang isa sa aking balikat saka dire-diretsong lumabas ng pinto ng kuwarto.

The others are also waiting for me at the living room. Nakatayo sila roon, nakahalukipkip. Si Kassy lang ang nanatiling nakaupo.

"Are you really going to leave us?" Keanna asked. She's kind, they're all kind except this one person.

Napatingin ako kay Kassidy na ngayon ay nakataas na ang isang kilay sa akin.

I don't want to be the cause of this group's downfall just because they have a new member without an element or any ability. Though, I don't think they consider me as a new member.

Tumango ako kay Keanna bilang sagot. "Kabilang room lang naman," dagdag ko.

Bumuntong hininga si Keanna. Gano'n din si Zhaireen.

"Ano pang hinihintay mo? Gusto mo atang pagbuksan ka pa namin ng pinto?" the girl with the bad attitude said— Kassidy.

"May kamay ako, Kassidy. At huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang madumihan 'yang napakalinis mong kamay para lang pagsilbihan ako. Puputulin ko na lang kung gusto mo," sagot ko, hindi na nakapagtimpi.

Nanliit ang mga mata nito sa akin. Akmang tatayo na, ngunit tila naramdaman din nila ang namumuong tensyon sa silid. Tyrone started to tell a joke just to lighten the mood, kahit pa nauwi lamang iyon sa pagbatok sa kanya ni Kassidy.

"Puwede ka pa ring magpunta rito, Zaf. At kapag may kailangan ka, tawagin mo lang ako," sabi ni Zig.

Hindi ako sumagot. Tinalikuran ko na lamang sila agad saka nagtungo sa may pinto. Binuksan ko iyon saka umalis sa silid. Iniwan ko silang pinapanood akong maglakad palayo. Yohan came with me.

"It's about Kassidy, am I right?" he asked.

Umiling-iling ako. Kahit naiinis ako ay ayoko pa ring bahiran ang samahan nilang grupo.

"I just thought that I don't belong in your group," sagot ko.

Bahagyang natawa si Yohan na siya namang ikinakunot ng aking noo.

"You're more than what you actually think."

Lagi niyang sinasabi iyon. Ang predictable na nga, e na kapag may time na mag-u-usap kami ay alam kong mababanggit at mababanggit niya ang pangungusap na 'yon.

"Zafrina!" Sinalubong ako ni Xeraine ng isang yakap.

Ayoko sa clingy, pero kailangan ko ng matutuluyan, kaya ko namang ipagsawalang bahala ang kaartehan.

Nang kumalas sa yakap ay bigla na lang itong namula nang mapansin kung sino ang kasama ko.

"H-hala,"

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon