CHAPTER 6:

135 5 0
                                    

LISHSHAND POV:

Hi readers, i'm lishshand H. Villareal 18 years old

Nag lalakad ako sa may hallway habang may iniisip

'Bakit kaya ayaw sabihin ni dean kung anong pangalan nung scholar' tanong ko sa sarili ko

'Malalaman ko rin yan balang araw' sabi ko sa isip ko

"Hauzer!!" Tawag ko kay hauzer nakita ko kasi syang nag lalakad sa may hallway kaya tinawag ko sya

"Oh lishshand ikaw pala" sabi nya, sya yung pinakamatino sa lahat ng boys ng rank 10

"Alam mo ba kung sino yung scholar na sinasabi ni dean??" tanong ko sa kanya

"Hindi nga rin eh, sino kaya yun" sagot nya sa tanong ko

"Bakit kasi ayaw sabihin ni dean satin eh" nakangusong sabi ko kaya tinawanan ako ni hauzer

"Bakit ka tumatawa??" tanong ko sa kanya habang nakanguso ako

"Ang cute mo kasi" sabi nya kaya yumuko ako para hindi nya makita yung mukha kong namumula

Ok readers may aaminin ako sa inyo  ah pero satin satin lang to, may gusto ako kay hauzer hehehehe

"Nakita mo ba si alister??" tanong nya kays napatingin ako sa kanya

"Hindi eh, alam mo naman yun kung saan saan pumupunta" sabi ko sa kanya

"Bakit mo ba hinanap??" tanong ko

"May sasabihin kasi ako sa kanya" sagot nya habang kumakamot sa batok nya

"Baka nasa library" sabi ko

"Oo nga no, may test pa naman sa monday" pag kasabi nya nun ay nag paalam na sya sakin

'Hay iniwanan nanaman ako' sabi ko sa isip ko





HAUZER POV:

Pag dating ko sa library ay hinanap ko na agad si alister. Nang makita ko sya ay nakaupo sya sa may sahig habang nag babasa na may salamin, nababakla nanaman ako dito sa isang to, bakit ba ang gwapo nitong kaibigan namin hahahahahaha

"Hoy" mahinang tawag ko sa kanya kaya napatingin sya sakin

"May sasabihin ako sayo" sabi ko sa kanya ay tumabi sa kanya sa pag kakaupo nya sa sahig

"Alam mo ba na may nakapasok dito na scholar" sabi ko sa kanya, tumango sya bilang sagot, Hay napakatahimik talaga nitong isang to

"alam mo kung sino??" tanong ko pero umiling lang sya

"Hay ang sarap mo talagang kausap sa totoo lang" sarcastic na sabi ko sa kanya

"Ty" sabi nya (Ty-thank you)

"Kung hindi lang kita kaibigan nabugbog na kita dyan" sabi ko sa kanya sabay tayo sa pag kakaupo ko sa sahig

Pag katayo ko ay nakita ko si shuela na natutulog sa may desk doon kaya pinicturan ko sya sa position na yun

"Ang cute nyang matulog" sabi ko sa sarili ko

"Who??" tanong ni alister

"Si shuela kako ang cute" sabi ko sabay tingin sa kanya pero nag babasa lang sya at hindi kumilos





SHUELA POV:

Nagising ako na nasa library ako kaya napabangon ako ng wala sa oras

"Oh gising ka na pala" Biglang may nagsalita sa likod ko, pagtingin ko yung apat na babae sa rank 10

AGENT'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon