Chapter 1

69 5 1
                                    

It's been two days when I slapped Euna. Kaela was trying to talk to me, pero hindi ko magawang kausapin siya pabalik. Guilt was eating the whole me, it's my fault. I wanted to say Sorry, but I don't know how to start, how to talk to Euna.

"Pam, p-pwede ba akong sumabay sa'yo? Pinapa-ayos ko 'yong kotse ko, eh." Kaela asked, I just nod and took my Laptop on the Computer Table. Nasa likod ko lang siya, mukha siyang tutang napa-galitan ng Amo habang sinu-sundan ako ng tingin. Kunot noo ko siyang sinulyapan, nag-iwas naman siya ng tingin. I pressed my lips together and started walking onto the Unit door. Binuksan ko 'yon at inantay siyang lumabas, huminto siya at para bang ina-antay din akong lumabas.

I gulp and lead the way, she's the one who locked the Unit. Nang maka-rating sa Elevator, sa magka-bilang dulo kami pumuwesto. Niyakap ko ang laptop at inayos 'yong shoulder bag sa gilid. Nang bumukas 'yong Elevator, sabay kaming lumabas, huminto kami pareho at nagka-titigan, she looked away and waited for me to step out.

Nauna ulit akong mag-lakad sa kaniya, pinatunog ko ang pick-up para maka-pasok siya sa Passenger Seat. Maingat kong inilagay 'yong laptop at bag sa Back Seat, samantalang si Kaela inilagay sa hita niya 'yong laptop at bag niya. I bite my buttom lip and started the engine. Tahimik ang buong biyahe namin papunta sa iAcademy, kulang na nga lang, hindi kami humingang dalawa.

Dalawang oras kaming na-stuck sa Traffic, mabuti nalang, maaga kaming nagising. We arrived at iAcademy parking passed 8AM. We ran to our Building, we're late!

"Miss! Miss!"

I stopped when someone grabbed my arms, I look who it is. "Nahulog mo," she said and gave me my USB, I closed my eyes before smiling at her.

"Thanks!" I said before running again, we didn't use elevator, alam naming puno 'yon ngayon at madaming naka-pila. Nauuna si Kae sa'kin, nang maka-rating kami sa Room. I sighed in relief when our Professor wasn't there.

"Sport Fest pala ngayon, ba't pa tayo nag-madali?" Kaela murmured, pumasok na siya sa loob matapos akong sulyapan, kakaunti lang din ang mga nasa loob. I frowned, ng mabilang na halos pito lang kami doon.

"Nasa Court ang iba, nag-sisimula na daw kasi 'yong laban sa basketball." Angel said when she saw my reaction. Tumango-tango ako.

"Pameh! Kae!"

Pa-upo na sana ako ng marinig sa labas ang sigaw ni Tado, nagtama ang mata namin ni Kae at magka-sabay na lumabas. Tado smiled to us and wave his blue pompoms, he's wearing his jersey too.

"Tara na! Nood na kayo, kami na sunod na sasalang. Nandoon na si Euna. Tara!" ini-abot niya sa'min 'yong pompoms, tag-isa pa talaga kami ni Kae. Hinila niya kaming dalawa papunta sa Elevator, gaya ng inaasahan, matagal-tagal bumukas 'yon sa dami ng tao sa baba.

"Excuse lang po, excuse." nakipag-siksikan kami doon sa loob, mabuti nalang, iniwan ko sa Back Seat 'yong laptop. Hassle kapag dala-dala ko 'yon, iniwan din ni Kae 'yong kaniya.

Nang maka-rating kami sa ground floor, hinila ulit kami ni Tado papunta sa Court, punong-puno ang bleachers, madami ding cheerers and Visitors. San Beda University ata, base sa pula nilang Uniform at logo.

Puro lalaki, boys school nga kasi.

Nagkakalat ang mga iAcad's student, may mga hawak ang ibang estudyante na bote ng 1.5. Ang iba naman may mga banner.

"Doon kayo sa bleachers namin, katabi ni Euna. Ayon!" itinuro niya si Euna na naka-ngiti habang pina-panood ang mga nag-lalaro. Lumakad kami ni Kae papunta sa kaniya, umayos siya ng upo at umusog ng kaunti, sa dulo ako pumuwesto, nasa gitna naman si Kae. Naka-ngiti si Kaizer at kumaway sa'min, tinanguan ko lang siya at kumaway naman ang dalawa. Naka-ngiting kumunot ang noo niya at bumulong kay Tado. Sabay silang sumulyap sa'min.

INFATUATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon