"Wait, I'm still talking!" iritadong wika ni Anika matapos patayin ni Dion ang linya.
Nakatingin sa kanya si Rishan at naghihintay ng kanyang sasabihin. Bumuntong hininga muna si Anika bago niya nilapitan ang kaibigan.
"Don't mind it. What we should do is to prepare you!" masiglang sinabi ni Anika sa kanya sabay pisil sa magkabila niyang pisngi na dahilan ng pagkamula ng mga ito.
"Anika, what are you doing? It hurts!" daing ni Rishan matapos niyang makawala sa pagpipisil sa kanya.
Tumawa ng pagak si Anika at nang mapansin nitong seryoso na si Rishan ay saka na ito tumigil.
"Dion is coming so you should make yourself as the only gorgeous woman in his sight," kinikilig na wika ni Anika. "I will turn you into a princess because you will finally meet your knight in shining armor," dagdag nito habang ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang mga pisngi. Ang imahinasyon ni Anika ay tila totoo sa kanyang paningin.
Napasapo sa noo si Rishan dahil nilamon na ng fairytale series ang kanyang matalik na kaibigan.
"Okay, I'll leave you and dream as you wish," mahinang wika ni Rishan habang umiiling at papasok siya sa kwarto ni Anika upang gawing presebtable ang sarili.
Lumipas ang kalahating oras nang mapagdesisyunan ni Anika na sapat na ang ayos ni Rishan.
Habang sila ay nagkukwentuhan sa sala, pumukaw sa atensyon nila ang sunud-sunod na doorbell kaya si Anika ang nagbukas ng pinto.
Agad na dumako ang mga mata ni Rishan sa lalaking iniluwa ng pintuan. Nakaramdam siya ng pagkislot ng kanyang puso at ang panandaliang pakiramdam na may mga paru-parong nagliliparan sa kanyang tiyan. Tila bumagal ang ikot ng mundo nang maglakad ang lalaki patungo sa kinaroroonan niya.
"Rishan, tell me, am I dreaming?" tanong niya sa kanyang isipan habang ang kanyang imahinasyon ay mukhang nakita na nga niya ang kanyang knight in shining armor.
"Rish?" pagpukaw ni Anika sa kanyang atensyon ngunit tila nabingi na ang dalaga at napako na ang kanyang mga mata sa lalaking umupo sa katapat na arm chair.
Sa pangalawang pagtawag ni Anika sa kanyang pangalan ay doon pa lamang siya natauhan.
"S-Sorry. Yes, yes I'll go for it," wala sa sariling naituran ng dalaga sa dalawa ngunit nagsalubong ang kilay ni Anika samantalang si Dion ay abala sa pagbubukas ng kanyang business case na kinaroroonan ng dokumentong inihanda niya at sunod niyang inilibas ang itim na laptop.
"Don't waste my time," maawtoridad na wika ni Dion sa kanilang dalawa kaya napaawang ang bibig si Rishan dahil sa hindi inaasahang ugali ng binata.
"Seriously?! We're not wasting your time 'cause you went here but instead of talking about the contract, you chose to face that damn laptop. You didn't even bother to greet us, especially my best friend," pangangatwiran ni Anika. Napatingin si Dion sa pinsan nang banggitin nito ang salitang contract.
"I have ears so I can still hear you," sagot ni Dion at kanyang binalik ang atensyon sa kanyang laptop.
Tahimik na nakikinig at nanunuod si Rishan sa palitan ng mga salita ng magpinsan.
"Yes, you have ears but you don't have manners. Your money won't make you valuable," seryosong pahayag ni Anika na nakapagpatahimik sa kanyang pinsan.
Napakagat siya sa kanyang ibabang labi nang mapagtantong napasobra siya sa kanyang salita.
Huminga ng malalim si Dion bago binalik sa kanyang business case ang laptop. Bumalik naman sa tabi ni Rishan si Anika.
"I'm a busy person so we must go directly to the marriage contract that you must sign," ani Dion sa kanyang seryosong pananalita.
BINABASA MO ANG
Business Marriage (COMPLETED)
RomanceRishan Lee Faustino was home-schooled until she graduated. Her family wanted her to stay only in the mansion, she's not allowed to go anywhere. When her elder brother died, she lost the only person who treats her well in the family until she decided...