SHANLEY POV:
Malakas pa rin yung buhos ng ulan kaya patuloy ang pag hahanap ko kay shuela hanggang sa mapunta ako sa may garden at may natanaw akong babae na nakatayo sa gitna habang nakatingala sa langit. Linapitan ko siya at pinayunga kaya napatingin sya sakin
"Bakit ka nag papaulan??" Mahinahon kong tanong
"Gusto ko" sagot nya
"Baka mag kasakit ka nyan, tara na" aya ko sa kanya sabay akbay ko sa kanya kahit alam kong basa sya wala akong pake
Pinunta ko sya sa dorm namin. Pag kapunta namin doon ay nagulat sila dahil sa nakita nilang basang basa si shuela
"Ito oh tuwalya" abot ni lishshand ng tuwalya kaso ayaw abutin ni shuela kaya pinatong na lang ni lishshand sa balikat ni shuela
Dumaretso kami sa may kuwarto ko at binigyan ko sya ng damit kaya pumunta sya ng banyo para magpalit
"Tanggalin mo yang ipit mo" sabi ko sa kanya pag kalabas nya ng CR
"Ayaan mo na yan" sabi nya
Hay ang tigas talaga ng ulo nya"Sasakit ulo mo pag hindi mo tinanggal" sabi ko kaya wala syang nagawa at tinanggal
Pag katanggal nya ng ipit nya ay bumagsak ang buhok nyang basa na hanggang bewang na straight kaya napahanga ako kasi ang ganda ng buhok nya, kumuha ako ng suklay at sinuklayan sya
"Ayos ka lang??" Tanong ko pero umiling lang siya
"Alam ko namang makakapasok ako ng rank 10 position" biglang sabi nya
"Pano mo naman nasabi??" Mahinahon kong tanong sa kanya
"Hindi ako makakapasok rito kung hindi ako nakapasa sa scholar ship test" sabi nya na syang nagpagulat sakin
"What?? You mean, you are the scholar??" Tanong ko, tumango sya bilang sagot kaya napaisip ako
Kung sya yung scholar it means may nangdaya sa test para hindi sya makapasok sa rank 10 position at alam ko na kung sino yun pero wla akong ibidensya pata mapatunayan na sya yung gumawa nun
SOMEONE POV:
"Hon, tignan mo to" sabi sakin ng asawa ko kaya tumayo ako at tinignan
Nagulat ako kasi may nagpadala ng sulat na ipinapatanggal yung scholar ko kaya naman ay tinawagan ko yung dean
"Hello dean" sabi ko sa kabilang linya
"Ano pong ipaglilingkod ko??" Tanong nya
"Bakit may sulat dito na nagsasaad na ipinapatanggal yung scholar ko??" Tanong ko sa kanya
"Bumagsak po kasi sya sa test na binigay ko po" sagot nya pero ayaw kong maniwala kasi matalino yung scholar ko at hindi sya basta basta babagsak ng ganon ganon lang
"Anong klaseng test ba yung binigay mo??" Tanong ko ulit
"Random subject po" sagot nya kaya napatango ako kahit hindi naman nya nakikita
"Sige salamat" sabi ko at pinatay na yung tawag
Random subject, eh mas mahirap pa ang scholar ship test kasi sa random subject, sure ako na may hindi ako magugustuhang malaman pag punta ko bukas doon
SKY BLAKE POV:
Nagtatampo ako kay author kasi ngayon lang nya ako binigyan ng pov at ng dialogo
Nakita ko si shanley na nag mamadaling bumaba at pumunta sa guest room nitong dorm namin
"Nakita nyu ba si shuela?!!" Pasigaw nyang tanong samin habang nasa loob parin ng guest room at sabay labas at tingin samin
"Hindi eh, bakit wala ba sya dyan??" Tanong ni eugene, umiling naman si shanley na nag papahiwatig na wala si shuela doon
Sa guest room kasi pinatulog si shuela na kahit gusto nyang bumalik sa dorm nya ay hindi nya binigyan ng pagkakataon ni shanley upang bumalik sa dorm nya
"Saan kaya pumunta yun??" Wala sa hulog na ani ni shanley
"Diba may deal sila ni trish baka susundin nya yun" ani ni jane elle
"Hindi pwede yun, dito lang sya!!" Sigaw na sabi ni shanley kaya naman ay nilapitan ni Gilthunder si shanley at pinakalma
Lalapit na sana si shanley sa may pinto ng biglang bumukas iyon at isang tao na hindi naming aakalaing pupunta rito
"Mommy??what are you doing here??" Tanong ko kay mommy
Oo tama kayo ng nabasa si mommy nga iyong dumating"Andito ba si shuela??" Tanong nya kaya napatingin kaming lahat sa kanya dahil pano nya nakilala si shuela
"Wala sya dito tita, tita pwede mo ba kaming tulungan??" Nag mamakaawang anas ni shanley kay mommy
"Nasan muna sya" sabi ni mom
"Walang nakakaalam tita" sabat ni lishshand
"Sige kung ganon, sumama na lang kayong lahat sakin papuntang dean office kung maari" sabi ni mom pero sinunod parin namin kahit na may pagtataka
Pag karating namin sa may dean office ay bubuksan ko na sana yung pintuan nang biglang pigilan ni mommy yun at linapit nya yung tenga kaya ginawa rin namin
"Tita, balita ko andito daw ang owner" sabi nang kung sino sa may loob pero parang ang familliar ng boses nya
"Oo nga pero wala syang alam sa ginawa natin kay shuela" tawang tawang sabi ni dean
"Buti naman na hindi nya alam na pinagpalit natin yung score ni shuela sa score ko hahahahahaha" tawang sabi ni trish, nakilala ko na sya
SHANLEY POV:
Nang marinig ko yun ay pumasok na ako sa dean office na galit yung pakiramdam ko
"Why did you do that??!!!" Sigaw na tanong ko kay trash
"What do you mean??" Utal utal nyang tanong sakin
"Don't answer my question by a question!!!" Sigaw ko sa kanya
"And you" turo ko kay dean "why?? Your the dean here in J.U and everyone knows that then why did you that to my friend??!!" Sigaw na tanong ko sa kanya"Calm down iha" pagpapakalma ni tita guilla mommy nila alister
Kaya huminga ako nang malalim"Dean and trish i want to give you a punishment understand" sabi ni tita sabay na tumango ang mag tita
"And the punishment is, dean tinatanggal na kita bilang isang dean dito sa paaralan ko" sabi ni tita
"Bakit naman po, eh hindi nyu naman kaano ano si shuela" sabi nya pa
"Scholar ko sya at may pakialam ako sa kanya" sabi ni tita na nag pagulat sa kanilang lahat maliban sakin kasi diba nga sinabi na ni shuela sakin kaya alam ko na
"At ikaw trish, mag sosorry ka kay shuela in the public place at aminin mo ang lahat na ginawa mong pagpalit ng score mo kay shuela at sabihin mo ang score mo at hindi ka na pwedeng maging isa sa rank 10 position dahil tinatanggal na kita sa pagiging rank 2 mo" sabi ni tita kat trish na maluha luha pa
+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+---+-+-+-+-+----+-+-+-+
TO BE CONTINUED