Chapter 9

89 12 10
                                    

The Principal

She seems nice but her authority's more dominant. Unang tingin ay malalaman mo agad na may mataas itong posisyon. By the way she smile, to the way her chin stayed up while talking to us. Sumisigaw ng awtoridad ang bawat features nito. Maging sa kanyang pananamit, hanggang sa posture at gestures. She's formal but not too much kaya komportable pa rin kaming nakausap ito.

"If you need anything else, feel free to ask me." nakangiting wika niya nang magpaalam na kami.

Ngunit bago pa man maisara nang tuluyan ang pinto ng opisina nito ay nasilayan ko ang pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata nang lumapat ang tingin sa akin.

Her eyes, from blue turned to purple. I was about to go back but the door already shut closed.

"Zaf, bakit?" tanong ni Xerain nang mapansin ang pag-amba kong buksan muli ang pinto.

Ibinaba ko ang aking kamay at itinago iyon sa likod ko. Hinarap ko si Xeraine saka umiling na lamang. Pinangunahan ko na lang din ang paglalakad pabalik sa lift.

Pagkarating namin sa labas ng building ay nagulat ako nang makita kung paano dumami ang mga estudyanteng naroon. Lahat sila ay mukhang halos magkakakilala na. Ang iba'y napapalingon at napapatingin pa sa akin, saka magbubulungan at nagtataka akong titignan.

I felt uneasy with their stares, kaya nagpaalam ako saglit kila Xeraine na pupunta lang ako sa washroom.

Nang makalayo ako mula sa mataong lugar na iyon ay saka ko lang naalala na hindi pa nga pala ako pamilyar sa mga lugar dito sa campus. Hindi ko alam kung saan ang washroom. Binalik ko ang tingin sa pinanggalingan. Sinubukan kong bumalik sa kung nasaan ko iniwan sila Xeraine ngunit wala na sila roon.

Nanumbalik ang mga titig nilang tila nilulunod ako. Mas lalo akong hindi naging komportable dahil pakiramdam ko nawawala nanaman ako.

I walked away from the crowd. Hinayaan ko ang mga paa kong dalhin ako sa kung saan man. Tumigil lamang ako nang mapansing wala nang halos tao sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan na ako o kung anong parte iyon ng campus. Sa hindi kalayuan ay ang kakahuyan. Napalilibutan ng nagtataasang mga puno ang kinalalagyan ko. Likod ito ng isang building. Sa kaliwa naman ay makikita ang pathway patungo sa open ground.

Naglakad ako patungo sa isang malapit na bench na nakalagay sa ilalim ng puno. Naupo ako roon saka bumuntong hininga.

Hindi pa rin ako komportable sa maraming tao, kahit pa mga ka-uri ko na ang mga ito kung tutuusin.

Here is where I thought I'd belong, but why can't I fit in?

Bumagsak ang tingin ko sa mga kamay ko. Nanginginig ang mga ito.

Umangat ang tingin ko sa 3rd floor ng building sa aking harapan nang mapansing tila may nagmamanman sa akin mula roon, ngunit wala akong nakitang tao. Guni-guni ko lang siguro.

I continued with my own business. Pinanood kong sumayaw ang mga dahon ng punong sinasabayan ang ritmo ng hangin. The sun rays barely reached my place kaya hindi gaanong nakakasilaw kahit umangat ang tingin ko.

"Hey,"

Napalingon ako sa tumawag. It was Zig. He's alone. Nasaan ang iba?

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon