Hindi mapirmi si Rishan sa iisang pwesto kaya palakad-lakad siya sa harap ng sofa na inupuan niya kanina habang kinakagat ang kanyang hintuturo.
"Now that I signed the contract, can I find a way to cut it off later without actually waiting fo his grandparents' death?" tanong niya sa kanyang sarili. Salubong ang kilay niya habang nag-iisip ng paraan.
Narinig niya ang tunog ng flip flops na suot ni Anika, hudyat na papalapit na ito sa kanya. Ang mukha ng kanyang kaibigan ay tila nasasabik sa mga mangyayari.
"How's the agreement? Did you sign it?" agad nitong tanong sabay akbay sa kanyang balikat.
"As if I really have a choice, Nika." Napasimagot si Rishan sa pagsagot at ipinilig ang kanyang ulo sa balikat ng kaibigan.
"Then when is the wedding?" Sabik si Anika sa kasagutan mula sa kanyang tanong.
Agad na umayos ng tayo si Rishan at alertong inalala ang petsa ng kanilang kasal ngunit walang binanggit ang binata.
"He didn't mention it but he asked my number for further plans," tugon ni Rishan.
"Really? Kailan naman ako magiging ninang?" Pang-aasar sa kanya ng kaibigan sabay kindat na nagbibigay ng kahulugan.
Agad na namula si Rishan kaya para hindi mapansin ng kanyang kaibigan ay umakto siyang nairita.
"Don't tease me, Anika! I'm not happy with my decision and I hope it won't happen," depensa niya na ikinatawa ng malakas ni Anika.
"It will!" wika ni Anika na sinundan muli ng tawa.
Naupo na lamang si Rishan sa malambot na sofa habang ang kanyang mga tingin ay nasa coffee table.
"Actually, he didn't mention about it. It wasn't in the contract and what you expect is the opposite of what was written. We must keep distance in private," paliwanag niya na nakapagpatigil sa kaibigan.
Agad na umupo sa tabi niya si Anika at salubong ang kilay katulad niya.
"So meaning, you will just play as an inlove couple and nothing more than that?" Dismayado ang boses nito habang nakalukipkip at nakatingin sa malaking smart TV na nasa harap nila.
"Exactly," tipid na sagot ni Rishan.
Nanatili ang mga bagay na gumugulo sa isipan ng dalaga. Hindi niya mabigyan ng kapayapaan ang kanyang isipan dahil hindi niya alam kung anong kalalabasan ng kanyang naging desisyon.
"Are you disappointed too?" Makahulugang tanong ni Anika upang pagaanin ang paligid.
Nanlaki ang mga mata ni Rishan. "Of course, not! Masaya nga ako kasi hanggang 'don lang. At least, it's clear that I can still save myself to someone I really love," katwiran niya at direktang nakatingin sa kabigang nakangisi at nakataas ang isang kilay na tila hindi kumbinsido sa kanyang sagot.
"What if that someone you're saying is actually him? Will you resist?" Makahulugang tanong muli ni Anika na nakapagpamula sa kanyang mga pisngi.
"You're insane, Anika. I never dreamed of marrying a busy person like your cousin. Maybe you were drugged by those fantasy-romance novel you read." Umiiling na wika ni Rishan sa kaibigan.
Tumawa si Anika sa kanyang naging sagot at sumenyas na lamang ito na suko na siya.
"Showing 'yong Frozen 2 ngayon, Rish. Let's go there?" suhestyon ni Anika ngunit tinanggihan niya ito at tinapunan ng hindi makapaniwalang tingin.
"Are you out of your mind or you really want me to be chased by them?" kontra niya sa kaibigan. Napanguso na lang si Anika sa sinabi niya.
Inagaw niya ang McBook kay Anika at siya na ang pumili ng pwede nilang i-movie marathon.
BINABASA MO ANG
Business Marriage (COMPLETED)
Roman d'amourRishan Lee Faustino was home-schooled until she graduated. Her family wanted her to stay only in the mansion, she's not allowed to go anywhere. When her elder brother died, she lost the only person who treats her well in the family until she decided...