Chapter 9

716 40 1
                                    

Sa loob ng malawak na silid ay nakaupo si Allen sa kanyang kama at nasa tabi niya ang kanyang ina.

"Gusto ko pong maglakad-lakad sa labas,Mom." pagpapaalam ni Allen habang nangungusap ang kanyang mga mata kay Carmina.

Sandaling natigilan si Carmina habang nakatingin sa mga mata ng binata. Ang magandang mga mata nito'y nakapag-paalala ng isang taong malapit sa kanyang puso.

Ngumiti si Carmina at tumango. "Sure, sweetie sandali lang at tatawagin ko muna si Manang to prepare your bath," malambing niyang tugon.

Agad na hinawakan ni Allen ang kamay ng ina upang hindi ito tuluyang makatayo.

"No need, Mom. I can handle myself now. Trust me." Ngumiti si Allen upang masigurong hindi na mag-aalala pa sa kanya si Carmina.

"Are you sure, anak? You can call me if you need something or if you feel uneasy, right?" bilin ni Carmina.

Sumilay sa mga labi ni Allen ang pamilyar na ngiti na kapagbigay-lungkot at saya kay Carmina.

Nanumbalik sa kanyang isipan ang larawan ng binatang Alejandro.

"Walang duda na kahawig niya ang kanyang ama noong binata pa ito. Kahawig din kaya niya ang anak ko?" malungkot na tugon ng kanyang isipan habang unti-unting naglalaho sa memorya niya ang binatang Alejandro.

"Mommy?" Tinapik ni Allen ang kanyang balikat at halos mapatalon siya sa gulat.

"S-Sorry, son may naalala lang ako pero 'wag mo nang isipin. You need to take a bath now, naaamoy na kita oh!" pagbirong wika niya na ikinatawa naman ng binata.

"Loko ka, Mommy! Pero sige po maliligo na ako," paalam ni Allen sa ina bago naglakad patungo sa banyo nitong kanyang silid.

Napabuntong hininga si Carmina at walang gana siyang lumabas ng kwarto. Habang bumababa siya sa hagdan ay tinawagan niya si Leslie.

"What's the matter, Mina?" bungad ng kanyang kaibigan. May bahid ng pag-aalala ang boses nito.

"I'm wondering that what if someday, he'll gonna find the truth? It's too early, Leslie knowing that he knows his younger sister, that girl named Rishan." Halos pabulong ang kanyang pagsasalita.

Nang makababa siya, umupo siya sa malambot na itim na sofa.

"Did he mention Rishan again?" pagi-imbestiga ng kaibigan.

Napaisip sandali si Carmina bago umiling. "No. So far, wala namang kakaiba sa kinikilos niya. He still believes in everything he is now," tugon niya.

"Ayun naman pala, friend. Maybe he dreamed of Rishan the day he woke up and after that, he didn't recall Rishan. He still can't recognize his sister," katwiran ni Leslie.

Napatango si Carmina dahil sa sinabi ng kaibigan.

"Maybe you're right. I'm just being paranoid for what might gonna happen." Bumuntong hiningang muli si Carmina habang sandaling natahimik ang linya.

Magsasalitang muli sana si Carmina nang maka-tanggap siya ng incoming call mula sa Villarino Company.

"Leslie, mamaya na lang ulit. May kailangan pa akong asikasuhin sa trabaho. Salamat sa pagdamay," nakangiting paalam niya bago patayin ang tawag.

Agad niyang singot ang company number ng Villarino Company.

"Good morning! May I know if this is Ms. Carmina Cervantes?" bungad ng kanyang kausap matapos niyang sagutin ang tawag. Magalang at malumanay ang boses ng babae.

"Yes, speaking," nakangiting sagot niya. Inabala niya ang sariling titigan ang bagong manicure niyang mga kuko. Kulay pula ang mga ito at may mga glitters.

Business Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon