CHAPTER 9:

139 5 0
                                    

EUGENE POV:

Andito kami sa may gym, may sasabihin daw si tito yung daddy nila ali or alister

"Ano kaya sasabihin satin??" Tanong ni shanley pero wala namang sumagot

"Good morning student of J.U" sabi nung MC

"Good morning too" bati namin pabalik

"Let's welcome Mr. Gustav P. Javier" nag palakpakan kami sa pag labas ni tito gustav

"Meron lang akong gustong idiscuss kaya sana ay makinig kayong lahat" sabi ni tito ng seryoso, sa kanyan nag mana si alister

"May gaganapin tayong J.U DRAG RACING kung saan ang lahat nang marunong mag racing ay pwedeng sumali at ang hindi marunong ay manood na lang, ang listahan 40 na student lang ang pwede kaya bukas mag palista na kayo dito, may ipapadala akong tao para ilista ang mga gustong sumali pero remember na hanggang 40 na student ang kailangan namin, that's all" pag katapos nyang mag salita ay umalis na sya

"Racing?? Mukhang exciting to ah" sabi ni Gilthunder 

Ang mga marunong mag racing samin ay sila alister, sky at Jentshand lang kaya manonood na lang kami

Nag lakad na kami palabas ng gym pero napansin ko na kanina pa wala si shuela

"Nakita nyu ba si shuela??" Tanong ko pero umiling lang sila

"Alam nya na kaya ang tungkol dito??" Tanong ko ulit

"Ewan at saka nag iimpake na yun ngayon kasi lilipat na sa dorm natin" nakangiting sabi ni shanley

"Oo nga naalala ko, tulungan natin sya" pag aya samin ni Sky

Pag dating namin sa tapat ng dorm ni shuela ay nasa labas na sya kasama yung mga maleta nya ay isa lang pala yung maletang dala nya

"Anong ginagawa nyu rito??" Walang emosyong tanong nya

"Tutulungan na sana namin ikaw eh tapos ka na pala kaya wag na lang" sabi ko 

Nag simula na syang mag lakad hanggang makarating kami sa dorm namin



JENTSHAND POV:

Nakaupo kami dito sa may sofa dito sa dorm habang nag nag aayos ng gamit si shuela sa dating kuwarto ni trish

"Guys, panoorin kaya natin si shuela na mag ayos ng gamit nya" biglang sabi ni shanley

"Sige ba sige" sangayon naman ni Lishshand

"Ano naman ang mapapala natin doon??" Tanong ko

"Wala lang, gusto lang naman namin eh" sabi ni shanley sabay akyat sa taas at pumunta sa kuwarto ni shuela




SHANLEY POV:

Nakasilip lang kami ni lishshand sa pintuan ng kuwarto ni shuela at habang sya ay nag aayos

Nang malapit na si shuela na matapos ay bumaba na kami at umupo sa tapat ng sofa 

"Shuela!!" Tawag ko nang makita ko si shuela na pababa na 

"Halika dito" sumunod naman sya sa sinabi ko

"Alam mo na ba yung tungkol sa racing na gaganapin??" Tanong ko, tumango sya bilang sagot

"Pano mo nalaman eh wala ka naman doon kanina??" Takang tanong ko 

"Kakasabi mo lang na may gaganapin na racing" sagot nya

"Eh oo nga sinabi ko nga, gusto mo bang ipaliwanag ko??" Tanong ko sa kanya

"Hindi ako interesado sa racing" sabi nya sabay alis at pumunta na ng kusina

AGENT'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon