CHAPTER 27:

89 3 0
                                    

SHUELA POV:

Hinahanap ko si Alister dahil siya ang uunahin kong kakausapin at papaliwanagan ng ayos dahil mas mahihirapan ako kay Alister kasya sa walong nasa dorm dahil si Alister ang pinaka may malalim na relasyon sakin

Nakalibot na ako sa campus hanggang sa makarating ako sa garden at doon ko siya nakita na nakahiga sa ilalim ng puno, bumugtong hininga muna ako bago ako lumapit ng dahan dahan sa kanya

"What do you want??" Tanong niya agad ng makalapit ako sa kanya

"I need to explain" sagot ko, huminga siya ng malalim at saka umupo

"Sit beside me" utos niya na ginawa ko naman

"Start" sabi niya

"Ano kasi.... Kaya ko tinanggap ulit itong lincense ko na'to dahil kung tatanggihan ko ay malalayo ako sa inyo" sinabi ko na ang tunay kong rason kung bakit ko tinanggap

"Pwede ka namang maging ordinary student dito, yung istudyanteng walang iniisip kundi ang pag aaral, pamilya at kung ano ano pa" sabi niya

"Pero kasi–"

"Pero ano?? Dahil mas gusto mong maging agent ka na ikapapahamak mo pa, ganon ba yung gusto mo??" Tanong niya

"Hindi–"

"Hindi naman pala, eh bakit mo pa tinangga??" Tanong niya

"pwedeng patapusin mo muna ako sa sasabihin ko" Medyong iritang sabi ko

"Sige, sige sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero hindi ako makikinig" sabi niya saka tumayo, nairita ako sa ginawa niya. Nagpapaliwanag na nga ako pero bakit ganon pa rin siya

"BAKIT BA GANYAN KA!! PINIPILIT KO ANG SARILI KONG MAGPALIWANAG PERO BAKIT AYAW MONG MAKINIG!!??" sigaw na tanong ko sa kanya, nang gigilid na ang mga luha ko pero pinipigalan ko itong pumatak

"Wala naman akong sinabing mag paliwanag ka" cold na sabi niya

"PESTENG YAN!!! NAG SAYANG LANG PALA AKO NG LAWAY DITO EH!!" sigaw ko at tumalikod sa kanya dahil ramdam kong tutulo na ang luha ko

Ang sakit!! punyeta!! Bakit walang nag inform sakin na masakit pala!! mukha akong kawawang bata na inabanduna na ng kanyang magulang

Bakit kailangang maranasan ko itong sakit na'to?? Ang gusto ko lang naman ang protektahan sila eh bakit ganon ang isinusukli nila sakin?? Sakit ba ang kapalit ng pag protekta ko sa kanila??

"Kung hindi mo tatanggihan yan, let's break up" napatigil ang pag hinga ko dahil sa sinabi niya at napalingon sa kanya

"Ganon ganon na lang?? ganon kadali sayo?? O baka naman pinaglaruan mo lang talaga ako" umiiyak na sabi ko, sumisikit ang aking dibdib, hirap akong huminga, ang puso ko ay unti unting nadudurog. Please somebody Help me to fixed my broken heart!!!

"Masakit din sakin ang gagawin ko pero ayaw ko sa part mo ang maging agent ka ulit" sabi niya

"Nakilala mo ako bilang agent shuela o stoneheart pero bakit ngayon ayaw mo na?? Siguro napipilitan ka lang sakin, tama ako diba" sabi ko pero wala naman siya sinasabi

"I hate you" yun lang yung sinabi niya, napangiti ako ng mapait,

"Three words, nine letters but it can hurt people, like me" Sabi ko, ako na ang unang umalis dahil hindi ko na kaya

Ang bigat, ang sakit, para akong mamatay dahil sa sakit ng dibdib ko, ganto pala kasakit yun. Hindi ako na inform sana naman napaghandaan ko ito kahit papano

AGENT'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon