Chapter 19

0 0 0
                                    

"Pamela, you have a 3.1 points of those edits. What happened?" Venus asked, I gaped in shock and looked at her on disbelief.

"Ano? Paanong nangyari 'yon? I complety passed my edits," kinakabahan kong sabi, bumuntong hininga si Venus.

"I'm sorry, but your edits are not completed. Kulang ng seven edits, kaya binigyan ka ng heads ng 3.1 points," malungkot siyang ngumiti sa'kin, lumaylay ang balikat ko at tinignan si Kaela na kunot na kunot ang noong naka-tingin kay Venus.

"Imposible namang gano'n, kumpletong-kumpleto ang ginawa ni Pamela, tapos, 3.1 lang?" kunot noo niyang tanong. Walang buhay akong umupo at tumulala.

3.1.

"Santos, ayon ang sinabi ng Head. Kulang daw, anong magagawa ko? Taga-announce lang ang role ko dito." narinig kong sabi ni Venus kay Kaela. I looked at Kaela who's frowning, she looked back at me.

"Ayos lang 'yan, pasang-awa naman." nakangiting sabi niya, naka-ngiwi akong bumuntong hininga.

I can't believe it.

Saan kaya napunta 'yong 7? Kumpleto 'yon bago ko ipasa. Kunot noo akong tumingin kay Kaela na mahinang pumapalakpak, tumayo siya at nagpunta sa pwesto ni Angel habang pumapalakpak pa din.

Nagtatakhang nagka-tinginan kami ni Vinz, tumingin ako kay Venus na kunot noong naka-tingin kay Kaela.

"What the hell is she doing?" tumingin ako sa harap kung nasaan sila Thea, nagkibit balikat ako sa kaniya.

"How are you?" naka-ngising sabi ni Kaela, kumunot ang noo ko ng mamutla si Angel.

"Can we see the edits who passed by Angel Tolentino, Guero?" naka-ngising tanong ni Kaela kay Venus. Kunot noong tumango si Venus at may kinalikot sa laptop niya.

"Nanana ai to, ai to, nige ge da world tonight ai to, ai to," kumakantang sabi ni Kaela at sumasayaw pa katulad ng ginagawa niya sa Tiktok. Umupo siya sa kaniyang upuan pero humarap pa rin kay Angel.

"Five, four, three two one! Mm-mm," dumila siya kay Angel habang gumegewang ang ulo. "Mm-mm," inilagay naman niya ang parehong hintuturo sa mata at binelatan si Angel.

"Mm-mm," inilagay naman niya ang dalawang hinlalaki sa sentido at parang batang inaasar si Angel.

"Mm-Mm," dumila ulit siya bago tumigil. Natatawang humarap naman siya sa'kin, tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong ginagawa mo?" lukot ang mukhang sabi ko, tinawanan niya lang ako at tumayo palapit kay Venus.

"Boom!" nakangiting sabi ni Kaela at natawa, samantalang si Venus, kunot noo siyang tinignan.

Ano bang, nangyayari sa kaniya?

"Edits 'yan ni Pamela! Ano? Keep murmuring, huh? Akala mo sa'kin, bingi?" natatawang sabi ni Kaela at itinuro si Angel. Kumurap-kurap ako at dahang-dahang humarap sa pwesto ni Angel, nakayuko siya at hindi ma-iangat ang sariling ulo.

Shit ka, Angel!

"Pam, sa'yo 'to, di'ba?" lumunok ako at tumingin sa harapan, nanlaki ang mata ko at awang ang mga labing tinignan ang laptop ni Venus kung nasaan ang mga edits ko! Isa na do'n ang edits ko na animated character ni Ciel!

"Shit ka, Angel!" wala sa sariling sigaw ko at tinignan siya. Yumuko siya lalo, lumapit naman sa'kin si Kaela at pinaupo ako, ngasa tabi ko lang siya, nakatayo.

"I'll report this to the head. You can take your lunch." tumayo si Venus at lumabas sa Room. Itinayo naman ako ni Kaela at hinila ako palabas ng Room.

"Kainis 'yon, akala niya hindi ko siya narinig, huh." Kaela hissed on the air, I pressed my lips together.

Paano naman niya nagawa 'yon? Hindi naman siya ganiyan, masipag siyang gumawa ng mga edits. Bakit niya kinuha 'yong sa'kin? Pwede naman niyang hingin or mag-sabi ng favor, gagawi ko naman kung kaya ko, hindi 'yong gano'n. Nakakainis. Kinuha niya pa ang Animated Character ni Ciel.

INFATUATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon