Sa isang pribadong silid ng ospital ay naroon ang mag-asawang matanda. Ang matandang babae ay nakahiga sa hosital bed habang hawak ang dalawang kamay ng binata.
"Mabuting nakadalaw ka rito, apo. Natanggap mo ba ang mensahe na ipinagbilin ko kay Rico? Sabik na kami ng lolo mong magkaroon ng apo sa tuhod," natutuwang wika ni Lola Amalia kay Dion patungkol sa email na natanggap niya mula kay Rico kanina, ang private nurse at pamangkin ni Dion.
"La, alam niyo naman pong wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay. I have a big responsibility on my business and not on this," paliwanag niya sa dalawang matanda ngunit hindi nagpatinag ang dalawa sa kagustuhang magpakasal na si Dion upang may mag-aalaga sa kanya at may magmamana ng kumpanya.
"Malayo na ang narating mo, Dion. It's your time to give yourself a happy pill. Panahon na para mag-asawa ka, panahon na para sa sarili mong pamilya at upang may karamay ka sa buhay. Apo, remember, 'No man is an island.' You know that, right?" tanong ng kanyang lolo at mababakas sa kanyang mukha ang pag-aalalang baka magaya ito sa kapatid na isang matandang binata.
Napabuntong hininga na lang si Dion sabay pisil sa mga kamay ng kanyang Lola Amalia. Alam na niyang mauuwi ang lahat sa pilitan kaya agad na niyang inaksyunan ang bagay na 'to.
Isang buntong hininga muli ang pinakawalan ni Dion habang ang kanyang mga tingin ay napako sa mahigpit na hawak sa kanya ng kanyang Lola Amalia. Umaasa siyang may magandang balita si Anika pagkatapos ng pag-uusap na 'to.
Tumikhim siya at magiliw na sinalubong ang tingin ng kanyang lolo at lola.
"Okay, w-well I have a g-girlfriend," pag-sisinungaling niya. Hindi halos mabigkas ni Dion ang sasabihin. Ito kasi ang unang beses na sabihin niyang may girlfriend na siya at hindi niya rin naman sigurado kung pumayag na ang kaibigan ni Anika.
Sumilay ang gulat at kalauna'y napangiti ang matandang mag-asawa. "Talaga? Halika nga rito, apo," nagagalak na wika ng matanda. Niyakap siya ng dalawa at ang kanilang mga ngiti ay walang mapagsidlan.
Napabuntong hininga na lang si Dion at inisip kung anong posibleng susunod na mangyayari dahil sa sinabi niya. Sigurado siyang wala ng atrasan 'to at sisiguraduhin niyang mapapapayag niya si Rishan alang-alang sa hiling ng kanyang lolo at lola.
Kumalas na sila sa pagkakayakap. Ngumiti na lang si Dion, ngiting para sa mga taong malapit sa kanyang puso na kahit kailan ay hindi nasilayan ng ibang tao.
"Ikaw ha, apo kunwari ka pa kanina na hindi mo gusto pero may girlfriend ka na palam," panunukso ng kanyang lolo at natawa na lang din si Lola Amalia.
Matanda na ang dalawa, edad pitumpo't walo na kaya nangangamba si Dion na baka bukas ay wala na sila sa tabi niya. Nais niyang maging masaya ang mga huling araw ng dalawa at gagawin niya ang lahat ng iyon para sa mag-asawang buong pusong nagpalaki sa kanya na kahit minsan ay hindi niya naramdaman sa kanyang tunay na mga magulang dahil abala sila sa pagpapalago noon ng kumpanyang minana na niya ngayon.
Ang kanyang mga magulang ay nasa Canada at doon napagpasyahang tumira ang mga ito ngayong namamayagpag na ang kanilang kumpanya sa pamamalakad ni Dion. Ipinamahala sa kanya ng kanyang mga magulang sa murang edad sapagkat hindi na siya nasundan pa, nag-iisa siyang tagapagmana.
Nag-vibrate ng matagal ang phone ni Dion mula sa kanyang bulsa, hudyat na may tumatawag.
"Excuse me. Sasagutin ko lang po 'to," paalam niya sa dalawa bago siya tumungo sa labas ng silid.
Napangiti ang mag-asawa sa isa't isa. "Tingin mo kaya, magiging masaya ang apo natin?" nakangiting tanong ni Amalia sa asawa habang ang kanyang mga kamay ay hawak nito.
"Kahit hindi na natin makita ang magiging anak niya basta maramdaman niyang kailangan niya ng pamilya, hindi na siya makakatanggi pa sa kapalaran niya," nakangiting wika ni Ferlin.
BINABASA MO ANG
Business Marriage (COMPLETED)
RomanceRishan Lee Faustino was home-schooled until she graduated. Her family wanted her to stay only in the mansion, she's not allowed to go anywhere. When her elder brother died, she lost the only person who treats her well in the family until she decided...