Chapter 7

38 5 3
                                    

Inilabas ko 'yong Laptop mula sa luggage at ipinatong 'yon sa kama. Naliligo si Kaela para sa bonfire mamaya, si Euna naman nagce-cellphone na sa tabi ko. Kakapahinga pa lang namin galing sa pamamasyal. Wala sa sariling tinatanggal ko ang mga nakaka-kabit na armor sa mga character na ginawa ko. Kumurap ako at ibinalik ulit ang mga 'yon.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang salitang binitawan ni Kaela kanina bago lumabas sa balkonahe. Halos hindi ko malasahan 'yong mga kinakain namin kanina sa sobrang pag-lipad ng utak ko.

"Pam, ikaw na maligo." lumabas sa banyo si Kaela ng nakangiti, sumulyap ako sa kaniya bago isara ang laptop. Ibinalik ko 'yon sa lagguage at kumuha ng extrang jacket. Lumapit ako sa bag at doon kumuha ng damit at denim pants.

Umupo si Kaela sa harap ng salamin at doon nag-ayos. Nang maka-pasok sa banyo, bumuntong hininga ako at pumikit ng mariin.

No negative stuffs, Pamela. Enjoy.

Nang matapos ko ng linisin ang buo kong katawan, lumabas na ako at itinanggal ang naka-tali kong buhok. Isinuot ko na rin ang Jacket at humiga muna sa kama, katabi ni Euna.

"Pam, Kae. Kilala niyo si Althea Manabat, di'ba?" tumingin ako kay Euna ng mag-salita siya, nagtinginan kami ni Kaela.

"Oo, bakit?" tanong ko at umupo. Inilagay ko ang Cellphone sa side table at tumingin ulit sa kaniya.

"God, may scandal!" napa-nganga ako sa sinabi niya.

Si Althea from BS Arts and Design? Sa pagkaka-alala ko, matino 'yon. I mean, oo, maharot siya, pero, sa tingin ko, hindi naman siya gano'ng babae. How come?

"Seryoso?" tanong ni Kaela, nanlalaking matang tumango-tango si Euna. Kumurap-kurap ako sandali at tinignan silang dalawa na parehong tutok sa Cellphone ni Euna. Umasim ang mukha ko at hinablot ang Cellphone niya. They both frowned.

"Mga manyak, baba na para maaga tayo sa meeting time. Sabi ni Venus sa GC nando'n daw si President." naka-ngiwi kong sabi kay Kaela, umingos muna siya bago bumaba sa kama. Tinignan ko naman si Euna.

"Ikaw, magsuot ka na ng Jacket." paalala ko sa kaniya, inirapan niya ako bago din bumaba sa kama.

I took my phone to the side table and hide it to my pocket. Kinuha ko ang makapal na medyas sa gilid ng bag ko at ang sneakers sa gilid ng luggage. Nagsasapatos na din ang dalawa.

"Sasama ba ang dalawa?" Kaela asked.

"Yah, yah," sagot ni Euna. Tumayo na ako at tinitignan ng maigi ang sapatos ko, tumingin din ako sa kanila at ngumiti, halos sabay-sabay kaming lumabas sa kwarto. Naabutan namin ang dalawa sa Sala at halatang inaantay kami. Ngumiti si Kaizer at pinatay ang TV.

"Are you sure that it's alright to join on your night?" paninigurado ni Tado, natawa ako ng mahina.

"Kasama kayo dito, syempre kasama kayo sa lahat! 'Tsaka lahat naman tayo do'n, iAcad students." naka-ngiting sabi ko, ngumisi naman siya. Ayan na naman 'yong pang-manyak niyang ngisi na may patango-tango pa.

"Bago mo ng mannerism 'yan, ha." naka-ngiwing sabi ko, tumango-tango lang siya habang naka-ngisi.

"Yuck, kadiri talaga. Kinikilabutan ako." komento ni Kaela at mabilis na iniyugyog ang ulo na para bang sinasabihan. Natawa ako pati na rin si Euna.

"Let's go. It's 9:05PM, siguro naman kumpleto na ang mga tao doon." pag-aaya ni Kaizer at naunang naglakad papunta sa pinto. Sumunod kami sa kaniya, nilawakan niya ang pag-bukas ng pinto at ngumiti sa'min.

Nang malapit na kami, isinara niya 'yon at siya ang unang lumabas. We frowned.

"Bwesit na Kaizer 'yon," inis na sabi ni Kaela at binuksan ang pinto. Nakangiti akong lumabas, kunot noo kong tinignan si Kaizer na tumatawa at iniipit pa ang t'yan.

INFATUATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon