Chapter 23

720 34 0
                                    

"Mabuti naman at nakadalaw ka pa sa'kin, girl!" kunwaring nagtatampong saad ni Anika sa kanya.

"Of course, makakalimutan pa ba kita? Ikaw lang naman ang nag-iisa kong best friend." paglalambing ni Rishan sa kaibigan.

"Tss. Hindi bagay sayo Rish, pero infairness ha naappreciate ko kahit mukhang baduy ang dating mo." pang-aasar sa kanya ng kaibigan sa pagitan ng kanyang malakas na tawa.

"Anyways, nandito rin ako para ipaalam sayo na magbihis ka na dahil sasama ka sa'min ni Dion sa bahay nila Lola Amalia." bilin ni Rishan at inagaw ang phone na hawak ni Anika.

"Give back my phone, Rishan!" inis na sigaw ni Anika at pilit na inaagaw sa kanya ang cellphone, pero hindi niya ito maagaw dahil mas malakas si Rishan.

"I'll give your phone back kapag nakapagbihis ka na. Now, move!" pang-aasar niya sa kaibigan. Hindi niya maiwasang matawa dahil pulang-pula na ang buong mukha ni Anika kaya nang may pagkakataon siyang tingnan ang phone nito ay mas lalo siyang natawa.

"Kaya pala galit na galit, may ka-chat pala ang bruha kong kaibigan. Ikaw ha, hindi mo sinasabi sa'kin." pangangantyaw niya kaya mas lalong namula si Anika sa kahihiyan.

Binalik na niya ang cellphone sa kaibigan. "Nakakainis ka, alam mo 'yon?" sambit ni Anika sabay irap.

"Sige nga, paano 'yong inis?" pang aasar niya kaya mas lalo pang nanggigil si Anika sa kanya.

"Hay, makapagbihis na nga." masungit na saad ni Anika sabay hablot ng kanyang phone.

Ilang saglit pa ay nagtawanan silang dalawa na parang sila lang ang nagkakaintindihan sa mundo. Tunay ngang masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng kaibigang maasahan sa lahat ng bagay, pati sa kalokohan ay partner-in-crime rin.

*******

RISHAN's Point of View

"Mabuti naman at napadalaw kayo, mga apo ko." Nagagalak na wika ni Lola Amalia. Nakipagbeso ako sa matandang mag-asawa at nginitian sila ng pagkatamis-tamis. Well, hindi naman masamang magbahagi ng good vibes kaya nasa mood akong ngumiti kahit pa maghapon.

"Do you miss your gorgeous granddaughter, lola?" pilyang tanong ni Anika sabay beso rin sa kanila. Natawa na lang sina Lolo at Lola dahil sa kahanginan ni Anika.

"Oo naman, apo. Namiss ko ang pinaka-pilya sa lahat ng apo ko." Lola Amalia joked, so Anika pouted.

Natawa rin si Dion pero palihim kaya agad ko siyang hinampas. "Ikaw ha, tumatawa ka na ngayon." pang-aasar kong bulong sa kanya kaya agad siyang nagseryoso ng mukha nang lumingon silang lahat.

"Ako? Nahihibang ka." tipid niyang tugon sabay pasok sa loob ng bahay. Napailing na lang ako at natawa naman sila. Inalalayan ko si Lola Amalia papasok sa loob ng bahay at gano'n din si Anika kay Lolo Ferlin.

"What do you want to eat for lunch, guys?" tanong ni Anika so I suggested Paksiw na Bangus. I don't know, I'm craving for something that is sour. Well, I'm not used to eat sour foods but my taste buds are looking for it.

Nakisang-ayon na rin silang lahat. Si Dion ay abala na naman sa isang sofa kaharap ang laptop niya. Sigurado akong sa business niya 'yan. Until now I still don't know or no idea of what a businessman actually do aside sa kailangang mamaintain ang good management sa company. Bakit kasi hindi ako nakinig ng mabuti sa subject naming Entrepreneurship.

He looks elegant, magkasalubong ang kilay pero swabe ang dating.  Dingdong Dantes, is that you? Kidding aside. I'm so terrible of making jokes.

"So, kumusta naman ang buhay-magasawa niyo, apo?" Lola Amalia asked while she is sitting on the other side of this sofa. I am infront of them.

Business Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon