Chapter 18

74 9 8
                                    

Darkness within you

"The queen told me to find you. Ang sabi niya sa akin ako lang daw ang maaaring makahanap sa 'yo. Hindi ko iyon naintindihan no'ng una, ngunit nang makita kita, alam ko na agad na ikaw nga ang nawawalang prinsesa," dagdag pa ni Zig.

Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman. Tila ako tinakasan ng lahat ng emosyong mayroon ako at takot lamang ang naiwan na bumalot sa aking sistema.

"Paanong naging dyosa ako, Zig? H-hindi ko maintindiha-"

"The previous goddess of light and creation chose your mother, the Queen, to give birth to the next goddess of light and creation. Her knight died, reason why she can't give birth to her own child. Knight is like the equivalent of a mate," sagot nito sa aking katanungan.

Hindi ko pa rin matanggap ang mga nalalaman. Hindi ko malaman kung anong gagawin. Paano nangyari 'yon? Hindi kayang tanggapin ng utak ko ang lahat ng sinasabi niya. Masyado akong... nabigla.

"Naiintindihan ko, Zaf. Mahirap i-proseso ng minsanan ang lahat ng nalaman mo pero wala tayong masyadong oras ngayon upang mag-usap. May mga bampira pa tayong kailangang iligtas."

Naalala kong nasa isang misyon nga pala kami ngayon.

Nauna akong naglakad sa kanila palabas ng nasabing palasyo. Ang kaninang tila patay nang bayan ay nabigyan ng panibagong buhay. Ang mga nagsigibaang mga bahay at nagsitumbahang mga puno kanina ay naibalik nang muli sa normal.

"Anong nangyari?" sabi ni Kassidy nang mapansin ang pagbabago.

"Hindi kaya umabot dito ang liwanag mo kanina, Zaf? Nakita natin kung paanong bumalik muli sa dati ang mga nasirang parte ng palasyo. Sa lakas ng liwanag na dala ni Zaf kanina ay baka umabot dito," ani Zhaireen.

Mukhang tama ang hinala niya.

Ang mga mamamayang tila nagtatago sa kani-kanilang mga bahay ay unti-unting nagsilabasan. A little girl came running to us with a happy face. Nang malapit na ito ay saka ko lamang nakita ang leeg nitong may marka ng tulad sa marka ng Suprema at Prinsesa. Ang marka ng tila puputok nang ugat.

"Did you beat the demons?" aniya. "My momma came back. Her eyes are not black anymore. Thank you," dagdag pa nito.

Hindi ko napigilang mapangiti sa narinig. Masaya akong makatulong, kahit pa hindi ko pa rin halos ma-proseso ang mga nalaman mula kay Zig.

"We have a strong bond, connecting me to you."

Naalala ko ang sinabing iyon ni Zig. Our mind link is a proof that we have a connection. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung paanong nangyari 'yon. Ngayong nalaman ko na ang totoo kong pagkatao, hindi ko alam kung makakaya kong tanggapin ito. Hindi ko alam kung kakayanin kong pagbuksan ito ng pinto.

At that moment, I suddenly want to go back to Mortala. I want to hug my mama. Maybe that will reduce my confusion.

-

Isang araw kaming pansamantalang namalagi sa Pertua bago napagpasyahang umuwi. Hindi pa namin naitutuloy ang naudlot na usapan ni Zig. Ang sabi niya ay mag-uusap kami kasama ang reyna sa araw ng pagbalik namin sa Verzilania.

"Sana sa susunod na pagkikita natin ay hindi na tungkol sa misyon," ani Suprema Kathika sa amin ni Zig.

"Ikinagagalak kong makilala ka, Lady Zafrina. Hanggang sa muli," sabi naman ng Prinsesa.

Bahagya akong yumuko at gayun din siya.

Nang ibinaling ko ang tingin sa mga kasama ay siyang pag-iwas nila ng tingin sa akin.

Magmula rin nang malaman ng buong Celestials ang tungkol sa aking pagkatao ay nag-iba ang pakikitungo ng mga ito. Mas naging magalang at awkward sila sa akin, at hindi ako komportable doon.

"Why are you guys acting distant? I am still Zafrina," hindi ko na napigilang angal.

Napatingin sila Tyrone sa akin. Mas lalo ko lang hindi matanggap ang nga nalaman ko dahil sa asta nila.

Nauna akong sumakay sa karwahe. Sumunod ang iba. Sa dating puwesto ako umupo. Ganun din sila. Katabi ko pa din sa likod si Tyrone at Yohan, ngunit hindi umiimik ang mga ito. Mas lalo akong nagfrustrate nang dahil doon.

Tahimik lamang ang lahat buong biyahe. Sa sobrang tahimik ay hangin nalang ang tila humele sa akin hanggang sa nakatulog ako.

-

"Who are you?" I asked to the girl infront of me.

She's wearing an all black dress with a black cloth hiding her face. Her eyes were mysteriously dark and eerie. Tila ba punong puno iyon ng sama ng loob ng lahat ng taong nabubuhay sa mundo. The same girl I saw when I fainted at the palace of Arcus.

"I am you."

"What do you mean by that?" naguguluhan kong tanong.

Anong ibig niyang sabihing ako siya?

"I am the dark version of you," sabi nito saka biglang naglaho.

Kasabay ng paglaho nito ay ang paglitaw ng mga usok. Pumorma iyon ng bilog. Sa gitna ng usok ay nakita ko ang mga kaibigan ko. Isa-isa silang naglalaho hanggang sa ako nalang ang natitira.

"And someday, I, who turns out to be you, will kill your precious celestials."

-

"What happened? You had a nightmare again?" si Yohan.

Nakapalibot ang Celestials sa akin. Nakahiga na ako sa aking kama sa dorm. Kailan pa kami nakauwi?

"It's been 2 hours since we got home. Sa kalagitnaan ng biyahe ay bigla ka nalang nanginig at pinagpawisan ng grabe," si Zig ang sumagot ng tanong ko sa aking isipan.

Is that really just a nightmare? Why do I feel like it's real? That I really talked to that version of me?

"Who did you met this time?" si Zig.

Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Myself."

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon