Chapter 19

642 35 0
                                    

"Hindi pa lahat pero malapit na," matipid na wika ni Rio sa kanya. "Hindi ko pa naaalala ang lahat pero alam ko na ang buong katotohanan, Ms. Carmina." dugtong niya.

Napalunok si Carmina sa sinabi nito at sa pagtawag sa kanya bilang Ms. Carmina.

"He knew it! But what are those memories?" tanong ni Carmina sa kanyang sarili habang bumubuntong hininga.

Nag-iwas ng tingin si Carmina at pilit na hinahanap ang sariling dila upang makapagsalita ngunit walang salita ang makalabas sa kanyang bibig.

Hinarap na siya ng binata at hinawakan ang dalawang kamay nito. " Ms. Carmina or Mommy Carmina, whatever I call you, I'm grateful because you saved me from death two years ago and I owe you for that. Utang na loob ko sa inyo ang pangalawang buhay ko." Matamlay na ngiti ang pinakawalan ng binata.

Pinipigilan ni Carmina ang sarili na umiyak ngunit sa kaloob-looban niya ay kinukurot na ang kanyang dibdib.

Binitawan na siya ni Rio at hinila siya nito sa kanyang kama at magkatabi silang naupo. May kung anong pinagpipindot si Rio sa kanyang iPod hanggang sa maipakita doon ang mga articles tungkol sa pagdadalamhati ng pamilyang Faustino sa pag-aakalang kasama ang panganay nilang anak sa mga nasawi sa plane crush.

May article rin na hindi pa nahahanap ang kanyang bangkay kung kaya't hindi pa mapanatag ang pamilyang Faustino.

Tila napako na sa kinauupuan si Carmina dahil batid niyang may alam na nga si Rio sa katotohanan kahit pa hindi niya naaalala ang lahat. Pero alam niya sa sarili nitong hindi nita totoong ina si Carmina.

"This is me, right?" tanong ni Rio kay Carmina habang naka-zoom in sa kanyang litrato. Hindi nakaimik ang nanay-nanayan niya. "And my real name is Rio Lucas Faustino, the first child of Victoria and Alejandro Faustino. My siblings are Diane Marie,Lee Ann, and...." Napatigil si Rio sa mukha ng babaeng nakabangga niya noon sa parke. "And her name is Rishan."

Pinagmasdan ni Carmina ang pagngiti ni Rio sa litrato ni Rishan. "I miss this little angel. Hindi ako halos makatulog nang maalala kong sinabi ko sa inyo na baka girlfriend ko sa alaala ko ang babaeng 'to. She's more that that, 'cause she's my favorite person in my life." Nakangiti pa rin si Rio sa litrato.

Napangiti na rin si Carmina habang nakatingin sa litrato ng kanyang anak, si Rishan. Masaya rin siyang malaman na punung-puno pala siya ng pagmamahal sa kanyang Kuya Rio. Nakikita niya sa binata kung gaano nito pinahahalagahan ang kanyang anak.

Tumulo na ang luha ni Carmina nang hindi na niya ito magawang pigilan. Agad siyang niyakap ni Rio at tinanong kung ayos lang ba ito ngunit niyakap na lang niya pabalik ang binata nang sa ganoon ay mabawasan kahit kaunti ang kanyang dinadala.

Kasabay ng pagbuhos ng emosyong iyon ay siya ring pagbuhos ng malakas na ulan.

*****

Malakas ang ulan kaya naman napagpasyahan nina Dion at Rishan na isara ang lahat ng bintana. Mabuti na lamang hindi naanggihan ang loob ng kanilang condo at tanging malamig na simoy lamang ng hangin ang humaplos sa kanilang mga balat.

Bumalik na ulit sila sa kusina at pinagpatuloy ang kanilang tanghalian. Nagluto si Dion ng Paksiw na Bangus at iyon ang pinaka-paboritong ulam ni Dion bagay na ngayon lang nalaman ni Rishan. Paano ba naman niya malalaman e hindi naman sila interesado sa buhay ng isa't isa.

Hanggang ngayon pa rin kaya?

"Hindi ko akalain na ang isang Dion Vin Villarino ay magaling palang mag-luto!" pang-aasar ni Rishan sa asawa.

"Oh? I'm a businessman but it does not mean I don't know how to cook. Nanalo kaya ang paksiw na luto ko noong high school ako," pagbibida naman ni Dion sa kanyang recipe.

Puno ng tawanan ang buong kusina kasabay ng masarap na kwentuhan at asaran nila sa isa't isa sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan. Parang sila lang ang nasa mundong ibabaw at wala nang pakialam pa sa paligid basta masaya sila.

"I'll gonna wash the dishes," prisinta ni Rishan. Tututol sana si Dion ngunit sinabi ng dalaga na ito naman ang nagluto ng kanilang tanghalian kaya siya ang dapat na maghugas.

Naghintay si Dion sa may salas hanggang sa matapos si Rishan sa paghuhugas ng plato.

*****

RISHAN's Point of View

I can't stop myself from smiling. Hindi ko maiwasang kiligin. I don't want to assume but the way he talks to me, his actions towards me, we shate the same feelings. Parang isang iglap nawala 'yong dating Dion na kilala ko. 'Yong Dion na magagalitin at parang hindi marunong ngumiti. He learns how to smile, how to care, how to laugh, and all of these makes me love him more.

Hay nako, Rish wag kang asumera! Baka no choice na lang si Dion sayo kaya pinakikisamahan ka kasi nga may kailangan siya sayo at iyon ay ang ipagdalang-tao mo ang apo sa tuhod ng kanyang lolo at lola.

Napabagsak ang balikat ko dahil sa iniisip at hindi ko naman inaasahang makikita pala ni Dion ang reaction ko. "Bakit bigla kang nalungkot dyan? What's the matter? We can change the movie if you don't like."

"H-Ha? Hindi ah! Nalulungkot lang ako sa kalagayan ng babae kasi hindi siya mahal ng lalaki," O reasoned out but he is not convinced.

"What? Wala namang nakakalungkot at mas lalong walang one-sided love sa pinapanood natin kasi comedy 'to," he answered.

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang mapagtantong comedy nga! Napakurap pa ako ng ilang beses bago mangapa ng idadahilan.

"K-Kasi ano—ah basta! May naalala lang ako sa binabasa kong novel. I'll leave you here muna." Akmang tatayo na ako pero hinigit niya ang braso ko kaya napasandal ako sa dibdib niya. He kissed my head kaya naman uminit agad ang pisngi ko.

Bakit ba niya ginagawa 'to sa 'kin?

"Dito ka lang, Hon. What do you want to watch? O baka may gusto kang gawin? Kasi ako may gusto akong gawin."

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa huling sinabi niya. Ewan ko ha? Pero hindi naman sa nag-aasume ako kaya lang parang gusto niya ng second round? Oh Gosh, please huwag muna. Hindi pa ako nakakarecover sa nakaraan.

"What's with that look, Rishan?"

Bakit? Mali ba ako ng iniisip?

Napaiwas ako ng tingin at bahagyang inilayo ang sarili sa kanya. "A-Ano ba 'yong gusto mong gawin?" kinakabahan kong tanong sa kanya ngunit hindi pa rin siya nililingon.

"Well, I miss playing board games. Do you know how to play chess?"he asked.

Napahinga ako ng malalim. Okay, iyon lang naman ang gusto niyang gawin. Akala ko pa naman ay 'yong nasa isip ko na. Pero bakit parang nadismaya ako? Kainis naman, Rishan umayos ka nga!

"No, I don't know. I think it's complicated to learn, but I know how to play scrabble, dama, and snake and ladder?" Napatanong pa ako sa sarili ko kung tama bang banggitin ko ang snake and ladder samantalang halos lahat naman ng tao ay alam laruin 'yon.

Napatingin ako kay Dion na parang pinag-iisipan kung anong lalaruin namin. "Magaling ka sa part na snake and ladder. Not everyone can play it. What do you think? Malay mo manalo ka sa'kin." he chuckled.

Nindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano kasi kung makatingin sa'kin may kahulugan.

"Whatever! Hindi ako maglalaro kasi kailangan ko pang tapusin 'yong novel na binabasa ko sa kwarto ko." naiinis kong tugon sa kanya.

I'm not sure kung bakit bigla akong na beast mode. Hindi naman ako ganito pero baka epekto sa akin ng ugali ng lalaking 'to. Dati pa naman mainit ang dugo ko  sa kanya. I was maybe hypnotized by him.

Weh? Baka naman kasi mahal mo na talaga?

Self, calm down. Don't expect too high, you'll break yourself.

Business Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon