Kinagabihan ay nakalabas na rin ng ospital sina Alejandro at Rishan.
"Bakit sa bahay tayo pupunta? I can rest in your place, Dion." mahinanong wika ni Rishan nang mapansing malapit na sila sa mansyon ng Faustino habang nakasakay sa van.
"You still need to know something, Rishan." Tugon ni Dion na mas lalong ikinalito ni Rishan.
"About what? I already knew everything earlier." Kunoot ang kanyang mga noo, ngunit tanging ngiti lamang ang tugon ni Dion sa kanya.
Pinarada ni Dion ang kotse sa gilid at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.
Pagpasok nila sa loob ng mansyon ay sinalubong sila ng mga tingin mula sa kanyang pamilya. Naroon sila sa sala, nakaupo sa sofa at mukhang silang mag-asawa na lamang ang hinihintay.
Nakaupo sa sofa ang mag-asawang Faustino, sa kabilang sofa naman si Diane at naka-kandong sa kanya si Lee Ann ngunit sinita si Lee Ann na maupo sa tabi ng kanyang Ate Diane dahil buntis nga ito. Sa isa pang sofa naroon sina Carmina at Rio.
"Rishan," halos sabay na pagbigkas nilang lahat nang makita siya ng mga ito.
Hindi niya alam kung ano na namang mangyayari dahil batid niyang hindi niya aasahan ang mga susunod pang oras.
Umupo sina Rishan at Dion sa tabi ng mag-asawang Faustino. Balak sana ni Dion na muling umalis ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na pinakawalan ni Rishan ang kamay ng asawa.
"W-What is happening again?" nag-aalangan niyang taong dahil sa tensyong nararamdaman niya ngayon.
"Rishan," panimula ni Rio.
Ano bang ganap ni Allen dito aside sa anak siya ng totoo kong ina? Tanong niya sa kanyang isipan. Did I dream that he's my Kuya Rio or everything are just coincidence?
Hindi nagsalita si Rishan. Mas pinili niyang titigan si Rio habang hinihintay ang susunod niyangbsasabihin, ngunit inunahan na ito ng kanyang ama. "Ang Kuya Rio mo, anak." Itinuro ni Alejandro si Rio, ang inaakala niyang si Allen.
Napakunoot ang noo niya sa sinabi ng ama.
Ano na namn ba 'to? Ginugulo na naman nila ang utak ko!
"W-What? Dad, this is not a good joke. I'm serious. If you just called me to prank me then I'll just go home—" Hindi pa man natatapos ni Rishan ang kanyang sinasabi nang putulin na ito ni Rio.
"Rishan my princess, it's me. Your Kuya Rio." May lungkot at pangungulila sa tono ng boses ni Rio at iyon ay naramdaman ni Rishan.
Hindi agad naproseso sa isip niya ang nalaman. Sandali pa siyang nakatitig sa mga mata ni Rio habnag ang buong paligid ay puno ng mga buntong-hininga.
He is my Kuya Rio. He's alive! Pangungumbinsi ng kanyang isipan.
Sa pangatlong pagkumbinsi sa sarili, doon na bumuhos ang kanyang mga luha habang ang kanyang mga paningin ay nakatitig pa rin kay Rio. Hinaplos ni Dion ang kanyang likod upang pagaanin ang kanyang kalooban.
"B-Bakit? H-How happened? Kaya pala noong nagkita tayo sa park, I had that feeling na you are my brother but you didn't tell me. You didn't tell that it was you, Kuya!" Pinahid niya ang mga luha niyang hindi matigil sa pag-agos.
Tahimik lang na nakikinig sina Diane at Victoria sa usapan, pati na rin si Lee Ann na masyado na ring naguguluhan sa nangyayari.
"I don't remember you that time, Rishan. I'm sorry for that, but believe me, the moment I saw you, the connection was there." paliwanag ng kanyang kuya sa nangungusap na mga mata.
Humihikbi si Rishan habang tinatanong sa sarili na bakit kailangan pang paunti-unti ang pagsasabi sa kanya ng kanyang dapat na malaman. Bakit hindi na lang sinabi kanina ang lahat sa kanya para isang bagsakan na lang ang sakit.
BINABASA MO ANG
Business Marriage (COMPLETED)
RomantizmRishan Lee Faustino was home-schooled until she graduated. Her family wanted her to stay only in the mansion, she's not allowed to go anywhere. When her elder brother died, she lost the only person who treats her well in the family until she decided...