Chapter 27

45 5 10
                                    

Breaking Laws,
Breaking Heart

"Anong iyon lang? Sigurado ka ba? Gagawin mong pain ang sarili mo!" pansesermon ko kay Eos.

Narito kami ngayon sa loob ng tinatawag niyang hideout. May pa-hideout pa ang loko.

"Ayos lang Zafrina, basta matulungan kita. At saka, hindi naman nila ako mahuhuli. Kung mahuhuli man ay limang araw lang naman sa dungeon ang gugugulin ko dahil hindi ganon kabigat ang kasalanang gagawin ko."

Napangiwi ako sa sinabi niya dahil mas naguilty ako, at mas natakot dahil ang gagawin ko ang may mabigat na parusa. Jusko! Baka dito na ako mamamatay. Sana naman hindi, marami pa akong kailangang gawin para iligtas ang mundong ito.

"Nga pala, alam ni Sky kung nasaan banda ang silid kung nasaan namamalagi ang nakatataas. Ihahatid ka niya roon. Hintayin mo ang signal na ibibigay ko sa inyo saka kayo lumipad," bilin nito sa amin ng alaga niya.

Sabay kami nitong napatango.

Nilapitan ni Eos ang alaga nito. Makipagtitigan ba naman sa dragon na para bang huling araw na nila iyong magkikita. Jusko! Mas lalo akong nagiguilty na kailangan kong idamay ang dalawang ito.

"Zafrina, siguraduhin mong makukuha mo ang mga sagot sa lahat ng katanungan mo," aniya sa akin.

Tumango ako bilang sagot rito.

Matapos ng pag-uusap na iyon ay tumungo kami sa isang lumulutang na ulap malapit sa Sierra. May puno rito, kaya imbis mapokus sa plano namin ay nababaling ang atensyon ko sa ulap kung saan nakatanim ang puno. Paano kaya naitanim iyon roon?

"Zafrina, pupunta na ako." 

Napalingon ako kay Eos. Unti-unti na itong umaangat sa ulap. Si Sky ay tila iiyak na. Ngayon lang ba sila maghihiwalay?

Kumaway sa amin si Eos bilang pamamaalam. Kumaway naman ako pabalik. I mouthed the words 'take care' to him. Tumango ito saka iniangat ang isang kamay tandang nangangako ito.

Nang makalayo na ito ay siya namang pagsampa ko sa likod ni Sky. Dalawang nilalang na ang nasakyan ko dahil sa pagpunta ko sa Onopeia. Hindi ako makapaniwalang mararanasan kong makasakay sa isang lobo at sa isang dragon. Sana lang ay magtagumpay ako sa misyong ito.

Nakita kong nililibang ni Eos ang mga guwardya na nagbabantay sa paanan ng Sierra. Tila nakikipagusap lamang ito ngunit nakita ko ang tila unti-unting pagkawala ng malay ng mga guwardya.

Ang bilin ni Eos ay isang minuto lamang ang itatagal non, kaya nang itaas nito ang kamay ay agad na lumipad si Sky tungo sa tuktok ng Sierra. 

Napahawak ako ng mahigpit sa leeg nito dahil sa bilis ng ginawa niyang paglipad, at dahil na rin sa takot na baka mahulog ako. Mag-isa pa naman akong nakasakay rito.

Nag-aalala man kay Eos ay pinilit ko ang sarili na hindi tumingin sa ibaba. Alam kong sobrang taas na namin ngayon, ngunit tila imposbleng maabot ang tuktok ng Sierra dahil sa sobrang taas nito.

Nang maabot namin ang sa tingin ko'y 3/4 ng Sierra ay nakita namin ang iilan pang nakabantay na guwardiya. Hindi ako nainform na may mga guwardya pa rito. 

"Lipad!"

Napatingin ako sa baba namin ni Sky at nakita ko si Eos na tila pagod na pagod na. Sa ibaba nito ay tatlong guardyang humahabol sa kanya. Labag man sa loob ay sinunod ni Sky ang utos ni Eos sa kanya. Muli niyang pinatulog ang mga guwardya na nakaharang sa amin.

Pagod na ito dahil kanina pa ito lumilipad, tapos gumagamit pa siya ng kapangyarihan. Gusto ko itong tulungan kaya naman pasimple akong gumamit ng aking kapangyarihan at sinilaw ang ilan sa mga guwardyang humahabol kay Eos. Napalingon sa akin si Eos saka nag-thumbs up. Nginitian ko ito bago tuluyang lumipad ng mabilis si Sky.

Nakikita ko na ang tuktok ng Sierra. Malapit na kami. Ngunit nang abot kamay na namin ang pinakatuktok ay ang siyang paghinto ni Sky na tila nasaktan.

"A-anong nangyari?" tanong ko, kahit na alam kong hindi ako nito masasagot.

Tanging ungol ang narinig ko rito. Hindi ko na alam ang gagawin. Nakita ko ang pakpak nitong hirap nang gumalaw.

"Sky, wag mo nang pilitin! Masasaktan ka!" utos ko rito ngunit nagpipilit itong magpumiglas.

Nagdudugo na ang ilang bahagi ng katawan nito at hindi ko man lang alam kung bakit. Tila ba may invisible na sinulid ang pumimigil ritong gumalaw, gayunpama'y pinilit pa rin nitong gumalaw at iginiya ako sa pinakamalapit na bintanang nakita nito.

Tuluyan ako nitong nailagay roon. Ilang saglit pa ay nakita ko ang pagliwanag ng buong katawan nito. Hindi. Anong nangyayari?

Nang mawala ang liwanag ay nagulat ako sa nakita.

"Mama,"

Unti-unting nagtubig ang mga mata ko sa nakita. Hindi ako makapaniwala.

Tumingin ito sa akin nang may ngiti sa labi.

Hindi ako maaaring magkamali. Si Mama si Sky.

Ang mga tila invisible na sinulid na humahawak sa kanya ay tila nawala. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa harap ko mismo, naputol ang kamay nito saka nahulog.

"Hindi! Mama!"

Sinubukan kong abutin ito ngunit hindi ko nagawa dahil masyado itong malayo.

Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko. Muli akong nawalan ng ina, at wala man lang akong nagawa upang pigilan iyon. Ang masaklap ay ako nanaman ang dahilan ng pagkawala nito.

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
n o t e : baka maguluhan kayo bakit nakita niya yung mama niya dito. so yung mga namamatay mortala, napupunta yung soul nila sa mga dragon sa imortala. hiho

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon