SHUELA'S POV:
Tahimik lang ako habang hila-hila ako ni Alister, buti nga't hindi niya napapansin ang kakaibang tahimik ko eh. Naiinis ako dahil sa chat niya sakin kagabi, ang sarap sakalin eh!!
"What do you want for Breakfast??" Tanong nito sakin saka bumaling sakin ng saglit at agad din naman tumingin sa harap
"Anything" cold na sagot ko, tumigil ito saka humarap sakin na may pagtatakang tingin
"You ok??" Tanong nito at tumango lang ako bilang sagot kaya nangunot na 'yung noo niya
"Bad mood??" Tanong ulit nito sakin at kibit balikat ang sinagot ko kaya napabugtong hininga ito saka ako hinila papalapit sa kaniya at yinakap ng mahigpit "May problema ba tayo?? Tell me, do we have a problem??"
'Bakit ba gan'to 'to magtanong?? Tinanong na nga ng tagalog tatanungin pa sa english, tch!...'
"Nothing" cold na sagot ko saka kumawala sa yakap niya
"By the way, mag o-online ka ba mamayang gabi??" Nag tatanong na tumingin ako sa kaniya
"What do you mean??" Tanong ko, alam niya ba??
"I know na ikaw 'yung ka-chat ko kagabi at hindi mo ni-seen ang last chat ko sayo" sagot niya saka kinuha niya ang cellphone kong hawak ko saka may kinalikot doon, maya-maya ay may pinakita siya sakin
"Ito ang last kong chat sayo" sabi niya saka pinabasa sakin
*Alister:
Yeah, ka-chat ko siya ngayon
Pero nag good night na kaya naman
Good night rin sayo
.
.
.
Shuela, I love you*Napa iwas ako ng tingin sa cellphone ko ng mabasa ko na 'yung last na chat niya sakin. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakangiti ito ng nang- aasar
"Yan ba ang dahilan kung bakit ka nag tatampo sakin??" Mapang asar na tanong nito sakin, umirap ako saka nilagpasan ito at narinig ko naman na tumawa siya
"Shut up!!" Iritang sabi ko at nag tuloy-tuloy lang sa pag lalakad patungo sa nag titinda ng pancake para bumili
Habang bumibili ako ay may umakbay sakin at agad ko itong inalis dahil naiinis pa rin ako sa kaniya "Smile, Shuela, tinatakot mo 'yung tindera" siniko ko si Alister dahil sa sinabi niya
Tumatawa ito habang hinihimas ang tagiliran niyang siniko para lang tumahimik siya, nakakainis ang lakas ng tama niya ngayong araw. Pag ako talaga na bwisit ng lalaking 'to susuntukin ko talaga siya
"Bayaran mo na" sabi ko dahil wala naman akong dalang pera. Nang bayaran na ni Alister ay nauna ako sa kaniyang maglakad pero nahabol rin naman ako nito
"Hey, wag ka nang sumungalngal d'yan" sabi pa nitong si Alister pero hindi ko naman siya pinansin dahil kung papansinin ko ay maiinis lang ako at baka masapak ko pa siya
"Smile ka na, para kang sinakluban ng langit at lupa" asar pa ni Alister kaya kumunot na ang noo ko, isa pa!! Isa pa talaga makakatikim na 'to sakin
"Tawagin mo nga ako ng Kuya tulad ng tawag mo sakin sa chat" mapang asar na hiling nito sakin, tumigil ako sa pag lalakad saka humarap sa kaniya
"Hindi ka ba talaga titigil??" Tanong ko pero ngitian lang naman ako nito "Isa pa!! Susuntukin na talaga kita sa mukha" banta ko pero nginisian lang ako ng gag*
Umirap ako saka nag lakad na ulit, hinabol naman niya ako saka hinawakan ang kamay ko. Ma-trip 'tong lalaking 'to, sungalngalin ko kaya 'to
"Come on" bigla niya akong hinatak sa dalampasigan at pinasakay sa bangkay'ng nandoon "Ayoko!! Mainit, mamaya na lang pag hindi na mainit" sabi ko saka bumaba na ng bangka