CHAPTER 33:

97 2 0
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Nagising si Shuela nang may umalog sa balikat niya at alam niya kung sino 'yun dahil na rin sa amoy

"Ano ba, Coldhearted!!" Iritang sabi ni Shuela

"Anong coldhearted ka d'yan!! Nababaliw ka na ba??" Napamulat si Shuela nang marinig niyang nag salita si Jane

"Ha?? Wala na naginip lang ako" pag da-dahilan ni Shuela saka bumangon at bumaga ng hangin

'Bwisit!!! Bakit kasi kaamoy ni Jane si Coldhearted??'

"Bumangon ka na dahil may bisita sila Tita Guilla" sabi ni Jane, tumango lang naman si Shuela saka ginawa ang kaniyang morning routine bago lumabas ng cottage nila

Hinanap niya ang rank ten at natagpuan niya ito sa labas ng isang restaurant kaya nagtungo siya roon habang iniipitan niya ang kaniyang mahabang buhok

"Good morning" agad na bati sa kaniya ni Alister at tanging tango lang ang binalik niya kay Alister

Pumasok na sila sa restaurant at may nakita si Shuela na mga hindi pamilyar na nga mukha pero may isang mukha ang pamilyar sa kaniya ngunit hindi nga lang alam kung saan ito nakita

"Goodmorning, Tita Guilla" malaking ngiti ang bati nung babaeng pamilyar kay Shuela 'yung mukha

"Morning" agad na napatingin si Shuela kay Mrs. Javier dahil ang cold ng boses nito at walang ka-emo-emosiyon ang mukha nito

"What are you doing here, Samantha??" Napabaling naman 'yung tingin ni Shuela kay Mr. Javier bago malapit sa babaeng pamilyar sa kaniya ang mukha

'Samantha??'

'Pamilyar, saan ko nga ba'to nakita??'

Madaling makalimot si Shuela sa mga bagay na hindi naman importante kahit sa mga tao. Wala naman kasi siyang pake sa tao na wala namang importansiya

"I just wants to visit" napangiwi Shuela dahil sa 'Wants' na dapat ay 'want' lang

"Really??" tanong ni Mrs. Javier at tumango naman itong si Samantha "You may leave now, nakabisita ka na kaya makakaalis ka na" napaawang ang labi ni Samantha dahil sa sinabi ni Mrs. Javier

"But, Tita, i wants to stay" sabi ni Samantha

"Ok" 'yun lang ang sinabi ni Mrs. Javier at saka umalis na sa restaurant kasama si Mr. Javier kaya ang rank 10 na lang ang natira sa restaurant

"Shuela right??" Napatingin si Shuela kay Samantha

"Yeah" simpleng sagot ni Shuela kay Samantha

"I wills going to get Alister from you" napakunot ang noo ni Shuela dahil sa sinabi ni Samantha

"Uhmm ok??" pasimpleng kinagat ni Shuela ang ibabang labi niya para pigilan ang sarili niyang matawa

"I promise that, you'll see. Alister is all mine" napangiti na lang si Shuela hindi dahil sa mali mali ang english nito kundi sa nakikita ni Shuela

Ang cute nga ni Samantha para kay Shuela pero napapangiti siya dahil 'yung expression ni Samantha ay desidido talaga ito ngunit ang mata niya ay kabaliktaran ang pinapakita

'Ang cute niya, putchaa!!'

Lumapit si Shuela kay Samantha saka pinisil ang dalawang pisnge nito "Ang cute mo pag nag e-english ka" nakangiting sabi ni Shuela saka umiling iling habang nag lalakad papalabas ng restaurant

AGENT'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon