Chapter 16

78 10 8
                                    

Adventure

Tatlong linggo na magmula nang naging opisyal na miyembro ako ng Celestials. Tuluyan akong hindi kinausap at ginulo muli ni Zig. Napapabuntong hininga na lamang ako tuwing naaalala iyon. May kaunting kirot sa puso ngunit hinahayaan ko na lang.

Minsan ay lumilipas ang isang buong araw nang hindi ko siya nakikita. Minsan naman ay nakikita ko siyang lumalabas sa dorm tuwing gabi at hindi ko rin naman siya nakikita madalas sa school dahil senior siya at freshman lang ako. Magkaiba ang aming schedule.

It's already 5PM, pero pinatawag kami ni Kuya Zendrex sa quarters dahil may pagmi-meeting-an daw na importante.

Naglalakad ako patungo sa quarters sa Building E. Sa Building A lang naman ako nanggaling kaya hindi ganon kalayuan. Hindi na ako nag-bike pa.

I went inside the lift. I was about to press the button for the 10th floor when someone pressed it first.

Nilingon ko ang kapapasok lamang sa lift na si Zig. Really? Ngayon pa talaga kami magkakasama kung kailan nasa kulob na lugar kami.

Walang nagsalita the whole time. Mabuti na lang at wala pang isang minuto ay nakarating na kami sa 10th floor, thanks to this flash-like lift.

Naunang lumabas si Zig. Napabuntong hininga na lamang ako. Ayoko ng ganito ngunit ano nga bang magagawa ko?

"So nandito na ang lahat," sabi ni Kuya Zendrex nang tuluyan akong makapasok.

Ako ang huling nakarating sa loob. Sinadya kong magpahuli upang hindi nila isipin na sabay kami ni Zig na nagpunta rito.

"Anong meron? May adventure ba tayo?" tanong ni Keanna.

Adventure? What kind of adventure?

"Zig, explain them what we're going to do," utos ni Kuya Zendrex kay Zig.

"You're right, Keanna. We will be having an adventure," pagkumpirma ni Zig.

"Of course, that's the only reason why we go here," ani Keanna.

"What adventure?" tanong ko.

Sabay-sabay napatingin sa akin ang mga kasama ko nang magsalita ako, maliban kay Zig.

"Term namin 'yon sa isang mission.," sagot ni Zig sa tanong ko nang hindi man lang ako ginagawaran ng tingin.

"So where are we going?" tanong ni Kassidy.

Naalala ko ang sinabi ni Xeraine na wala siyang kinalakhang magulang. I wonder what happened to her parents.

"Sa Pertua."

"Saan 'yon?" pasimpleng bulong ko kay Yohan dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar.

"Sa Arcus. Ang parteng iyon ng Imortala ay teritoryo ng mga bampira."

"Naalala niyo ba kung paanong napagpasyahan nating maging miyembro si Zafrina ng Celestials?" tanong ni Zig, without looking at me again, kahit pa binanggit nito ang aking pangalan.

Naalala ko ang araw na 'yon. Nagwawala si Xeraine sa loob ng training room, and I tamed her. But in the end, both of us passed out.

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon