Buwan na ng Setyembre at ang simoy ng hangin ay tila ramdam na ang paglamig nito. Ngunit sa syudad na lugar kung saan maraming polusyon at ingay, ramdam pa rin ang alinsangan.
Nanatili lamang na nakatayo si Dion sa tapat ng malaking bintana. Nakabukas ito kaya ang hangin ay dumadampi sa kanyang balat. Isinandal niya ang kanyang mga siko sa harang. Bagaman nasa pinakamataas na palapag siya ng MC Tower Condominium, ramdam niya ang init at ingay na nagmumula sa ibaba dahil sa mabagal na daloy ng trapiko roon.
Magsasalin na sana siya ng alak sa kanyang baso nang tumunog ang kanyang telepono. Nakapatong ito sa desk sa kanyang likuran. Agad niya itong sinagot.
"Yes, Manang Osang?" bungad na tanong niya.
Pigil-hiningang hinintay ni Dion ang sasabihin ng tagapag-alaga ng matandang mag-asawa. Si Manang Osang ang nag aalaga sa tuwing may duty si Rico sa ospital. Dinalaw ng pag-aalala ang kanyang kalooban dahil tiyak na emergency ang sasabihin nito sa kanya.
"Ser, sumama po ang lagay ng lola niyo. Kailangan niya po kayo rito!" tarantang tugon ni Manang Osang na lalong nakapagpakaba kay Dion.
Napakagat ng mariin si Dion sa sarili niyang mga ngipin na siyang paggalaw ng kanyang panga. Sinundan niya ng mahinang mura.
"Okay! I'll go there as soon as possible," tugon niya.
Papatayin na sana niya ang tawag nang magsalita ulit si Manang Osang.
"Ser, bilin po ng lola niyo na dalhin niyo raw po si Anika at ang gelpren mo daw po," tarantang wika nito.
Namapura na naman si Dion pero pinili na lamang niyang patayin ang tawag habang iniisip kung anong mangyayari sa oras na dinala niya si Rishan. Pero agad siyang umiling nang mapagtantong si Rishan ang iniisip niya bilang girlfriend na isasama sa ospital.
Nagmamadali niyang sinuot ang kanyang coat at hinagilap ang susi ng kanyang kotse. Mabilis din ang tibok ng kanyang puso dahil sa pag-aalalang baka mangyari ang kinatatakutan niya.
Nang makarating siya sa basement ng condominium ay agad siyang sumakay sa kanyang itim na mamahaling sasakyan.
Alas diez y media na ng gabi ngunit kailangan niya pa ring magmadali. Kalahating oras din ang itatagal niya sa byahe bago makarating sa ospital.
Habang si Dion ay hindi mapakali dahil sa pag-aalala, masiglang nakangiti si Amalia at nakaupo sa kanyang hospital bed.
"Ano, Osang? Effective ba?" natutuwang tanong niya.
"Baka po magalit si Ser Dion 'pag nalaman po na binibiro po natin siya," nag-aalalang tugon ni Osang sa kanya.
"Tama si Osang. Baka magtampo ang apo natin dahil pinaglalaruan natin ang pag-aalala niya para sa'tin," nakukunsensyang wika ni Ferlin sa asawa.
Hindi pa rin napapawi ang ngiti sa mga labi ni Amalia. "Don't worry too much, okay? I just wanted to meet his girlfriend now 'cause I can't wait any longer. Masyado na akong nasasabik. We won't tell him about this."
Nagkatinginan sina Osang at Ferlin. Parehas silang hindi mapalagay sa ginawa nila kay Dion ngunit hinayaan na lamang nila ang pasya ni Amalia.
"Basta, 'wag ako ang sisihin mo 'pag nagtampo ang apo natin," wika ni Ferlin ngunit hindi na pinansin ni Amalia dahil abala ang isip niya sa pagkasabik na makita ang nobya ng pinakamamahal nilang apo.
Sa tahimik na kwarto, gising na gising pa rin si Rishan at binabagabag siya ng kanyang isipan dahil sa naging desisyon niyang pumayag na magpakasal kay Dion alang-alang na huwag siyang ibalik sa Faustino Mansion.
Magkatabi silang dalawa ni Anika sa iisang kama at dahil mahimbing na ang tulog ng kanyang kaibigan, iniiwasan niyang makalikha ng ingay. Para hindi magising si Anika sa likot niya sa higaan, nagpasya siyang sa sofa muna maupo habang hindi pa siya inaantok.
BINABASA MO ANG
Business Marriage (COMPLETED)
RomanceRishan Lee Faustino was home-schooled until she graduated. Her family wanted her to stay only in the mansion, she's not allowed to go anywhere. When her elder brother died, she lost the only person who treats her well in the family until she decided...