Chapter 15

78 8 10
                                    

Train Your Heart

I don't understand. Why do I resemble them?

"I suppose you're the new member of Celestials," wika ng Reyna.

Tinanguan ko ito. Napatingin sa akin ang mga kawal nang hindi ko man lang binigyang respeto ang kanilang Reyna.

"Lumapit ka sa akin," utos niya na siyang sinunod ko naman.

Nang makalapit ako ay mas nakita ko ng malapitan ang kanyang mga mata. Direkta itong nakatingin sa akin, tila ayaw akong mawala mula sa kanyang paningin.

Isang ngiti ang iginawad nito bago hinawakan ang aking noo.

Mga katagang walang sinuman ang nakaintindi sa amin ang sinambit nito. Isang liwanag ang pumorma sa aking dibdib, hanggang sa tuluyan akong lamunin nito.

Unti-unting humupa ang nakasisilaw na liwanag. Ang kaninang nanggaling sa aking dibdib ay nagtapos sa aking palaplsuhan. Isang marka ng buwan ang naiwan doon bago tuluyang nawala ang liwanag.

"Ang marka ng isang Celestial. Welcome, Zafrina," sabi ng Reyna.

I was so confused that I forgot I am infront of a queen.

Tinitigan ko lamang ang mga mata nitong may halong pagkawili. I was about to turn my back when Zig stopped me.

Yumuko ako sa Reyna bilang paumanhin, gayon din si Zig. I excused myself telling them that I am not feeling well. Muli akong humingi ng paumanhin sa Reyna. Isang ngiti lamang ang iginawad nito bago ako tumalikod.

"Is there something wrong, Zaf?" tanong ni Zig nang pabalik na kami sa dorm.

Hindi ko pinansin ang tanong nito. Jerk, you can read my mind. There's no point on telling you.

"I'm sorry for invading your privacy then. I'll stop reading your mind," biglang sabi nito.

Natigil ako sa paglalakad.

"Why?"

"Wala, napagisip-isip ko lang na unfair din sa part mo 'yon."

"Akala ko hindi mo mapipigilan?"

"I have my ways. Don't worry, I won't bother you again. Welcome to Celestials, Zaf." And after saying that, he turned his back to me. Nauna itong naglakad kaysa sa akin.

What the heck just happened?

Sinisimulan niya na ba akong iwasan dahil sa Prinsesa? Ayaw niya sigurong pagselosan ako ng Prinsesa kaya ganoon, o baka naoffend ko nanaman siya sa sinabi ko sa isip ko? Aish! Ewan! Bahala ka, Zig!

-

Alas diez na ng gabi, may pasok bukas ngunit hindi pa rin ako nakakatulog. Hindi maalis sa isip ko ang mukha ng Prinsesa at ng Reyna. Hindi ko alam kung sadyang asumera lamang ako o may mali talaga.

Napabangon ako sa higaan nang may maalala. Hindi ko pa nga pala natatanong kina Zig at Yohan kung sino ang mga totoo kong magulang dito. Paniguradong kilala naman nila kung sino ang mga ito dahil matagal nang alam ni Yohan na isa akong imortal. Siguro ay may kinalaman sila sa mga tunay kong magulang.

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon