"Sorry, Miss pero hindi na po kami hiring," paumanhin ng isang crew kay Rishan. Nagsalubong ang kanyang kilay dahil sa narinig.
"Hindi na hiring? Bakit nakapaskil pa rin 'yong URGENT HIRING do'n sa glass window?" tanong niya sa crew.
Napayuko naman saglit ang huli at humingi ng paumanhin. "Sorry po, tatanggalin ko na po," magalang niyang sinabi.
Tumango na lang si Rishan dahil hindi rin naman siya makakapasok dito kung makikipagtalo pa siya. Sayang lang ang oras niya.
Lumabas na lang siya sa fastfood chain na 'yon at naghanap ng ibang mapapasukan. Sandali siyang napatigil sa paglalakad nang makita ang mga batang masayang naglalaro sa malilim na bahagi ng children's park.
Dinala siya ng kanyang mga paa sa parke at naupo sandali sa isang bench na gawa sa matibay na kahoy.
Alas onse na ng tanghali pero marami nang naglalaro sa parke. Marami ring nagtitinda ng iba't ibang street foods at mga balloons na hugis cartoons katulad ng Hello Kitty, Pokemon, Dora, Pikachu, Ben Ten at marami pang iba.
"I never been in this place before. I never felt this feeling of being free," bulong niya sa hanging sumasalubong sa maamo niyang mukha.
Bumalik ang kanyang ala-ala sa pagpikit ng kanyang mga mata at dinamdam ang malamig na hangin.
Isang pitong taong gulang na Rishan ang bumababa sa hagdan at nagmamadaling lumapit sa kanyang ina. "Mommy, may I go outside the house? I want to play with other children just like Ate Diane."
Napataas ang kilay ng kanyang ina. "No! You stay here. Go back to your room!" galit na utos nito sa kanya. Hihilain na sana siya ng kanyang ina pataas ng hagdan nang biglang dumating ang kanyang Kuya Rio.
"Rio?" gulat na bulalas ng kanyang ina. "W-When did you arrive? You didn't call me at least-" hindi na natapos ang kanyang sinasabi nang magsalita si Rio at lumapit kay Rishan.
"What are you doing to Rishan? You're being harsh to her," seryosong wika ni Rio sa ina. Napayakap naman si Rishan sa binti ng kanyang Kuya Rio.
"Dinidisiplina ko lang-" hindi na naman natapos ng kanilang ina ang sinasabi.
"Kahit nasasaktan na siya at halos hilain niyo na parang isang bulto ng bigas?" wika ni Rio sa mas lalong seryosong tono.
"Rio?!" ang tanging nasabi ng kanilang ina dahil tama ang kanyang panganay ngunit ayaw tanggapin ng kanilang ina na mas kumakampi pa ito sa kapatid.
"What do you want to do, baby girl?" tanong ni Rio sa kanya. Umupo siya upang magkatapat silang dalawa.
"I wanna play, kuya," sagot ni Rishan sa kanyang maliit ngunit matamis na boses. Napangiti naman si Rio at ginulo ang kanyang buhok.
"Where do you want to play?" tanong muli ni Rio.
"Outside, kuya with other children. I want to have friends outside just like Ate Diane," sagot ni Rishan. Unti-unting nawala ang ngiti ni Rio at napalitan ng buntong hininga.
"But you are not-" hindi na natapos ni Rio ang sasabihin nang umeksena ang kanilang ina.
"See? Ang kulit talaga ng kapatid mo. Sinabi nang hindi siya pwedeng lumabas ng bahay. Dapat talaga sa kanya dinidisiplina," masungit nitong wika.
Napatingin si Rio sa ina. "Mom, enough. The way you discipline Rishan isn't good. You're not helping, you're just making it worse for her."
Hindi nakapagsalita ang kanilang ina kaya umalis na lamang ito at umakyat patungo sa kanyang kwarto.
BINABASA MO ANG
Business Marriage (COMPLETED)
RomanceRishan Lee Faustino was home-schooled until she graduated. Her family wanted her to stay only in the mansion, she's not allowed to go anywhere. When her elder brother died, she lost the only person who treats her well in the family until she decided...