CHAPTER 41:

99 6 0
                                    

SHUELA'S POV:

Napapantastikuhang tumingin sakin si Coldhearted dahil nanood lang ako

"Hindi mo 'man lang ako tinulungan" asik nito sakin, nakita ko ang pag talim ng kaniyang mata dahil kahit naman nakamaskara ito ay kita ko pa rin ang kaniyang mga mata

"Kaya mo naman bakit pa kita tutulungan??" tanong ko saka umingos at bumalik sa kusina, naupo sa isang high stool

"Ang sama mo" nakangusong sabi ni Coldhearted sakin

"Refering to yourself" nakangising sabi ko at lalo pa itong ngumuso, bumabakat ang labi niya sa kaniyang mask

"Heh!! Ewan ko sayo" inis na sabi ni Coldhearted saka pumasok sa kusina

Pagpasok nito ay napatingin si Coldhearted sa dining table na may gatas

"Bakit hindi ka nagluto??" tanong niya sakin kaya umirap ako

"Mukha ba akong marunong??" sarcastic na tanong ko at tumawa naman ito habang patungo sa stove

"Kawawa ka naman" umirap naman ako sa sinabi nito, wala akong pake kung marunong siya or what

"Just cook na lang kung marunong ka" giit ko saka naghalukipkip sa may counter bar habang nakatingin kay Coldhearted

"Oo na..... Oo na" sabi nito at saka nag simula na siyang mag handa

Tumayo ako at lumabas sa kusina, nakita ko ang babae kanina na nadapa sa sahig. Nilapitan ko ito at saka sinipa ng marahan

Bumalik ako sa kusina at nakita kong nag luluto na si Coldhearted habang may maskara pa rin kaya naman napangiwi ako

'Ganon ba talaga niya kaayaw ipakita mukha niya??!'

"Why don't you try to remove your mask??" tanong ko pero umiling naman ito kaya umupo na lang ako sa dining chair habang nanonood sa likod ni Coldhearted

Pamilyar ang likod niya, pamilyar din ang mata niya, pamilyar din ang labi niya pati na rin 'yung hubog ng katawan niya

Lahat pamilyar pati boses niya pero hindi ko alam kung saan ko ba ito nakita. 'Yung amoy naman niya ay kaamoy niya si Jane pero sa amoy lang naman

"Staring is rude, Shuela" napakurap ako at umiwas ng tingin, tinuon na lang ang paningin sa basong pinaglagyan ko kanina ng gatas

'Bakit kaya lahat sa kaniya ay pamilyar??'

Napakurap ako dahil sa paglapag ng plato ni Coldhearted sa harap ko na may laman ng pagkain na niluto niya

"Thanks" simpleng pagpapasalamat ko sa kaniya pero tumawa lang ito kaya napa-angat ang tingin ko

"Why are you laughing??" tanong ko at lalo naman siyang tumawa kaya kinuha ko ang kutsara sa platong nasa harap ko saka binato kay Coldhearted na agad naman niyang nailagan

"Ang brutal mo talaga" ani niya at nakita ko ang kaniyang mga mata na masaya siya kaya naman tumayo ako para kumuha ng panibagong kutsara bago bumalik muli sa kaninang pagkakaupo saka nagsimula ng kumain

Habang kumakain ako ay naglapag din ng kaniyang sariking plato si Coldhearted sa kaliwang bahagi ko at saka doon umupo

"Masarap ba??" Tanong nito sakin pero hindi ako sumagot "Hoy!! Sumagot ka naman, Shuela" parang batang pangu-ngulit niya sakin at may pag alog-alog pa saking nalalaman

"Hindi!!" pag sisinungaling ko para magtigil na siya nakakairita na

"Huh?? Anong.... Anong hindi masarap??" nakakunot noong tanong niya habang nakanguso pa kaya nag mumukha siyang bata, natawa ako sa itsura niya

AGENT'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon