CHAPTER 22:

81 3 0
                                    

THIRD PERSON POV:

Nang sumapit ang ikatlo ng hapon ay naghanda na si shuela sapagkat ay ito na ang pinakahihintay nya ang magkita sila nung taong makakasagot sa mga katanungan nya

3:30 ng hapon ay lumabas na si shuela at nag tungo sa parking lot para kuhain yung motor ni alister, hinaram nya kasi ito kay alister kanina kaya ngayon ay pupuntahan nya na

Nag drive na sya patungo sa star coffee shop kahit medyo ay kinakabahan sya ay nagawa pa rin nyang mag maneho ng maayos. Nang makarating sya sa tapat ng star coffee shop ay nakita nya na walang katao tao sa loob pero may isang babae ang nakaupo sa isa sa table na naroroon

Pumasok na sya at saka umupo sa harap ng babaeng nangangalang margareth

"Kamusta, shuela??" Tanong ni margareth kay shuela

"Sabihin mo na ang kailangan kong malaman" malamig na sabi ni shuela kaya napangisi si margareth

"Manang mana" bulong ni margareth ngunit narinig pa rin ito ni shuela

"Just straight to the point" sabi ni shuela kaya napabugtong hininga si margareth at saka tumitig kay shuela mata sa mata

"Mag tanong ka at sasagutin ko ng honest" sabi ni margareth

"Bakit ganon yung apelido ko?? Panong nangyari yun?? Panong nangyari na isa akong torcillon kahit na ampon ako?? Anak ba ako ni mama sa pagkadalaga nya??" Sunod sunod na tanong ni shuela

"Alam ko sa bawat daan ng mga araw ay unti unti mong binabaon sa kalimot ang mga alala ng mama mo na si shiela at unti unti mo na ring tinatanggap na patay na sya at hindi ka na muli pang mag hahanap ng hustisya ngunit sana pag sinagot ko ang mga tanong mo ay wag kang mag bago" sabi ni margareth, hindi sumagot si shuela dahil hindi rin nya alam kung kaya nya bang wag mag bago

"Una kaya ganon ang apelido mo ay anak ka ng kapatid ng mama mo, actually twin sister sila at kung pano ka napunta kay shiela ay dahil PINATAY DIN ang tunay mong ina, walang nakakaalam kung sino ang pumatay sa kanya. Three months ka palang ng pinatay ng kung sino ang iyong tunay na ina. Nang mangyari iyon ay andoon ako mismo sa bahay nyu pero wala akong nagawa kundi ang protektahan ka kasi yun yung bilin ng mama mo sakin" pag kukuwento ni margareth at nag simula ng manggilid ang luha ng shuela dahil sa mga naririnig

"Tinatanaw kita mula sa malayo habang sinasabi ang mga katagang 'Kung andito ka lang sherelyn sigurado akong masayang masaya ka sa piling ng anak mo'. Natutuwa akong panoorin ang iyong pag laki dahil nakikita ko ang mama mo sayo, isang maganda, matalino at matapang na babae. Nung oras na kinuha ka ni javier para gawing isang agent ay tuwang tuwa ako dahil tinatahak mo ang kaparehas ng landas na dinaanan din ng mama mo. Nang nalaman kong namatay din si shiela ay alam kong malungkot na malungkot ka pero wala akong magawa. Ginawa ako ang lahat ng makakaya ko para hanapin kung sino ang pumatay sa dalawa mong mama pero wala akong nakita kahit isang detail man lang" sabi ni margareth, yumuko si shuela at sabay ng pagpatak ng luha nya na dumaloy sa pisngi nya

"Bakit ganon?? Ano ba ang kasalanan ko?? Bakit kailangang mangyari ang mga bagay na nangyari?? Gusto ko lang naman ay yung normal na buhay katulad ng iba ngunit bakit naging ganto, hindi ko gusto to ang gusto ko ay yung malaya ako at walang pangamba sa loob ko na baka may mangyaring masama. Gabi gabi pinapatay ako ng bangungot. Bawat araw ay iniisip ko kung worth it pa ba akong mabuhay pero sa tuwing naiisip ko ang rank 10 ay gusto ko na agad na matapos ang kalbaryo ng buhay ko para maging malaya na ako kasi sakal na sakal na ako, hirap na akong huminga" umiiyak na sabi ni shuela

"Sa totoo lang ay naiinggit ako sa mga taong normal ang pamumuhay, lagi kong sinasabi sa sarili ko na sana ganun na lang yung buhay na meron ako, masayang kasama ang kaibigan at ang magulang Ngunit kabaliktaran ang nangyari sa buhay ko na parang may mabigat na bagay ang lagi kong dala. Walang maasahan kundi ang sarili, minsan nga naisipan ko nang mag pakamatay ngunit sabi ko kasalanan ang pagkitil ng sariling buhay kaya kahit anong sakit kailangan kong kayanin" sabi ni shuela habang nakangiti at tumutulo pa ang mga luha

AGENT'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon