Chapter 30

53 7 0
                                    

N O T E : This is the final chapter of Imortala Series #1. The next update will be the epilogue. Thank you for reading and walking with Zafrina in this journey. Hope you enjoy it!

-

Battle Between
Light and Darkness

Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni god Zajac, nakauwi ako kaagad sa Verzilania. Kanina ay naghanda na si god Zajac ng mga sundalo nito na maaaring sumunod kung sakaling may mangyaring digmaan.

Tinawid ko ang tulay na nagsisilbing border ng Verzilania at ng mga burol na kumokonekta sa matandang puno na siyang lagusan patungo sa kabilang mundo.

Tumakbo ako patungo sa dorm kahit pa pagod na pagod na ako. Walang gaanong tao sa labas ngayon. Nakakalat ang mga kawal ng palasyo. Yumuyuko ang mga ito sa tuwing madadaanan ko.

Naguguluhan man kung bakit naroon sila ay hindi ako nag-abalang magtanong dahil sa kagustuhang marating kaagad ang kinalalagyan ng Celestials. Hindi ko alam kung ilang araw ba akong nawala, pero tila ba napakaraming nagbago dito at para akong inabot ng ilang taon.

Nang marating ko ang dorm ay wala ang dwarf na nagbabantay sa may pinto. Dalawang kawal lamang ang naabutan ko roon na sabay na yumuko dahil sa pagdating ko saka ako pinagbuksan ng mga ito.

Patakbo kong pinasok ang dorm. Agad akong tumungo sa elevator at pinindot ang ika-sampung palapag. Wala pang isang minuto'y nakarating ako roon.

Nagulat ako sa naabutan. May ilang basag na gamit ang nakakalat sa pasilyo ng 10th floor. Hindi ko alam kung dito lang o pati sa iba pang mga palapag.

Agad kong tinakbo ang distansya sa pagitan namin ng pinto ng aming silid. Pagpasok ko ay wala akong naabutang tao. Basag ang ilan sa mga bintana ng silid. Nakabukas ang ibang pinto ng kuwarto ng aming miyembro. Magulo ang gamit at maging ang sofa ay wala sa tamang puwesto.

Naalala ko sila Xeraine kaya doon na lamang ako nagtungo.

Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko si Aeolus na dinadaluhan ang nanghihinang si Nezuko. Dumudugo ang braso nito. Gaya ng amin ay magulo rin ang loob ng room nila.

"Z-zaf," nanghihinang tawag ni Nezuko.

Napabaling na rin sa akin si Aeolus. Tila ito nagulat sa biglaan kong pagpapakita.

Inilibot ko ang tingin ngunit hindi ko nahanap ang gusto kong makita.

"Where's Xeraine?" tanong ko.

Sabay silang saglit na natahimik dahil sa tanong ko.

Am I late? What happened here? Wala man lang akong ideya kung ano ang nangyari at nangyayari rito.

"You're an hour late, Zafrina. The dark shadows got Xeraine. S-she's now under the influence of dark m-magic," naiiyak na sagot ni Aeolus sa tanong ko.

I can't believe this. I'm late. First they got Zig, and now Xeraine.

"A-anong nangyari dito, Ae?"

"Lady Verena went here. Nagulat nga kami dahil ang sabi ay nawawala siya at kinuha ng mga dark shadows ngunit nagtungo siya rito na tila ba tuwang-tuwa. Matapos ang ilang minuto bigla nalang sumugod sa dorm ang mga dark shadows. Bawat dorm ay kinuhanan nila ng isang estudyante. Lady Verena led the dark shadows. Xeraine sacrificed herself. W-we tried to stop it, pero walang epekto. Zafrina, your siste-"

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon