Chapter 20

76 6 13
                                    

Ticking Bomb

Pinahintulutan ako ng Reyna na manatili sa dorm ng Celestials. Miyembro pa rin ako kahit na isa akong Prinsesa. At isa pa, ito ang main reason kung bakit ako pumunta rito. Kailangan naming pigilan ang pagkalat ng tila epidemyang idinadala ng mga dark shadows dito.

Buong araw ata ay nakatitig lamang ako sa bayan sa ibaba. Active ang mga tao tuwing umaga, sobrang tahimik naman tuwing gabi. Mas disiplinado pa ang mga ito pagdating sa curfew.

Hindi ko akalaing nasa pangangalaga ng sarili kong pamilya ang buong bayang ito.

Naalala ko ang mga nangyari sa Mortala. Ang biglaang paglitaw ni Zig sa buhay ko. Ang mga sinabi nitong tila gumulo lamang ng utak ko, may ibig sabihin pala lahat ng iyon.

Nakakainis lang dahil itinago nila ng ganon katagal sa akin. Akala ko ang pagiging imortal ko lang ang hindi ko alam, ngunit pati pala ang pagiging prinsesa at guardian ko ay itinago nila ni Yohan sa akin.

Ang sabi ni Yohan labing dalawang taong gulang kami nang malaman niya ang tungkol sa akin. Minsan ko na rin daw nakita si Zig sa bahay nila, at iyon ang araw na nalaman niya ang tungkol sa pagkatao ko.

Nababasa na ni Zig ang nasa isip ko magmula pa niyon. Siguro ay iyon ang tinutukoy niya na una naming pagkikita. Nabasa niya ang isip ko kung kaya't nasiguro niyang ako nga ang ipinapahanap sa kanya ng Reyna.

"You're thinking about me again."

Naramdaman ko ang pagyakap nito mula sa aking likuran. Nagulat ako sa ginawa nito, ngunit hinayaan ko na lang.

It's been a week since nalaman ko ang tungkol sa pagiging prinsesa, guardian at goddess ko.

Naalala ko ang laging sinasabi sa akin ni Yohan.

"You are more than what you think."

"Where's Yohan?" tanong ko kay Zig, hindi pinansin ang sinabi nito.

"Ako ang nandito pero ang pinsan ko ang hinahanap mo," pagtatampo nito.

"Alangan namang hanapin kita e nandito ka na nga. Normal lang na hanapin ang wala, Zig."

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin na para banv wala nang bukas.

"Nasa bayan siya, may mga binili ata para sa potion na ginagawa niya," sagot nito sa aking katanungan.

Bigla kong na-miss ang pamilya ko sa Mortala. Ang buhay ko doon, kahit na laging parang may kulang, iyon ang nakasanayan ko. Ang buhay doon ang kinalakhan ko.

"Do you want to go there?" tanong ni Zig nang mabasa ang nasa isip ko.

Nanatili itong nakayakap sa akin.

"Puwede ba?" tanong ko pabalik.

Naalala ko ang araw na sinabi nila na wala nang oras. That this world needs me.

Hindi nito sinagot ang aking katanungan, sa halip ay hinila lamang ako nito palabas ng aking kuwarto.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ngunit hindi pa rin ito umimik hanggang sa makalabas kami ng dorm.

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon