SKY BLAKE POV:
Napatingin kami sa pinto ng dorm nang ito ay bumukas at pumasok si alister at shuela na halata mong kagagaling lang sa pag iyak
"Anong nangyari??" Tanong ni shanley pero iling lang ang natanggap ni shanley mula kay shuela
May inabot namang itim na folder si alister kaya kinuha namin ito at binasa
*ADAPTION PAPER*
Yan ang unang bumungad samin kaya hindi nanamin tinuloy pa ang pag bukas sapagkat alam na namin kung ano yun
"Ok lang yan shuela" sabi ni eugene
"Kaya pala nung pagkatapos mamatay ni mama ay iniwan nya lang ako ng basta basta kasi hindi nya ako totoong anak" sabi ni shuela
"Halos mamatay na ako gutom nung mga oras na iniwan nya ako mag isa sa bahay namin dati" dag dag pa ni shuela sa kanyang mga sinasabi
"Bakit kailangan nya akong ganunin??" Tanong ni shuela
Iyak lang ng iyak si shuela sa balikat ni alister hanggang sa makatulog na si shuela kaya binuhat na sya ni alister at saka ipinunta sa kuwarto nito
"Grabe, hindi natin akalain yun" sabi ni lishshand, tama naman hindi namin inaasahan yun
"Mawawala rin yung sakit na yun, palipasin na muna natin yung sakit sa damdamin ni shuela" sabi ni jane, may point sya
Kahit mismo si shuela hindi nya kilala yung sarili nya kami pa kaya?? Kilala na ba namin nanv lubusan si shuela?? Parang hindi pa
*KINABUKASAN*
Nagawa ko na ang morning routine ko kaya bumaba na ako at doon ko naabutan si shuela na nakatingin sa itim na folder na kung saan nakasaad na isa lang syang adaption child
"Shuela!!" tawag ko sa kanya
"Hmmm??" Sagot nya nang hindi nakatingin sakin
"Bakit mo pa yan tinitignan??" Tanong ko
"May pinagtataka lang kasi ako" sagot nya sakin habang nakakunot yung noo nya, nada harapan nya na ako
"Ano naman yun??" Napatingin ako sa hagdanan nang may nagsalita doon at si alistet pala yun
"Yung apelido ko sa totoo kong pangalan" sagot ni shuela
"Anong meron doon??" tanong ni shanley na kararating lang dito sa sala kasunod ni alistet
"Shuela torcillon ang totoo kong pangalan tapos yung sa mama ko ay shiela T. Adepec at doon sa sulat na ipinadala sa hideout ko na nakalagay sa loob ng isang puting sobre, sherelyn torcillon ang pangalan ng totoo kong nanay" sabi ni shuela na hindi ko na gets
"So, what's your point about it??" Tanong ni alister, andito na silang lahat sa sala
"Ang apelido ng mama ko nung dalaga palang sya ay torcillon, pwedeng maging anak nya ako nung hindi pa sila kasal ni papa" paliwanag ni shuela"Sabihin na nga nating na ganon yun pero sa oras ng ikinasal ang mama mo sa papa mo ay hindi ka na ampon nun kundi totoo ka na nilang anak" sabi ni jane
"Pwedeng peke lang yang adaption paper na yan" sabi ni shuela
"Pwede pero pwede rin namang totoo ito" sabi ni gilthunder
"Ang gulo, panong nangyari na isa akong torcillon kung ampon lang ako, wala namang kapatid si mama" sabi ni shuela na halata mong naguguluhan na sya
"Isa lang ang mamasagot nyan" sabi ni alister
"Sino??" Tanong ni shuela
"Yung nag padala sayo ng sulat, paniguradong may alam sya" sabi ni alister, saan naman hahanapin yung taong nag padala nun
"Hindi ko alam kung saan hahanapin ang panthom black assasin organization" sabi ni shuela
"Wala kang alam kung nasaan ang hideout or kung nasaan sila na kalocate??" Tanong ko, umiling lang sya
'Ang hirap ngang hanapin yun kasi wala kaming lead kung saan yung mismong location' sabi ko sa isip ko
"I- hack mo kaya yung main frame nila" suggest ni jentshand
"Masyadong magaling yung may hawak ng main frame nila at hindi ko kayang pasukin" sabi ni shuela
Pano namin hahanapin yun, ano bayan nakakainis namanNakatingin lang kami kay shuela na nag iisip kung pano nangyari yun nang biglang bumukas yung pinto ng dorm namin at pumasok si lea na nakangiti pero nawala rin yung ngiti nya nang makita nya si shuela na malungkot
"Lea" bulong na tawag ni shuela kay lea at saka tumayo at pinuntahan si lea
"May papagawa ako sayo" sabi nya kay lea habang nakahawak sa dalawang balikat ni lea
"Ano yun??" Tanong ni lea kay shuela
Umakyat sa taas si shuela at pag balik ay dala nya na yung laptop nya
"I-hack mo yung main frame ng B.P.A.O" Sabi ni shuela at kinuha naman ni lea yung laptop ni shuela at nag simula na
Mabilis lang napasok ni lea yung main frame ng Black panthom assasin organization
"Shuela mas magaling pala sayo si lea sa pang ha-hack" sabi ni shanley, tumango lang si shuela
"Ahh hindi naman, mas magaling pa rin si ate kaysa sakin" sabi ni lea
"Pero bakit hindi daw ma hack ni shuela yung main frame??" Tanong ni lishshand
"Alam nyu kasi, kaya nagawa kong i hack yung main fame ng B.P.A.O ay dahil walang nag babantay nito ngayon" paliwanag ni lea
"Araw araw may nag babantay nun" singit ni shuela sa usapan
"Wala ngayong araw kasi andito ako kaya wala" sabi ni lea kaya nagulat kami, so ibig sabihin ba ay
"ikaw yung may hawak ng main frame nila??" Tanong ko at tumango naman sya
"awww" daing nya kasi kinaltukan sya ni shuela
"Kaya naman pala nahihirapan ako i-hack kasi ikaw yung may hawak" sabi ni shuela
"Hindi ka magagalit sakin ate shuela dahil nag tra-trabaho ako doon??" Tanong ni lea at umiling lang si shuela
"Bakit??" Tanong ulit ni lea
"Malaki ka na" simpleng sagot ni shuela at sinimulang mag hanap sa mga file na meron ang B.P.A.O
"bakit pa ako nag hahanap?? Pwede naman akong magtanong sayo" baling ni shuela kay lea
"Nang ano ate??" Tanong ni lea
"Sino yung nag padala ng sulat sakin??" Deretsong tanong nya kay lea
"Si tita margareth" sagot naman ni lea
"Magareth??" Tanong ni shuela
"Margareth Mannwes" sagot ni lea
"Saan ko sya makikita??" Tanong ni shuela
"Mag hintay ka na lang" simpleng sagot ni lea
"Anong---" hindi na natuloy ni shuela yung sasabihin nya nang tumunog yung cellphone
"Ayan na yung sinasabi kong hintayin mo kasi sya na mismo ang mag sasabi sayo para mag kita kayo" sabi ni lea
"So, alam mo lahat ng plano nya??" Tanong ni shuela at tumango naman si lea
"Bakit hindi mo sinabi sakin lahat?? Alam mo rin bang ampon ako??" tanong ni shuela, umiling naman si lea