SHUELA POV:
*TOK... TOK.... TOK.... *
Nagising ako dahil sa katok na nag mumula sa pintuan ng kuwarto ko, martes ngayon kaya bukas na yung camp namin sa palawan
"bakit??" inaantok kong sagot nang buksan ko yung pinto
"hindi ka pa ready??" tanong ni eugene, sya kasi yung kumatok
"hindi ba obvious??" tanong ko
"magbihis ka na nang uniform natin" sabi nya sakin kaya naman ay nag taka ako kasi may pasok pa rin kahit na may camp bukas
"ha?? may pasok??" tanong ko sa kanya
"meron pero half day lang daw kasi sa hapon na daw tayo mag ready para sa camp natin bukas, kaya naman ay mag bihis ka na dahil baka ma late tayo" sabi nya sakin kaya naman ay sinarado ko na yung pinto at nag ready na
pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako ng uniform namin dito sa J.U at nang matapos na ako sa lahat na kailangan kong gawin ay bumaba na ako, at doon ko sila nakita na nag hihintay sakin sa may sala
"Tara na, kumpleto na tayo" aya samin ni shanley nag sitanguan naman kami at naglakad na papalabas ng dorm namin
lumipas ang apat na oras at labasan na namin at ngayon ay pupunta na kami sa parking lot
"isang kotse lang ba yung gagamitin natin??" tanong samin ni lishshand pag karating namin sa parking lot
"ano sa tingin mo??" tanong ko sa kanya
"hindi naman tayo mag kakasya sa isang sasakyan lang, so pwedeng dalawa diba??" tanong nya saming lahat
"wag ka nang mag tanong" ani ko sa kanya
"bakit naman??" tanong nya sa sakin
"wala namang kwenta eh" sabi ko kaya naman ay napanguso na lang si lishshand
"Straight to the point ka talaga kung mag salita shuela" sabi sakin ni sky pero hindi ko na lang sya pinansin
"ganto na lang guys, bawat isang kotse dalawang tao parang yung ginawa natin nung papunta tayo sa racing" suggest ni Gilthunder
"nanaman?? o baka gusto mo lang talagang masolo si Shanley??" mapang asar kong sabi sa kanya
"ah? at bakit naman??" tanong nya pero hindi ko na sya sinagot at nag sisakayan na sila sa kotseng gusto nilang sakyan kaya ang ending ay si alister nanaman yung kasama ko
"let's go" pag aaya nya sakin kaya naman ay tumango na ako at pumasok na sa kotse nya
habang nasa byahe kami sa sobrang tahimik kasi wala namang gustong mag salita saming dalawa
"so, ano bibilhin mo pag dating natin sa mall??" tanong nya bigla sakin
"libro na pwedeng basahin" sago ko sa tanong ni alister
"yun lang??" tanong nya ulit
tumango na lang ako bilang sagotpag dating namin sa mall ay humiwalay ako sa kanila sapagkat mag kaiba kami ng mga gusto. Nagtungo ako sa book store at habang tumitingin ako sa mga libro doon ay may nabangga ako kaya napatingin ako kung sino yung nakabangga ko at kung minamalas nga naman ay si shane pa ang nakita ko, ang aking pinsan na ubod ng arte
"Hi shuela" maarteng bati nya sakin at saka ako pinag masdan mula ulo hanggang paa
"Nag aaral ka sa Javier university" gulat na sabi nya at sa hindi pa nga ako nag papalit ng uniform kaya nalaman nya na sa J.U ako nag aaral
"Ano naman??" cold kong tanong
"Pano ka napasok?? siguro nilandi mo yung dean or kaya yung may ari" nakangising sabi nya