Chapter 28

49 4 0
                                    

Promised Desire

Hindi ako makapaniwalang hinayaan ko lamang na mawala sa paningin ko ang aking Ina. Ayaw tumigil ng luha ko mula sa pagragasa. Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan. Hanggang ngayon ay nakadungaw pa rin ako sa bukas na bintana ng Sierra.

Dalawang palapag na lamang at maabot ko na ang kinalalagyan ni god Zajac. Hindi ako maaaring magsayang ng oras at hindi ako puwedeng umatras, ngayon pang may buhay nanamang nadamay nang dahil sa akin. Hindi ko puwedeng sayangin ang ibinuwis na buhay para rito.

"Hanapin niyo dyan. Sigurado akong dito tumigil ang dragon. May sakay itong babae."

Agad akong tumakbo tungo sa pinakamalapit na pinto at binuksan iyon. Nagtago ako sa loob ng silid upang hindi makita ng mga guwardya. Sigurado akong ako ang tinutukoy ng mga ito.

"Sinasabi ko na nga ba't mangyayari nanaman ito. Hindi niya pinahahalagahan ang mga batas ng kanyang ama."

"Baka bukas makalawa'y mismong ang nakatataas na ang magpatapon sa kanya sa Cerevaux."

Si Eos ba ang tinutukoy nila? Batas ng ama? Cerevaux?

Dinig ko pa rin ang mga yapak ng mga guwardyang naghahanap sa akin kaya ilang minuto pa akong nag-stay sa loob ng silid.

Inilibot ko ang tingin sa aking paligid. Puno ng salamin ang buong kuwarto. Iba-iba ang disenyo ng mga salamin na naroon, ngunit ng nakaagaw ng aking pansin ay ang salamin na nasa gitna ng silid. Kulay brown iyon. May mga nakaukit na letra at simbolo sa gilid nito na hindi ko maintindihan. Lumapit ako roon at tinitigan ang sarili.

Nagulat ako nang tila may pumatak na tubig sa salamin at naging maalon iyon, hanggang sa hindi na ang sarili kong repleksyon ang nagpapakita. It's him. Zig.

He's still asleep. Ngunit ang labis na ikinagulat ko ay hindi siya nag-iisa sa kanyang silid. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Ang sabi ng Reyna ay nawawala siya. Anong ginagawa niya sa silid ni Zig?

"Verena," bulong ko sa pangalan ng aking kapatid.

Imbis na matuwa dahil hindi siya nawawala ay purong galit ang namuo sa aking dibdib. Pumorma ng bilog ang aking kamao. Hindi ako puwedeng mawalan ng kontrol rito kaya sobrang pagpipigil ang aking ginawa.

I gritted my teeth when I saw her touched Zig's face.

Nasaan na ba sila Kuya Zendrex? Bakit walang nagbabantay kay Zig! Hindi natapos sa paghaplos ang ginawa nito dahil itinapat nito ang mukha sa noo ni Zig at hinalikan iyon.

Ang galit ay napalitan ng luha. Hindi ko kayang panoorin ang mahal ko na hinahalikan ng iba. Gusto kong iiwas ang aking tingin ngunit hindi ko magawa.

Ang halik sa noo ay napunta sa pisngi. Ang mga haplos nito'y bumaba sa dibdib ni Zig. Nang iangat nito ang kanyang mukha ay hindi ako makapaniwala sa nakikita. Tuluyan kaming naging magkamukha. Para bang isang replika ko ang naroon ngayon sa silid ni Zig. Nakangisi ito sa kawalan at tila ba may binabalak na masama.

Hindi. Anong nangyayari? Bakit kami magkamukha?

Panandaliang dumilim ang silid. Hindi ko alam ang nangyayari. Ang akala ko'y wala na, ngunit muling bumalik ang imahe ng kuwarto ni Zig, ngunit wala nang natitirang tao roon.

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon