"Pamela, nasa'n 'yong project mo?" aligaga kong ibinigay kay Venus 'yong USB ko. Inayos ko ang mga nagkakalat na papel sa desk at ang pinulot ang mga nahulog na iba't-ibang klase ng lapis.
"Pamela, suggest ng eyecolor!" kaagad kong tinignan si Kaela, sa hindi inaasahan, tumama 'yong noo ko sa ilalim ng desk. Dumadaing na minasahe ko 'yon at sinulyapan 'yong drawing niya.
"Green or Violet," suggest ko at humarap ulit sa mga oslo. Sinimulan kong mag-sketch ng ibang klaseng anime, narinig ko ang mahinang pagka-punit ng papel, tinignan ko ang pwesto ni Kaela kung saan awang ang labing tinititigan 'yong ini-sketch niya na napunit.
Kinuha ko 'yong isa kong drinawing at ibinigay sa kaniya habang naka-talikod si Venus, kaagad naman niya 'yong kinuha. Hinablot ko 'yong napunit niyang papel at inilagay sa gilid ko.
"Venus! Extend time! Napunit ko 'yong akin!" nag-aalala kunwaring sabi ko at itinaas 'yong sketch ni Kaela. Tinignan niya ang kaniyang wrist watch.
"Hindi na pwede." sagot niya, lumunok ako at tumingin sa mga ginagawa ko, paniguradong rush na naman ang gawa ko nito.
"Kahit walang color, pwede?" umaasang tanong ko, tumingin si Venus sa folder na hawak niya bago sa kaniyang wrist watch.
Sana, pumayag!
"Pwede naman, kaso may minus." sagot niya, ngumiti akong tumango. Okay na 'yon.
Sinimulan ko ulit na mag-drawing ng iba pang characters, bawat oslo, shape ng mukha ang inilalagay ko.
Nang mag-times up, rush kong ipinasa kay Venus ang nga gawa ko na tatlo ang walang kulay. Lumabas ako doon ng matamlay, talagang nakakapagod.
Umangkla sa braso ko si Kaela at naka-ngusong tumingin sa'kin.
"Dapat, hindi mo nalang binigay 'yong iyo. Kaya ko namang gumawa ng panibago, eh." naka-ngusong sabi niya at hindi maka-tingin sa mata ko. I chuckled at tapped her back.
"It's okay, para naman mabawi mo din 'yong gradea mo no'ng absent ka ng mga nakaraang araw." sabi ko sa kaniya, nginitian ko siya.
"Hoy, Pamela, Kaela!"
Nanlaki ang mata namin ni Kaela at sabay napatingin sa likod, kumurap-kurap ako n makita ko si Ate Catelliana na naglalakad papalapit sa'min.
"Shit lang..." bulong ko at humawak kay Kaela, malamig din ang palad niya.
"Shit talaga," bulong din ni Kaela. Nang makalapit na si Ate Cath, ngumiti siya at itinaas ang gitnang daliri sa harapan naming dalawa.
"Mga gago kayo, akala ko nasa condo kayo, may pasok pala kayong mga hindot. Uwian niyo na ba? Tara na, sa inyo muna ako titira." naka-ngiting sabi niya, natigilan naman ako, naramdaman ko ding natigilan si Kaela, nagtinginan kami at lumunok.
Shit ka!
"Pucha, tara na! Alak na alak na din ako, tangina. Nakaka-inis si Mommy amputa, kaaway ko siya kaya sa inyo muna ako. Umangal magkakapigsa sa pwet, bilisan niyo mga hunghang!" sabi niya sa'min. Wala akon nagawa kundi tumango, ganoon din si Kaela, pumagitna naman si Ate Cath sa'min at umangkla sa pareho naming braso.
"Asan na ang mga Pakboy niyong kaibigan? Miss ko na rin sila, ah? May pagkain ba kayo do'n? Siguraduhin niyo lang, gutom ako. Tangina kasi napakalayo dito sa inyo." buryong sabi ni Ate Cath, pinagtitinginan din kami sa lakas ng boses niya at bawat salita, may kasamang mura.
"Ate Cath, hinaan mo naman ang boses mo." saway ni Kaela sa kaniya, inismiran siya ni Ate Cath.
"Alam mo pinsan, kasalanan ko bang ganito ako? Pucha, binigay sa'kin 'to, dapat proud ako!" naka-ngiti pa niyang sabi bago pumasok sa Elevator.
BINABASA MO ANG
INFATUATED
Teen Fiction"If ever you start to miss me. Remember, I didn't walk away. You let me go."