Halos sabay na nagsitayuan ang lahat ng kabilang sa loob ng malawak na meeting hall ng Faustino Company nang matapos na ang pagtitipon.
"Thank you, Mr. Villarino for accepting the proposal. The company and I are glad to be part of your successful company. I'm looking forward for the best outcome of this partnership," sambit ni Mr. Faustino kay Mr. Villarino na siyang CEO ng Villarino Company kung saan brand ito ng footwear, fashion wear at perfume.
Inilahad nito ang kanyang palad upang makipagkamay na agad namang tinanggap ni Mr. Villarino, ngunit ang kanyang expresyon ay tila malamig. Bagaman hindi bago sa lahat ng nakasalamuha niya ang kanyang pagiging mailap sa tao, ang ilan ay hindi pa rin nasasanay.
"No problem, Mr. Faustino," tugon niya bago ito kumalas mula sa pakikipagkamay.
Nang ma-approve ang investment na inihanda ni Mr. Faustino, tumungo na si Mr. Villarino sa kanyang opisina at nakasunod ang sekretarya niyang si Meredith.
Bago pumasok si Mr. Villarino sa kanyang office ay inutusan niya ang kanyang sekretarya.
"Buy me a coffee. Any coffee will do," wika niya nang hindi tumitingin dito.
"Sure po, Sir," malanding sagot ng kanyang sekretarya sabay hawi pa ng iilang hibla ng kanyang buhok patungo sa likod ng kanyang tainga ngunit hindi na iyon napansin pa ni Mr. Villarino dahil agad nitong sinara ang pintuan.
Napasimangot si Meredith at nagsimula na paglalakad nang mapansin niya ang papasalubong na babae.
Nakasuot ito ng denim skirt at over-sized white t-shirt. Naka Korean bag at naka eyeglasses ng wala namang grado. Part of her fashion.
Tumindig ng maayos si Meredith at magiliw na binati ang babaeng iyon nang magkalapit sila sa gitna ng hallway.
"Good morning, Madam Anika! Anong maipaglilingkod ko-" Hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi nang sumabat ang babaeng 'yon.
"Excuse me? How many times do I have to remind you that you should call me, Ms. Anika", naiiritang pagpapaalala sa kanya ng dalaga. Tinaasan pa siya nito ng kilay.
"S-Sorry, Ms. Anika," tanging sambit ni Meredith kay Anika.
Napairap na lang si Anika at nag-cross arms bago ibalik ang nakakainis na tingin sa sekretarya. "By the way, where is Dion?" agad niyang tinanong.
"N-Nasa office niya po, Ms. Anika," tipid na sagot nito sa kanya.
"Okay. Do your job better. Don't forget where you step your shoes," paalalang muli ni Anika dahil hindi lingid sa kanyang kaalaman na may landing tinataglay ang sekretaryang kaharap niya para sa boss nito.
Hindi na muling nakapagsalita si Meredith dahil nilampasan na siya ni Anika at diretsong pumasok sa office ni Dion.
Nang makalampas ang dalaga ay siya namang napairap si Meredith. "Akala mo kung sinong may-ari ng kumpanya. Kapit lang naman kay Sir Dion!" bulong niya sa sarili.
Samantala, agad na sumulpot sa loob ng opisina si Anika nang walang alinlangan. "Hello to my most handsome cousin in the whole wide world!" malakas na pagbati nito sa pinsan na nakaupo sa sofa at ang buong atensyon ay nasa laptop nito.
"What brings you here?" tanong ni Dion sa kararating niyang pinsan. "Watch your manners, Anika. You are in my company. Please learn how to knock the door before entering."
BINABASA MO ANG
Business Marriage (COMPLETED)
RomanceRishan Lee Faustino was home-schooled until she graduated. Her family wanted her to stay only in the mansion, she's not allowed to go anywhere. When her elder brother died, she lost the only person who treats her well in the family until she decided...