CHAPTER 31:

103 2 0
                                    

SHUELA'S POV:

Nagising ako dahil sa alarm clock na nasa bed side table, dumukwang ako para patayin ito at napatingin ako sa taong katabi ko

Medyo nasasanay na ako na katabi ko siya sa kama, tulog na tulog pa. Bumangon ako sa kama at nagtungo sa banyo para mag toothbrush at mag hilamos.

Nang lumabas ako sa banyo ay pumunta ako sa cabinet kung saan niya tinago yung laptop niya kahapon

Nakita ko kung saan niya tinago yung susi ng cabinet kay nabusan ko yung lock at kinuha yuny laptop ni Alister sa loob ng cabinet

Umupo ako sa study table niya at saka nag simulang kalikutin yung laptop niya. Tinignan ko yung last file na hindi ko nabuksan kahapon

At tama nga ako na picture ko yung mga laman nun pero nag taka ako sa isang picture ko dahil nag lalakad ako nun at alam ko nung araw na nakunan yung picture ay hindi pa kami close

At hindi ko nakita yung picture ko nang nasa gymnasiun kami, yung tinanong niya ako ng "Can you smile??" At alam kong may nag picture ng pag ngiti ko doon pero bakit wala dito??

'Hindi ba siya yung nag picture nun??'

Nagpatuloy lang ako sa pag tingin sa picture kong nasa laptop ni Aliste nang biglang may nag sarado ng laptop at nang tignan ko kung sino yun ay si Alister lang pala

"Morning" bati ko at tumango naman siya saka nagtungo sa banyo at nang lumabas ito sa banyo ay bagong hilamos na ito, lumapit siya sakin saka ako hinalikan sa pisnge

"Good morning too" bati niya sakin pabalik at naamoy ko yung mabango niyang hininga

"Alas tres palang ng madaling araw, hindi ka na babalik sa pagtulog??" Tanong ko at umiling siya bago sumago "Hindi na at saka aalis tayo"

'Oo nga pala, pupunta nga pala kami sa isang beach resort nila'

"Ohh yeah, i remember" sabi ko at inikot ko yung swivel chair na inuupuan ko paharap kay Alister na ngayon ay nakaupo sa kama niya

*TOK.....TOK.....TOK....*

Napatingin kaming parehas ni Alister sa pinto nang may kumatok doon, ako na yung nagbukas dahil humiga lang si Alister sa kama niya

Pagbukas ko nung pinto ay nakita ko na agad si Mrs. Javier "good morning po" magalang na pag bati ko kay Mrs. Javier

"Good morning too, Aalis tayo ng six kaya mag ayos na kayo" sabi ni Mrs. javier habang nakangiting nakatingin sakin

"Ahh sige po, salamat" sabi ko at nakangiting umalis siya sa harapan ko

"Heyy!! Mag hahanda na ako" sabi ko at saka namili ng susuotin saka pumasok sa banyo para maligo na

Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako ng simpleng jeans na kulay black at t-shir na kulay white tsaka rubbe shoes

"Beach ang pupuntahan natin kaya bakit naka sapatos ka pa??" Tanong sakin ni Alister pag kalabas ko ng C.R

"May pupuntahan pa kasi muna ako bago sa beach resort nyu" sagot ko, pupunta ako ng hospital

"Bali hindi ka sasabay samin patungo sa beach resort??" Tanong ulit ni Alister

"Yup, mag lalagay na lang ako ng tracking device para malaman ko kung nasaan kayo" sagot ko at tumango tango naman siya at siya naman ang pumasok sa C.R

Kinuha ko yung dalawang maletang nasa ilalim ng kama, tumayo ako at nag tungo sa cabinet ni Alister pagkat andoon yung agent suit ko

Kumuha ako ng tracking device sa agent suit ko at saka inilagay sa maleta ni Alister, dinidikit lang naman yung tracking device na yun

AGENT'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon