Hingal na hingal sina Dion, Anika, at Rishan nang marating nila ang labas ng private room kung saan naka-confine si Amalia.
Agad na binuksan ni Dion ang pintuan at mabilis na lumapit sa matandang nakahiga sa kama habang ang dalawa naman ay nanatili sa labas.
"How are you, lola? Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Dion sabay halik sa kaliwang kamay ng matanda.
Malapad na ngumiti si Amalia sabay halpos sa pisngi ng apo.
"I'm very well, apo kaya 'wag ka nang mag-alala," mahinanong wika nito sa kanya.
Kahit nakangiti na ang matanda, hindi pa rin mawala sa mga mata ni Dion ang pag-aalala.
"Where's Rico? He's responsible for this. I'll call him," iritadong wika niya at akmang aalis na nang pigilan siya ng kanyang Lolo Ferlin.
"Relax, Dion. He did his job very well so don't blame him. Come on, just take a seat," paliwanag ni Ferlin bago niya aluking maupo ang apo sa katabing upuan.
"Labas muna po ako. Bibili lang po ng pagkain," magalang na paalam ni Manang Osang bago ito lumabas ng kwarto.
Naabutan niya sina Anika at Rishan na abalang nag-uusap habang nakatayo. Sabay na napatingin sa kanya ang dalawa.
"Oh, nandito pala kayo. Bakit 'di kayo pumasok sa loob?" tanong niya sa dalawa.
Nakangiting sinalubong ni Anika si Manang Osang.
"It's okay Manang. We can wait here for Dion," tugon ng dalaga.
Napatango naman si Osang sabay baling ng tingin kay Rishan na noo'y napangiti ng kaunti.
"Ikaw pala 'yong gelpren ni Ser Dion! Nakuu! Ang ganda-ganda mo!" malakas na wika ni Osang na dahilan upang marinig ni Amalia.
Agad na umupo si Amalia mula sa higaan at ang kanyang mga mata ay nagningning.
"I was supposed to ask where is she. You really brought her," natutuwang wika ni Amalia sabay kindat sa asawang nakatayo sa tabi niya.
Hindi agad nakapag-salita si Dion dahil wala siyang balak na papasukin ang dalawa kung sakali mang makalimutan ni Amalia ang binilin kanina.
"Papasukin mo siya rito. I'm excited to meet her," natutuwang utos ni Amalia at akmang tatayo na ito ngunit pinigilan ni Dion.
"Lola, ako na po," prisinta niya kahit labag sa kanyang kalooban.
"Sure, apo," malambing na tugon ng matanda at hinayaang lumabas si Dion.
"Ay, nandyan na pala si Ser Dion. Bibili lang muna ako ng pagkain, mga anak," masayang paalam ni Osang sa dalawa. Nawili na siyang kausap ang mga ito at muntik pang makalimutan ang dapat niyang gawin.
"Take care po," bilin ni Rishan habang kumakaway.
Paglabas ni Dion, agad niyang nilapitan ang dalawa. "Samahan mo muna sina lola sa loob," utos niya kay Anika na agad naman nitong sinang-ayunan. "And tell them, your best friend has an emergency kaya aalis muna kami."
Napangiwi si Anika sa gustong mangyari ng pinsan. Lumapit siya ng bahagya upang hindi marinig ng kanilang lolo at lola ang kanyang sasabihin.
"Ano ka ba, Dion? Isn't it obvious that they wanted to meet Rishan that's why they also asked you to bring her?" mariing tanong niya sabay turo kay Rishan.
Napatingin si Dion kay Rishan na noo'y nakatingin lamang sa tiles ng hospital ngunit nakikinig ito sa usapan. Ibinalik niyang muli ang atensyon kay Anika.
"Just tell them." Desidido si Dion sa nais mangyari kaya napairap si Anika.
"You're too hard to understand, Dion!" galit na wika niya bago iwanan ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Business Marriage (COMPLETED)
RomanceRishan Lee Faustino was home-schooled until she graduated. Her family wanted her to stay only in the mansion, she's not allowed to go anywhere. When her elder brother died, she lost the only person who treats her well in the family until she decided...