Chapter 5

103 13 18
                                    

One of Us

Letting go is harder than holding on. Tama nga ang sabi nila. I can't let go of my family yet, but I need to. Maaari naman akong dumalaw kung may oras, pero hindi ko kayang iwan ngayon ang mama ko na may sakit.

"Ayos lang ako, anak."

Umiling-iling ako sa sinabi ni mama. Nakasimangot ako, hirap na pakawalan mula sa pagkakayakap ang kinalakhang ina.

Natawa ng bahagya si mama sa reaksyon ko, ngunit alam kong pilit lamang iyon.

Humiwalay ako sa pagkakayakap, nakasimangot pa rin. "Then promise me you'll take care of yourself, please," sabi ko na parang bata. I'm not usually clingy like this, but I just can't help it!

"I promise."

"Zaf, let's go?"

Tumango-tango ako saka unti-unting humakbang palapit kay Zig, at palayo sa mama at kapatid ko.

Nakatalikod si Dylan sa amin. He's crying. Hindi ko mapigilang mapaiyak nalang din dahil doon. I've never seen my brother cry so bad. Tumataas-baba ang balikat nito.

Muli akong lumapit sa kanila. Niyakap ko mula sa likod ang kapatid.

"I'm gonna miss you, bro."

Mas humikbi ito dahil sa sinabi ko. I am close to my brother, kahit pa may iilang pagkakataong nag-aaway kami.

Muli na akong humakbang palayo sa kanila, papalapit sa matandang puno sa likod ng building ng aming school. Hindi na ako lumingon pabalik, natatakot na baka kapag nilingon ko sila ay hindi na ako makaalis pa.

Ngayong mas malapit na ako sa puno ay malinaw ko nang nakikita ang mga maliliit na taong nagbabantay dito. May dala silang kulay berdeng liwanag mula sa mga pakpak. Pinalibutan kaming tatlo nila Yohan at Zig ng mga maliliit na nilalang na nagbabantay sa puno.

Hinawakan ni Zig ang matandang puno, at kasabay niyon ay umilaw ang bahagi ng punong hinawakan niya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita. Pinigilan ko ang sariling mapanganga, ngunit pilitin ko mang hindi ipahalata ay alam kong labis na pagkamangha ang makikita sa aking mukha.

"Porta de san o na imortala," wika ni Zig habang nakahawak pa rin sa puno.

Tuluyang lumiwanag ang puno. Unti-unting pumorma ng bilog ang liwanag na iyon at nagbukas ang lagusan sa ibang mundo.

Pumikit ako ng mariin. This is it, Zaf. No turning back.

Ako ang naunang humakbang papasok sa lagusan.

Nakakasilaw na liwanag ang bumungad nang pasukin ko iyon, ngunit unti-unti ring nakapag-adjust ang mata ko sa liwanag. Bumungad ang pamilyar na lugar sa akin. Naalala ko ang panaginip ko.

Sumunod si Yohan saka si Zig.

Parehong-pareho ang nakita ko sa panaginip ko, sa nakikita ko ngayon. Luntian at bughaw ang nangingibabaw na kulay. Ang pagragasa ng tubig sa isang malapit na ilog at mga huni ng mga ibong malayang lumilipad sa himpapawid. Sa kabilang banda ay ang kakahuyang tinahak ko sa aking panginip.

Iyon din ang daang tinahak namin. Nakasunod lamang ako kila Zig na naglalakad. Gaya ng nasa panaginip ko ay bumungad sa amin ang mga burol na nababalutan ng iba't ibang kulay ng mga bulaklak na nagkalat.

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon