CHAPTER 19:

82 4 0
                                    

SHUELA POV:

*KINABUKASAN*

Papunta ako ngayon sa J.U para ipaalam kung nasaan yung rank 10 kasi kaninang maga nakita ko sa balita na nawawala daw ang rank 10 kaya napag isipan ko na pumunta sa J.U at ipaalam

7:00 in the morning ako nakarating sa J.U kasi naglakad lang ako, nasira yung motor ko dahil sa pag sabog

Pag pasok ko palang sa gate ay bulungan na ang sumalubong sakin

"Ang rank 2"

"Si shuela"

"Bakit sya lang??"

Yan yung mga naririnig kong bulungan 'kuno'

Dumaretso ako sa dean office para nga ipaalam na nasa akin ang rank 10

*TOK....TOK...TOK...*

Marahan na pag katok ko sa pinto ng dean office

"Come in" rinig kong sabi sa loob kaya pumasok na ako at nang makita ako ng dean ay nagulat sya

"Shu-shuela" gulat na banggit nya sa pangalan ko

"Hi dean" bati ko

"Good morning shuela" bati nya sakin at tinanguan ko lang sya

"Gusto kong ipatawag mo ang mga magulang ng rank 10" daretsong sabi ko sa kanya

"Ok sige wait lang" sabi nya at saka isa't isang tinawagan yung mga magulang ng rank 10

Nag hintay kami ng ilang minuto at nag sidatingan na silang lahat. Ang unang dumating ay ang magulang nila alister, sunod naman ang kay shanley, sunod naman ang kay eugene, at saka sabay sabay na damating yung kayla hauzer, lishshand at jane

"Shuela!! Ang mga anak namin kasama mo ba??" tanong ni Mrs. Villareal, ang mommy ni lishshand

"Opo pero wala po sila dito" sagot ko

"May gusto lang po akong sabihin sa inyo pero bago po yun ay please calm down" sabi na ginawa naman nila, nag siupuan na sila at kasama pala ni Mrs. Javier si Mr. Javier, ang owner department

"Safe ang mga anak nyu, nasa pangangalaga ko silang siyam kaya po wag kayong mag alala" sabi ko

"At kaya ko po ginawa yun ay para turuan kung pano ipaglaban ang kanilang mga sarili" dugdong ko pa

"Nasaan sila ngayon??" Tanong sakin ni Mr. Javier

"Sa ngayon hindi ko pa po pwedeng sabihin kung nasaan sila dahil pwede silang madamay sa kaguluhan ko" sagot ko

"Anong kaguluhan ang sinasabi mo??" Tanong ni Mrs. Cortez, mommy ni shanley

"Isa akong agent at alam kong alam nyu yung lahat at dahil nga isang akong agent ay marami na akong napatay or nahuli na masasamang tao na gustong mag revenge sakin ngayon, lalo't pat nalaman nila na tinanggalan na ako ng lisence as an agent kaya kinuha nilang apportunity iyon para makaganti sakin. Alam nilang naging malapit na sakin ang rank 10 kaya pwede nila itong gawing hostage para sakin" mahabang paliwanag ko


"Kaya tinuruan ko sila kung pano maipag tanggol ang kanilang mga sarili sapagkat ako ay aalis pag natapos na nila ang training na ipinagawa ko sa kanila" dag dag ko pa

"At saan ka pupunta??" Tanong ni Mr. Javier

"Hahanap nang hustisya" simpleng sagot ko

"Yun lang po talaga ang pinunta ko rito" sabi ko

"At alam ko rin pong may ipapalit sakin si Mr. Javier na mag babantay sa rank 10 sa oras na umalis ako" sabi ko

"Hindi mo kailangang umalis shuela" sabi ni Mrs. Danyas, mommy ni eugene

"Kailangan ko po, kasi may nag babanta rin po sa buhay ko at sa oras nang umalis ako ay hindi na mapapahamak ang rank 10 kasi ako lang naman ang target nila" sabi ko

Natahimik silang lahat dahil sa sinabi ko at totoong aalis ako pag natapos ang training nila

"Mauna na po ako at baka hinahanap na ako ng mga anak nyu" paalam ko at bahagyang yumuko at saka lumabas na

Nang makarating ako sa hide out ay dumaretso na agad ako sa training room kasi 8 na nang umaga kaya kailangan andoon na sila

Pag kabukas ko ng pinto nang training room ay nakita ko silang siyam na may sari sariling ginagawa

Pumunta ako kay shanley na sinusuntok yung punching bag

"Shuela!! Andito ka na pala, san ka ba nanggaling??" Tanong ni shanley nang makalapit ako sa kanya

"Sa J.U" simpleng sagot ko

"Anong ginawa mo doon??" Tanong ni gilthunder, nakalapit na sila sa amin ni shanley

"Kanina kasing maga nakita ko sa balita na nawawala daw kayo kaya naisipan ko na pumunta sa J.U para ipaalam sa dean at sa mga magulang nyu na nasa puder ko kayo" paliwanag ko

"Ahh, anong reaction nila??" Tanong ni lishshand

"Normal" simpleng sagot

"Ano na gagawin namin ngayon??" Tanong ni sky, hindi ko sya sinagot at pumunta sa may hamba ng pinto ng training room at saka may pinindot doon

May lumabas na tanel, namatay yung ilaw sa loob ng training room at nag karoon ng laser sa loob ng tanel

"Laser!!" Sabay sabay na sabi ng mga babae

"Tatawid kayo dyan at iwasan nyung madikit sa isa sa mga laser na yan" sabi ko

"Bakit??" Tanong ni jentshand

"Makukuryente kayo pero hindi pang ganyan ang maaring mangyari pag nadikit kayo sa laser. May kulay kulay ang laser, pag kulay dilaw it means makukuryente kayo, pag kulay pula naman ay nakaka detect lang sya ng kalaban pag nadikit kayo at ito ang pang huli, ang kulay asul pag nadikit kayo ay masusunog kayo kaya ang asul ang pinka worst sa lahat, pag gumagalaw naman na kulau pula ay nakakahiwa lang sya, kaya goodluck" mahabang paliwanag ko

Nakita ko kung pano huminga ng malalim si eugene

Ang unang sumubok ay si hauzer, sunod si alister at nag sunod sunod na sila at pinakahuli ay si eugene

Habang pinagmamasdan ko sila ay nakikita ko kung gano na kalaki ang inimprove nila

Dati takot ang mga babae sa gayan pero ngayon ay nakangiti pa sila habang tumatawid doon sa may laser

"Yehey!!!!" Sigaw ni lishshand nang makatawid sya, nauna si alister, sunod jane, sunod si hauzer, sunod si gilthunder at shanley sabay lang sila, sunod si lishshand at saka si jentshand, suno ay si sky at ang huli ay si eugene

AGENT'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon