CHAPTER 26:

94 3 0
                                    

LISHSHAND POV:

Muntik na akong umiyak kanina nung tinakot ako ni Eugene, epal talaga yung babaeng yun kahit kailan

Pero natawan ako nung sumigaw si Shuela, akala ko hindi siya natatakot rito pero grabe yung sigaw niya may echo pa naman

Ngayon ay naglalakad pa rin kami, hindi namin alam kung saan kami patutungo basta sundan lang namin si Shuela

nang biglang huminto si Shuela kaya napahinto rin kami at tumingin sa likod niya dahil medyo maliit ako at si Shuela naman ang pinakamatangkad saming babae tapos si Shanley ang pinakamaliit, sunod naman ay ako, sunod si Jane at si Eugene

"Ano meron??" Tanong ni Gilthunder

"May pintuang nakaharang" sagot ni Shuela

"Ha?? Bakit may pintuan diyan??" Tanong ko naman

"Malay ko, ako ba gumawa nito" pambabara ni Shuela sakin

"Sabi ko nga" sabi ko dahil wala na akong masabing iba pag ako ay nabara na ni Shuela

Lumapit si Shuela doon sa may pinto at tinanggal yung alikabok dahil siguro ay matagal na itong underground na ito

"Eh??" Napatingin kami kay Shuela nang mag salita siya

"Bakit??" Tanong ni Shanley

"May nakasulat" sabi ni Shuela

"Ano naman??" Tanong ni Sky

"Rank 15" simpleng sagot ni Shuela

"anong rank 15??" Tanong ni Hauzer at nagkibit balikat lang si Shuela at saka binuksan yung pintuan

Isang madilim na lugar ang bumungad saming sampo pero gulat kami nang biglang isa't-isang bumukas yung mga ilaw

At nang tuluyan nang lumiwanag ay nakita naming may mga taong nakaitim na nakatayo

"WELCOME RANK 10!!" Sabay sabay nilang sabi kaya medyo napaintag ako

"Anong meron dito??" cold na tanong ni Shuela

"Tama nga yung sinabi nila na Cold ka" sabi nung isang babae

"Who are you??" Tanong ko

"Lishshand, ikaw pala yan, musta na??" nagulat ako dahil may isang lalaki ang nangamusta sakin

"Sino ka??" Tanong ko rito

"Anong meron sa lugar na ito??" Tanong ulit ni Shuela

"Gusto mong malaman??" Tanong nung babaeng parang leader

"Tinatanong kita diba?? it means, gusto ko" cold na sagot ni Shuela

"Ok sige, ilabas siya" utos niya doon sa isang babaeng katabi niya bahagya namang yumukod yung katabi niyang babae bago tumalima sa utos nung parang leader

"TRISH!!" sabay sabay naming sigaw nang makita namin kung sino yung inilabas nila

"Ano ang ginawa nyu sa kaniya??" Tanong ni Shuela

"Nalaman niya itong lugar na'to" sagot nung parang leader nila o siya talaga yung leader nila

"Oh ano naman kung nalaman niya??" tanong naman ni Shanley

"Forbidden ang lugar na'to" sagot niya

"Kahit na, hindi nyu siya kailangang bugbugin ng ganyan" cold na sabi ni Shuela sabay turo kay Trish na dumadaing dahil sa mga sugat sa pam bubugbog sa kaniya

AGENT'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon