Chapter 3

57 6 0
                                    

"WHAT!?"

Inis kong tinignan si Kaela, "Sige pa, isigaw mo pa, Kaela! Lumabas ka, ipag-sigawan mo sa lahat!" inis kong singhal sa kaniya habang nag-lalakad pabalik-balik.

Kanina pa ako naka-uwi, pero hindi pa rin ako mapakali. Hindi na kami nakapag-usap pa ni Ciel nang sabihin niya 'yon, hindi ko magawang mag-salita. Paano 'yon? Sa Sabado na 'yon!

Bakit ba ako napa-praning? Eh, hindi ko pa naman sinasagot 'yong alok niya.

"You must wear a perfect gorgeous dress!" Kaela excitedly exclaimed, I closed my eyes and sat on the Sofa.

"Kae, hindi pa ako pumapayag." inis kong sabi, umupo naman siya tabi ko, I placed the pillow on my lap and rest my back. I blow a loud breath and stare at the air.

"Oh, god, Pam! Pumayag ka na!" niyugyog ni Kaela bahagya 'yong balikat ko. I sighed again.

"Kung ikaw nalang kaya ang pumunta," sabi ko sa kaniya, nag-ningning naman ang mata niya at tumayo.

"Talaga!? Pwede!? Kaso, hindi naman ako ang inimbita, kaya 'wag na." naka-nguso siyang bumalik sa pagkaka-upo. Kinuha ko 'yong yougart sa Center Table at nag-focus nalang sa TV. Si Kaela naman, busy na sa pagse-cellphone niya.

"Pero sayang talaga kung 'di ka pumunta." sabi pa niya, natawa ako ng mahina. Takot lang siya sa pinapanood namin ngayon.

"Oh my! And'yan ang ang order ko sa Lazada!" excited na sabi ni Kaela ng marinig ang doorbell. Tumingin ulit ako sa TV habang kumakain ng Yougart.

Shit ka! Paano 'yong Baby do'n sa kotse!? Shit kasi 'tong Daddy nila!

"Pam! Please, turn off the TV." natatakot na sabi ni Kaela habang may dalang Lazada Plastic, umupo siya tabi ko.

"Pet Sanctuary lang 'yan, Kae. Ang OA mo!" singhal ko at lumayo ng kaunti habang nanunood. Pinindot ko ang Volume sa TV, patapos na 'yong line.

"Patapos na rin naman, mamaya mo na patayin." sabi ko sa kaniya, tahimik lang siya sa tabi ko at tinititigan 'yong dineliver ng Lazada. Ibinaba ko 'yong Yougart sa Center Table at pinatay na ang TV.

"Ano 'yan?" tanong ko sa kaniya, naka-ngiti siyang nag-angat ng tingin sa'kin.

"Bagong Mouse at Mouse Pad!" excited niyang sabi, inantay ko siyang buksan 'yon. Kinuha ko 'yong bubble wrap at pinutok-putok 'yon. Isa-isa kong pinakikiramdaman kung may hindi pa ako napuputok.

"OMG! 'Eto na! Oh my god! Stitch! OMG!" OA na sigaw ni Kaela at nag-tatalon pa. Nag-niningning ang mata niyang naka-tingin sa'kin at tatawa-tawang pumasok sa kwarto niya.

Ngumiwi lang ako at binuksan ulit 'yong TV. Inilagay ko 'yon sa Netflix, nanunood ako habang pinuputok-putok 'yong plastic.
Tumunog ulit 'yong doorbell ng Unit, tumayo ako at pinagbuksan 'yon. My brows furrowed when I saw Euna with Kaizer and Tado.

"Ano me'ron?" tanong ko, sabay-sabay silang bumuntong hininga at pumasok sa loob ng Unit. Kunot noo ko silang sinundan ng tingin, isinara ko ang pinto at sumunod sa kanila. I turned off the TV and look at them, questioningly.

"Kaela! Lumabas ka d'yan!" malakas kong sigaw, humarap ako sa kanila. It seems serious by their face reaction, Euna are playing her own fingers, she's about to cry but she's holding it by wiping secretly.

"What happened?" tanong ko sa harap nila. Lumabas na din si Kaela sa kwarto niya at natigilan ng makita ang tatlo sa loob.

"Kaizer?" binalingan ko ng tingin si Kaizer, tumingin siya sa'kin pero kaagad ding nag-iwas ng tingin. Si Tado din, nag-iwas ng tingin ng sulyapan ko.

INFATUATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon