Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa paggising ni Rishan nang makitang tumatagos ang papasikat na araw sa nakabukas na bintana.
"Magandang umaga sa akin!" pagbati niya sa kanyang sarili sabay unat ng dalawa niyang braso na parang nangawit dahil sa mahimbing niyang tulog.
Tatayo na sana siya nang tumunog ang kanyang phone na nakapatong sa nightstand.
"Hello, Mama!" magiliw niyang bati sa kabilang linya.
"Good day, anak! Kagigising mo lang ba?" ani Carmina na nasa kabilang linya.
"Yes, Ma. How are you there? Nagtatampo na ako sa inyo kasi hindi niyo na ako madalas tawagan these past few days," kunwaring pagtatampo niya ngunit namimiss niya lang ang kanyang ina.
"I'm sorry, Sweetie. Alam mo namang inaasikaso ko 'yong papers ko to settle there. And also, I'm busy for managing my business here especially half of my investors are here," malungkot na pagpapaliwanag nito sa kanya.
Nasa States ngayon si Carmina upang ayusin ang mga papeles niya roon at pati na rin ang negosyo nito. Higit apat na buwan na siyang naroon at madalas naman silang magkatawagang mag-ina.
"I understand, Ma but I want you to come on my 22nd birthday, okay? Asahan kita sa birthday ko, Mama," Puno ng paninigurado sa boses ni Rishan dahil iyon ang unang kaarawan na makakasama niya ang kanyang totoong ina.
A deep breath she heard over the line. "I tried, sweetie but I can't please don't hate me." malungkot na sagot ni Carmina.
Hindi naman pwedeng pilitin ni Rishan ang gusto niya so she managed her voice and spoke cheerfully. "Nothing to worry, Ma. I won't get mad at you, I promise. Just make sure na mag-iingat ka dyan ha. I miss you so much po!" Nag send siya ng virtual kiss na nagpangiti kay Carmina.
"Okay, okay. Alright, I'll call you later because I have to finish my paper works here in my office. Tell Dion that I'll kick his @ss if he hurt you." pagbabanta ng kanyang ina na ikinatawa niya.
"Relax, Ma. Okay, I'll tell him." Parehas silang natawa. Natapos ang usapan nilang mag-ina palitan nila ng I love you at I miss you.
Lumabas si Rishan sa kanyang kwarto upang kumain na ng agahan dahil nagugutom na ang alaga niya sa tyan.
Napangiti siya nang makita ang nakahandang pagkain sa mesa. Ipinagluluto siya ni Dion ng agahan bago ito pumasok sa trabaho upang ayusin ang negosyo.
Ang sweet naman ng lalaking 'yon. Wala namang tao dito para maging sweet siya sa'kin kaya mas lalo akong naiinlove sa kanya e. Hindi ko na mapipigilan pa 'to.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga siya saglit bago maglinis ng bahay. Nag wawarm up rin siya bago magkikilos upang mas maging malusog siya at ang sanggol na dinadala niya.
"Yes, self. You're pregnant and I'm happy for you," nakangiti niyang wika sa sarili habang nakaharap sa salamin at hinihimas ang maumbok niyang tiyan. Limang buwan na siyang buntis at nagpapasalamat siya dahil hindi ito maselan ngunit minsan ay madalas na mag-init ang kanyang ulo.
Dumating ang tanghalian kaya naisipan niyang magluto para sa sarili ngunit may nag-doorbell sa unit nila kaya binuksan niya ito.
"Lunch meal po, Ma'am. Delivery from Mr. Villarino. Enjoy your meal po!" turan ng delivery boy bago iabot sa kanya ang isang malaking paper bag. Napangiti siya bago isara ang pintuan.
Gaya ng nakagawian ay nagpapadala si Dion ng tanghalian para sa kanya at hindi mawawala ang sticky note na may nakasulat na, "Eat your lunch, Honey. Take care yourself and our baby. Have a nice day, Honey!"
Madalas na ganyan ang nakasulat sa sticky note at napapansin niyang walang I love you sa dulo pero ayos lang 'yon sa kanya. Kuntento na siya sa pinaparamdam ni Dion at hindi na nito kailangan pang suklian siya sa kung ano man ang nararamdaman niya para sa asawa.
Katulad pa rin ay natutulog si Rishan sa hapon at gigising ng alas singko ngunit wala pa rin ang asawa dahil madalas na alas onse ang uwi nito sa unit nila. Pagod at stress kaya hindi rin sila masyadong nakakapag-usap ngunit madalas na may halik sa asawa ang tyan niya bagay na nakakapagpakilig sa kanya.
Alas sais palang ng gabi pero may nag-doorbell sa kanilang unit. Nagtataka siya dahil maaga ngayong umuwi ang asawa niya kaya nagmamadali niya itong binuksan, ngunit nagulat siya nang hindi si Dion ang nasilayan niya sa pintuan.
"Surprise, anak!" magiliw nitong pambungad.
