CHAPTER 23:

81 4 0
                                    

SHANLEY POV:

Natawa kami dahil sa sinabi ni alister samin na panaginip lang pala nya yung sinagot sya ni shuela hahahahaha epic yun

Andito nga pala kami sa room at wala pang prof kaya maingay pa pero si shuela ay hindi, nakayukyok lang sya sa desk nya habang naka earphone, natutulog ata si shuela eh

"Ok class!!" sabi ng prof na papasok sa classroom namin kaya nag sibalikan na yung classmate ko sa kanyang kanya nilang upuan pero si shuela ay nakadukdok pa rin

"I have an announcement!!... My gaganapin na TAEKWONDO TOURNAMENT at mag hahanap kami ng representative bawat isang classroom kaya sure akong marami ang makakalaban nyu kung sino man ang mapipili bilang representative ng ating classroom" mahabang paliwanag ni prof kaya nagsimula ng mag bulungan yung mga clasmate namin pero gaya kanina ay nakadukdok pa rin si shuela sa desk nya

"Silent class!! Silent!!" Sigaw ni prof kaya tumahimik yung classroom

"Mag bobotohan tayo kung sino yung ipanglalaban natin kaya naman sabihin nyu na kung sino ang gusto nyu, just raise your hand" sabi ni prof, ang dami ng taas

"Prof. Si shuela po!!"

"Si shanley po!!"

"Si alister po!!"

"Eugene!! Eugene!!"

"Ok...ok... Isusulat ko kung sino yung mga sinasabi nyu" kaya nag sulat na si prof. Ang unang una ay si shuela kaya tumingin ako kay shuela na ngayon ay napangulambaba na sa desk nya habang bored ang tingin sa harap at yun na nga nag botohan na

*RESULT*

Shuela-15
Ako-4
Alister-6
Eugene-5

30 lang naman kami sa loob ng classroom kaya ang panalo ay si shuela

"Shuela!! Payag ka ba??" Tanong ni prof kay shuela

"Hindi" cold na sagot ni shuela kaya napasinghap ako kasi para syang si shuela yung first meet ko sa kanya

"Bakit??" Tanong pa ni prof

Ayoko" ang cold talaga ng sagot nya

"Bakit?? Give me a valid reason" mataray na sabi ni prof pero mukhang walang talab kay shuela yun kasi bored pa rin yung tingin nya kay prof

"Wala akong sa mood" cold pa rin na sabi ni shuela

"Kahit sa ayaw at gusto mo sasali ka" sabi ni prof kay shuela

"Gusto mo bang may maburol na istudyante??" Cold na tanong ni shuela

"Ha?? What do you mean??" Tanong ni prof

"Pag sinabi kong ayoko ko, ayoko hindi mo ako kailangang pilitin" cold na sabi ni shuela sabay tayo at nag dare-daretsong lumabas ng classroom

Nag taka ako sa inasal na yun ni shuela pero napatingin kami sa bintana ng may marinig kaming kalabog doon at sabay ang pagbukas ng malaka nang pinto at kasabay nun ay tumalsik si shane papasok ng classroom namin

"Hinahamon talaga ako, ano??" Cold na sabi ni shuela habang nag lalakad papasok ulit ng classroom namin papalapit kay shane. Pag karating nya sa harap ni shane ay kinuwelyuhan nya ito at binuhat

"Ang lakas ng loob mo kahit hindi mo kilala yung kinakalaban mo" cold na sabi ni shuela kay shane pero si shane ay hindi makapagsalita dahil na sasakal na sya

"Si-sino ka hi-hindi n-na i-ikaw yu-yung shuela n-na ma-mahina" nahihirapan na sabi ni shane

"Sino ako?? O ano ako??" cold na tanong ni shuela

AGENT'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon