ALISTER POV:
Iniisip ko pa rin kung sino yung nag text sakin na yun, dalawang araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala kung sino kasi unknown number
Nakatingin lang ako kay shuela na nag susulat ng kung ano tapos pag nakita nya akong nakatingin sa kanya todo takip sya sa ginagawa nya kaya gustong gusto kong malaman kung ano yung sinusulat nya pero hindi niya talaga ako pag bigyan
"Shuela, patingin ako" sabi ko pero umiling lang siya at saka tumalikod sakin pero nakaupo pa rin sya, nakaharap siya ngayon sa bintana kaya tumayo ako at tumungaw sa ulunan ni shuela pero bigla syang tumayo kaya tumama yung ulo niya sa baba ko
"Halaaaa!! Sorry" sabi nya saka hinimas himas yung baba ko, ang sakit kaya nun
"Ano ba kasing ginagawa mo dyan sa ulunan ko??" Tanong nya
"Gusto ko kasing makita kung ano yang sinusulat mo" sabi ko, pinakita naman niya sakin yung papel at yung nakasulat doon ay hindi ko maintindihan kasi ang panget ng sulat
"Intindi mo ba??" Tanong nya
"Hindi ko alam na panget ka pala mag sulat" nakangising sabi ko sa kanya
"Manlalait ng sulat, bakit sayo ba maganda??" Tanong nya kaya kinuha ko yung notebook kong naka patong sa desk ko
"Ayan ikaw na mag judge" sabi ko habang pinapakita yung sulat ko at nakita ko yung mukha nya na parang nalugi, ang cute lang
"E di ikaw na maganda" naiiritang sabi nya. Yung ugali nya nag iba na talaga, hindi na sya yung cold, yung mataray, sya na yung cute at childish na shuela
"Hindi ako maganda kasi gwapo ko" sabi ko habang naka ngisi
"Yabang mo" parang batang sabi nya kaya napangiti na talaga ako
"Gusto mo naman" sabi ko at nakita ko kung pano namula yung pisnge
"Tabi!!" Sabi nya sabay hawi sakin at naglakad papunta sa upuan nila Eugene kaya napangiti na lang ako
"Kayo na ba??" Tanong sakin ni Hauzer
"Siguro" sagot ko
"Bakit hindi ka sure??" Tanong ni sky
"Hindi pa niya ako sina--" nahinto ako sa pag sasalita ng bigla akong may maalala
Panong nalaman ni shuela kung anong ibig sabihin ng text na yun kung hindi nya naman alam kung pano ginawa yun.. Hindi kaya sya yung nag text, pwede rin naman
Kinuha ko yung cellphone ko at naglakad palapit kay shuela saka tinawagan yung number nang nag text sakin at
🎶I'm a mess, I'm loser
I'm a hater, I'm a user
I'm a mess for your love, it ain't new
I'm obsessed, I'm embarrassed
I don't trust no one around us
I'm a mess for your love, it ain't new🎶Dali daling kinuha ni shuela yung cellphone at saka tinigna kung sino yung tumatawag at napaangat sya ng tingin nang malaman nyang ako yung tumatawag
"Bakit ka tumatawag sakin??" Tanong nya
"Ikaw lang pala yun, pinahirapan mo pa ko" nakangising sabi ko at tatakbo na sana sya ng mahawakan ko yung buhok nyang mahaba na naka pony tail kaya sabunot sabunot ko sya ngayon
"Bitaw!! Masakit" sabi nya kaya hinila ko muna sya gamit yung buhok nya at saka hinawakan sa magkabilaang balikat, baka kasi tumakbo. Nakatalikod sya sakin habang hawak hawak ko yung balikat nya
"Bakit kailan pang sa text mo ako sagutin??" Tanong ko pero napayuko lang sya, pinaharap ko sya sakin pero hindi ko makita yung mukha nya kasi nga nakayuko sya kaya hinawakan ko yung baba nya at pinag tama yung paningin namin