"Ma! I-I thought—" hindi na niya natapos ang sasabihin.
"Well, I just wanted to surprise you and I made it." natutuwang sabi ni Carmina at binigyan siya ng mahigpit na yakap nang hindi naiipit ang kanyang tiyan.
Pumasok sila sa loob at tinulungan niyang hilain ang maleta ng ina. "Kailan ka pa nakarating dito, Ma? Sana nagsabi ka sa'min ni Dion para nasundo ka namin sa airport." wika ni Rishan habang pinagsasalin ng malamig na calamansi juice ang ina.
"I really wanted to surprise you." Nginitian siya ng ina nang iabot sa kanya ang basong naglalaman ng calamansi juice. "Ang laki na ng tyan mo, anak. Kailan niyo balak alamin ng asawa mo ang kasarian ng bata?"
Napangiti si Rishan sa tanong ng ina. "We will meet Doc. Arevalo the next day for ultrasound but only Anika and I would know the gender result first and I wanted to surprise Dion, my family and friends including you and other relatives." sagot ni Rishan.
"That's exciting!" tanging saad ni Carmina sa pananabik. Nag-usap pa ang mag-ina habang hinihintay si Dion. Nakapaghanda na rin sila ng hapunan.
**********
Sa kabilang banda, tahimik na tinatahak ni Victoria ang opisina ni Alejandro dito sa kanilang mansion. Dahan-dahan niyang binuksan ang seradura at sumilip sa loob. Naroon si Alejandro na nagpapakawala ng malalim na hininga pagkalapag nito ng telepono. Agad siyang napansin ng asawa kaya niluwagan na niya ang pinto at pumasok sa loob.
"Are you busy? Bothered onto something?" tanong ni Victoria nang makalapit sa mesa at umupo sa katabing silya.
Bumuntong hininga ulit si Alejandro. "Not too much, don't worry." saad nito saka itinabi ang mga papeles na pinipirmahan niya kanina. "What brings you here, Victoria? Malalim na ang gabi, nakatulog na ba si Lee Ann?" pag-iiba nito ng usapan.
"Yes, she's asleep. Uhm... I came here to talk about something. Pinapatawad na kita, pinapatawad ko na kayo ni Carmina." Direktang wika niya. Ngumiti siya ng kaunti. " Alam ko namang kahit kailan wala akong karapatan para hindi kayo patawarin kasi sa simula palang alam kong hindi naman magiging ako ang laman ng puso mo." Tinuro ni Victoria ang dibdib ni Alejandro. "I don't have the rights to control your feelings for her at ibaling sa'kin. Actually, ako nga dapat ang humingi sa inyo ng tawad dahil kung hindi dahil sa'kin hindi sana mauuwi sa trahedya ang pagmamahalan niyo. I'm sorry if I planned everything before just to marry me and I realized how selfish I am. Ako dapat ang hindi pinapatawad, Andro." Bakas sa boses niya ang pighati. Pumatak na ang mga luha ni Victoria ngunit hindi niya ito pinunasan.
Nanatiling nakatingin sa kanya si Alejandro at pinagmamasdan ang bawat parte ng kanyang mukha at ang emosyon ng kanyang mga mata.
"Masyadong napressure ang pamilya mo pati na rin ikaw kaya pumayag kang magpasakal sa akin kapalit ng muling pag-angat ng kumpanya ng papa mo na pinaghirapan niyang palaguin.", dagdag pang muli ni Victoria. Tumayo si Alejandro at lumipat sa silyang katapat niya, hinawakan ang dalawang kamay niya.
"Victoria, huwag mo nang sisihin ang sarili mo dahil naniniwala ako na kung ano man ang nangyari sa pag-iibigan namin ni Carmina at kung ano man tayo ngayon ay ito ang tadhanang binigay ng Maykapal sa atin. Kung pinatawad na tayo ni Rishan, ito na rin ang tamang panahon para patawarin natin ang mga sarili natin. Ito na ang panahon para palayain ang mga damdaming nagpapabigat sa ating kalooban. Victoria, both of us deserve to be happy and I'll asure you that this time pinipili na kita hindi dahil ina ka ng mga anak natin kundi dahil unti-unti ka na ring nagkakaroon ng puwang sa puso ko. I will stay on your side forever, Victoria at iyan ang pinakamagandang gawin ko bilang asawa mo."
Napaiyak muli si Victoria sa sinabi ng kanyang asawa. Hindi niya alam kung anong mararamdaman ngunit masaya siyang sa wakas ay pinakawalan na rin nila ang mabigat na pasanin ng kanilang mga puso at iyon ay ang dilim ng kahapon.
BINABASA MO ANG
Business Marriage (COMPLETED)
RomanceRishan Lee Faustino was home-schooled until she graduated. Her family wanted her to stay only in the mansion, she's not allowed to go anywhere. When her elder brother died, she lost the only person who treats her well in the family until she decided...