CHAPTER 29:

92 2 0
                                    

THIRD PERSON POV:

Nag hahanda na si Shuela para sa kanilang mission, nag suot na siya ng kanyang agent suit pagkatapos niyang maligo at nag ipit na rin siya pag katapos niyang tuyuin ang kanyang mahabang buhok

Sinuot niya ang kanyang earpiece para may communacation sila habang nasa mission sila. Pagkatapos mag handa ni shuela ay kinuha niya na yung sniper niya at saka lumabas ng agent section at nagtungo sa parking lot ng society nila

Pagkarating ni Shuela sa parking lot ay kumpleto na tanging siya na lang ang hinihintay

"Tara na, paalis na daw si Mr. Hendrickson" sabi ni Trixx saka pinakita yung smartwatch niya

Sumakay na silang lahat sa kotse maliban kay Shuela na sumakay sa kanyang motor habang naka sukbit yung sniper niya sa balikat niya at saka pinaandar patungo sa kumpaya ni Mr. Hendrickson

pagkat sa kumpanya daw natulog si Mr. Hendrickson kaya doon tutungo sila shuela maliban kay Bloodlust na tutungo sa private plane ni Mr. Hendrickson

Pagkarating nila sa kumpanya ni Mr. Hendrickson ay pumunta si Shuela sa pinakamataas na building na siyang katapat ng kumpanya ni Mr. Hendrickson

Dahil mas maganda ang view doon, kitang kita niya ang lahat dahil nasa mataas na parte siya

Inayos ni Shuela yung sniper niya pag kaakyat niya sa rooftop, tumingin si Shuela sa ibaba at sobrang taas nito pero walang nararamdam si Shuela na pagkalula dahil sanay naman na siya

Dumapa si Shuela at saka tumingin sa scope ng sniper niya at tumingin sa paligid para i-check kung meron bang sniper na galing sa assasin

'panigurado akong hindi lang siya nag iisa' sabi ni Shuela sa isip niya

Sa pag lilibot ni Shuela sa paligid gamit ang scope ng sniper ay may nakita siya sa kabilang building na sniper, hindi nag dalawang isip si Shuela at pinaputukan niya yung isa pang sniper na alam niyang sa kalaban yun

"Clear" sabi ni Shuela sa earpiece niya

Nang makita ni Shuela na lumabas na si Mr. Hendrickson sa kanyang kumpanya ay nakatingin lang siya dito dahil alam niyang wala ng sniper sa paligid

Hanggang sa makasakay si Mr. Hendrickson at makaalis sa kumpanya ay walang nangyaring masama at ibig sabihin tapos na ang ginampanan ni Shuela kaya umupo na lang siya habang nakapikit

Malamig ang simoy ng hangin pagkat madaling araw palang, tumingin si Shuela sa agent watch niya at 4:30 am ang oras

Naramdaman ni Shuela na may papasok sa rooftop pero hindi niya iyon pinansin pagkat alam niyang wala namang gagawing masama yung taong papasok sa rooftop

"What are you doing here??" Tanong ni Shuela sa babaeng pumasok sa rooftop

"Ohh Hey there!! Agent Stoneheart" bati kay Shuela nung babaeng pumasok sa rooftop

"What are you doing here??" Tanong ulit ni Shuela gamit ang kanyang malamig na boses

"I miss you"

Tumingin si Shuela sa babae at expected niya na may maskara itong suot na tanging mata lang ang nakikita

"What do you really want??" tanong Shuela

"Nothing" simpleng sagot ng babae

"Just get lost, Coldhearted" sabi ni Shuela

"You don't miss me??" parang batang tanong ni Coldhearted at umiling naman si Shuela

AGENT'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon