HAUZER POV:
Pag katapos naming kumain ay nag lakad na kami pabalik sa room at habang nag lalakad kami ay nakatingin lang ako kay lishshand na siyang katabi ko sa pag lalakad
At dahil nga sa kanya lang ako nakatingin ay nabangga ako sa poste ng hallway, putcha ang sakit sa noo
"Ayos ka lang??" Tanong ni lishshand at halatang nagpipigil nang tawa kaya napangiwi ako
"Wag mo nang pigilan yang tawa mo" sabi ko rito kaya ayun tumawa ng malakas kaya lahat ng istudyanteng dumadaan ay sa kanya napapatingin
Iiling iling na lang ako nag lakad papalayo sa kanya at siya naman ay sumunod sa akin habang tumatawa pa rin. Grabe hindi siya madaling maka move on sa isang bagay
"Hoy!! Tigilan mo na nga ang kakatawa mo, nag mumukha ka nang baliw" sabi ni Eugene kay lishshand, bangayan nanaman to panigurado
"Pake mo ba??" Tanong ni Eugene
"Sinasaway kita baka kasi isipin ng nakakakita sayo ay sabihan pa ako ng baliw yung kasama ko" asar na sabi ni Eugene
"Maka baliw ka naman wagas na wagas" sabi ni Lishshand
"Oo na... Oo na...." Sabi ni Eugene, napatingin ako kay shuela na nakapamulsa habang nauuna nang maglakad habang may earphone sa kanyang magkabilaang tenga
Pag may earphone si shuela isa lang ibig sabihin nun, ayaw niyang magpaistorbo dahil kailangan niyang mag focus sa kung ano man ang iniisip niya
Lumapit ako kay Alister na nakatingin lang sa likod ni shuela na siyang nauunang mag lakad sa aming sampo
"Hoy!!" Tawag ko rito at tumingin naman siya
"What??" Simpleng tanong nito
"Mag-isa nanaman si shuela" sabi ko rito, bumalik yung tingin niya kay shuela na nag lalakad
"May gumugulo sa isip niya at alam kong gusto niyang masagot kung ano man ang gumugulo sa kaniyang isip" sabi nito, si Alister ba'to?? Ang haba ng sinabi eh
"Sabagay" sabi ko at tahimik na naglakad patungo sa classroom
Hanggang sa makarating kami sa classroom ay naka earphone pa rin si shuela at nakatingin sa desk niya habang naka kunot ang noo at parang may binabasa siya doon kaya tumayo ako at nagtungo sa likod niya at saka tinignan yung desk niya
May nakasulat doon na sobrang liit kaya kailangan pa talaga ni shuela na yumuko ng sobra sa desk para mabasa lang ang nakasulat doon. Pag nakatayo ka ay hindi mo makikita o mababasa kaya hindi ko na pinilit na basahin kung ano man ang nakasulat doon
Saktong pag balik ko sa upuan ko ay siyang pagdating ng prof para sa unang subject sa hapon. Nag disscuss lang at nag quiz, yun lang ang ginawa namin at si shuela ay siya ang laging nakakakuha ng lowest score kaya nakakapagtaka
"Ayos ka lang ba, shuela??" Tanong ni Shanley, tapos na ang klase at ngayon ay nag lalakad na kami patungo sa dorm naming sampo
"Hmm" tanging sagot na nakuha ni Shanley sa tanong niya kay Shuela
"Sure ka?? Ikaw kasi ang nakakakuha ng lowest score sa bawat quiz natin" paniniguro ni Jane
"Yeah" sabi ni shuela, napailing ang mga babae dahil sa sobrang HABA ng sagot ni Shuela sa tanong ng dalawa
Hanggang sa makarating kami sa dorm ay tahimik kaming lahat at si Shuela ay nag dare-daretsong nag lakad papunta sa kuwarto niya
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa lumalabas si Shuela sa kuwarto niya, tinawag na siya ni Lishshand para makapag hapunan na pero wala naman daw sumagot