Chapter 16

655 34 2
                                    

Sa kabilang banda, nakatayo si Carmina sa tapat ng bintana ng kanyang kwarto. Nakasandal ito sa hamba ng kanyang malaking bintana. Tahimik niyang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan kaya mas lalong nagningning ang mga tala. Napakapayapa ng gabing iyon ngunit hindi ang kanyang isipan.

Nagkukubli rito ang samu't saring emosyon, mga katanungang hindi masagot, mga bagay na labis na nakakapagpabagabag sa kanya.

Kagaya ng naging wika ni Doc. Echavez sa kanya, kailangang masuri pa rin ang kalagayan ni Rio regularly at hindi naman sila pumapalya doon kaya mas lalong nagiging maayos ang kalagayan ng binata not to mention of the recovery of his memory.

Pero tila binabagabag pa rin siya sa sinabi kanina ni Doctor Echavez sa kanya privately.

"I'm glad to see your son in good condition. Malakas ang response ng pangangatawan niya, unti-unti na ring lumalakas ang lahat ng muscles and tissues sa katawan. Nakausap siya ng psychologist kanina, he has a great possibility of recovering his memory."

Napabuntong-hininga siya at iniisip kung anong gagawin niya ngayon. Noong una ay naglakas loob lamang siyang tulungan ang binata ngunit hindi niya sukat akalain na mapapamahal siya rito at ituring na parang sariling anak. Handa naman siya sakaling bumalik ang ala-ala ng anak kahit pa mas gusto niyang hindi na. Ngunit sa sitwasyon ngayon, hindi lang siya basta binatang sinagip niya dati bagkus ang binatang iyon ay panganay na anak ng mag-asawang Faustino.

Gulung-gulo na ang kanyang isipan kaya napagpasyahan niyang tawagan ang kaibigan na si Leslie.

"Ano ba 'yan friend? Ang sarap ng tulog ko tapos bigla kang tatawag. Anong sa atin?" Sagot ng kaibigan niya mula sa kabilang linya.

Napabuntong hininga muna siya bago magsalita. "Binabagabag ako ng isipan ko, Leslie. I don't know if this is still right."

"Still right, ano? Direstyahin mo na kaya." Naguguluhang tugon ni Leslie habang humihikab.

"Tama pa bang itago ko ang katotohanan? Alejandro is still fighting for Rio and I'm here fighting for my daughter." Tila mas humapdi ang damdamin ni Carmina. Konti na lang ay hindi na niya makayanan pang patagalin lahat dahil sabik na siya sa piling ni Rishan.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Leslie. "Noong una pa lang sinabi ko na sayo that you should do what you think is right. You should focus into what you really fighting for and this battle is not for Allen or Rio or Alejandro but this is for your daughter. Only for your daughter, Carmina." Ang boses ni Leslie ay nangangamba sa maaaring kahihinatnan sa laban ng kanyang kaibigan.

Natauhan si Carmina. Tama, hindi siya dapat magpaapekto sa lahat ng nangyayari dahil ang pakay niya upang magpatuloy sa buhay ay ang pagbawi niya sa kanyang anak mula kay Alejandro.

Leslie offer her for help and also her friend gave her advice but she should think twice if she'll going to grab that advice and face consequences.

Nang gabing iyon, buo na agad sa isipan niya ang plano kung paano niya babawiin ang kanyang anak kahit hindi na niya mabawi pa si Alejandro mula kay Victoria.

"I might lose him, but I won't sacrifice my daughter...again."

Business Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon